Homeroom kasi namin ngayon kaya naman yung adviser namin yung teacher namin for the first period.
Dumating na rin si Luna after mag-ring yung bell saka siya ngumiti nung tinignan ko siya at dumiretso na rin siya sa upuan niya sa likod.
“Okay, class.” Nagsalita si Ma’am Ramos from her chair, “Malapit na ang foundation day, and you know the school’s tradition.”
Yeah, I know it. And I hate it!
Nagsi-react na rin mga kaklase ko, yung iba tuwang-tuwa yung iba naman parang ako lang. Ayaw ko rin talaga kasi.
“Whether you all like it or not, we can’t do anything about it. You all have to do a presentation sa opening as a class and yan ang pag-uusapan natin ngayon. Plus your booth, anong plano niyo this year?”
Ayaw ko talaga ‘tong part na ‘to ng buhay estudyante, mga bagay na ganito ang hindi ko lubos maisip na kelangang gawin para makagraduate sa high school. Bakit kelangan ba para makapasa sa college entance exams ‘to? Hindi naman di ba?
Agad-agad namang tumayo sa harapan yung president ng classroom namin.
Wala akong balak makisali sa usapan nila kaya naman naglabas na lang ako ng libro. May bago kasi akong series na binabasa eh, yung The Secret series, nasa book three na ako ngayon.
Habang nagsisibigayan sila ng ideas, I just ignored all of them at nag-umpisang magbasa.
Nakakatuwa talaga ‘tong librong ‘to para lang akong kinukwentuhan nung author, yung parang story telling lang talaga. At nakakatuwa siya kasi may mga kunwaring secret codes pa siya, eh parang ang dali naman i-decode.
Medyo malapit na akong matapos sa pang-apat na chapter nung biglang mas lumakas ingay nila. At naiirita na ako, kaya sinara ko na yung libro at tinanong sa katabi kong si Bea kung anong nangyayari.
“Magtatayo daw tayo ng maid-café as booth this year, eh ayaw nung mga lalake.”
Maid-café? Gusto ko yun! Parang sa mga animes. Ang saya.
“Talaga?” hindi ko maitagong natuwa ako, “eh di wag na lang sumali yang mga lalakeng yan. Duh!”
“I know right? Kahit sila na lang dun sa may kitchen part taga prepare ng foods and teas and coffees. Di ba?”
“Or they can be butlers. Ang cute!” sabi naman ni Lea, yung girl sa harap namin.
“Okay, okay!” singit ni ma’am sa ingay namin. “You should do something that you all agree with, and yung sa presentation niyo na sayaw, how are you all going to practice?”
Anong sayaw?
BINABASA MO ANG
I Think I've Met My Match <fin>
Literatura FemininaMinerva Gatchalian, sophomore in High School, a girl who's tough on the outside but she's actually a sweet girl who's scared of a lot of things but doesn't want to show any weakness. Pero may isang makakatrigger ng lahat ng weak points niya, siya na...