Chapter 14: Aaaaaaaaaaloooooooone!!! xD

579 9 2
                                    

Sobrang daming ginagawa recently, it’s either practicing for the presentation ng class namin, pagtatayo ng booth namin for the foundation day, pag-prapractice sa Tae Kwon Do at ang pinaka-least na gusto kong ginagawa eh yung sa Drama Club.

Lately kasi lagi akong napapagalitan sa way ko ng pag-deliver ng dialogues ko. Kesyo di nila maramdaman yung sinasabi ko or nasosobrahan naman daw ako sa pag-act na nagiging super OA na. Eh hindi ko naman hiniling na gawin nila akong si Ariel eh.

Mukha ba akong Little Mermaid? Oo, mahaba hair ko, pero hello!!! Mukha ba akong nang-aakit? Sa mythology ganun sila dinedescribe, pero kasi iba pagka-describe sa kanila ni Hans Christian Andersen eh.

I even made myself read his original version of the story and not that of the Disney fairy tale books para lang ma-gets ko yung tunay na character ni Ariel. Sobrang daming kaechosan.

Ngayon naman pinapagalitan ako ni Kiera kasi hindi daw ako makasabay, either that or totally hindi ko alam yung steps.

Eh kasi naman po, ang sakit pa ng katawan ko, may laban ulit ako kaninang umaga sa Tae, tapos pagkabalik na pagkabalik ko sa school after lunch nagprapractice na sila ng sayaw. Wala man lang akong time para magpahinga.

Buti na lang regular classes pa rin, dahil dun I had time to relax a little.

Super early kaming nadismiss today, kaya naman dumiretso ako sa auditorium para buksan ‘to, wala pang taong naghihintay sa harap, baka pinag-uusapan pa lang ng class nila yung gagawin nila sa foundation. Lahat kasi ng mga klase mag-prepresent sa opening ng 3-day celebration ng foundation day namin.

Pagpasok ko sa loob binuksan ko agad yung mga bintana to let the fresh air in. I turned the air-con on na rin para hindi mainit when they all come in.

At dahil mag-isa ko, fineel kong magpaka-theatrical.

Dumiretso ako sa likod part ng audience. I put my earphones on saka ako kumanta ng malakas ng ALONE at naglakad ako ng padrama sa isle.

Kunwari  gumagapang ako at nahihirapang tumayo sa sobrang sakit ng aking nararamdaman, nag-papaka-OAsa pagkanta ng sobrang lakas.

Tuwang tuwa ako sa pinaggagawa ko hanggang sa makarating ako sa harap ng stage pero instead na akyatin ‘to humarap ako sa kunwaring audience ko at lumuhod and spread my hands wide.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAALOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOONE!!!” then took a bow several times on different angles.

Humarap ako ulit sa gitna para magbow ulit for the last time.

O___O

They are all clapping.

Since when did they get here?

“Wow! Minerva!”

I Think I've Met My Match <fin>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon