I usually hate Halloween, like seriously. I hate Halloween kasi… Basta! Yun na yun! Pero this year, mag-aattend kami ni Luna, since sa bahay naman ng pinsan ko yung venue, kasi siya yung president ng Athletics Committee kaya sinuggest niya na sa bahay na lang nila yung party this year kaysa magrent pa daw kami ng function hall sa isang hotel. Tipid budget daw.
At siyempre, in all Halloween parties hindi mawawala ang costumes. Luna decided to go as the white witch sa Narnia at nagsuot na rin siya ng wig na kulay puti. Bagay naman niya kasi maputi naman talaga kasi siya, kaso nakakainis yung damit niya kasi sobrang haba tapos kapag natatapakan niya laging muntik na lang siyang nadadapa tapos sa kin siya kakapit.
Ako naman, I decided to be a rocking witch. Not the usual I know, pero ayaw kong mag-cloak kung hindi rin lang yung parang sa Harry Potter ang isusuot ko. Ayaw ko ngang masira ang image ng witches and wizards dahil lang sa akin. So, I just wore all black na parang emo, tapos may hawak-hawak akong broomstick para witch talaga.
“Dali bhezt!” sabay yugyog sa akin ni Luna.
“Saglit nga kasi, hindi ko pa nalalagyan ng eyeliner yung isa kong mata. Bakit k aba kasi nagmamadali eh andito na nga tayo sa bahay nila ate Mia? Kung gusto mo, mauna ka na sa baba.” Dito na rin kasi kami nagbihis ni Luna sa bahay nila ate Mia, para hindi masira make-up namin sa pagpunta dito. May price kasi yung may pinakamagandang costume at make-up.
“Eeeeeeeeeeh!!! I want to go downstairs together…” she stomped her foot sa floor.
“Saglit na lang talaga,” saka ko inapply yung black lipstic. “Yan, tapos na… tara na.”
Pagdating namin sa baba, madami nang tao. Tapos they are all drinking punch, I’m sure may onting alcohol yun, tapos may softdrinks din yata at iced tea.
“Meron ba si Josh?” tanong ni Luna.
“Ewan ko eh, nagpunta yata sila ng family niya sa Palawan.” Araw ng mga patay bukas tapos ang nasa isip nila mag-Palawan. Pilipino talaga oh.
“Bhezt, sayaw tayo!!!” hindi ko pa man naproprocess yung sinabi niya nahila na niya ako sa gitna ng sobrang daming tao na nagsasayawan. Ito pa yata yung sala nila ate Mia, at nagtataka ako kung saan niya nilagay yung ilang mga couches kasi yung dalawa na lang na nasa magkabilang gilid ng living room yung natira.
In fairness, ang ayos pala ng decoration na pinaglalagay ni ate. Ang daming spider web-like decorations tapos yung mga lights na color blue na nakapaligid sa mga dingding at bintana, tapos may mga glow-in the dark pang mga spiders, and other creepy stuffs, the usual. May Jack o’ lanterns din na fiery ang effect ng ilaw, baka candle talaga yung nasa loob, ang dim kasi.
May binihisan pa silang mga manikin para parang mga white ladies at may naka-hung ding mga bungo, at may cauldron pa sa gitna ng dance floor at may kumukulong parang potion s loob. Para tuloy kaming sumasayaw ng ritual para magwork yung evil spell namin.
Nasisisiko-siko na ako ng mga tao dito at inis na inis na ako! Badtrip! Iniwan na ako ni Luna at nakipagsayaw sa isang mukhang zombie? Hindi ko maaninag yung costume nung lalake at kung sino man siya.
Pinilit kong makalabas sa mga nagsisiksikang tao na sumayaw ng kung anu-ano lang at nang makalabas na ako…
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!” nagulat ako sa itsura nung babaeng nasa harap ko! “SHIT!!!” napamura pa ako ng bonga, dahil sa sobrang tili ko nagulat din yung kaharap kong babae at natapunan niya ako nung iniinom niya. T__T
BINABASA MO ANG
I Think I've Met My Match <fin>
ChickLitMinerva Gatchalian, sophomore in High School, a girl who's tough on the outside but she's actually a sweet girl who's scared of a lot of things but doesn't want to show any weakness. Pero may isang makakatrigger ng lahat ng weak points niya, siya na...