Chapter 22: Deadmahan?

616 9 0
                                    

 <Min's POV>

“Min, ikaw muna please manguha nung orders nung mga lalake sa table 7, please? Na-wi-wiwi na talaga ako.” Sabi ni Luna sabay takbo palabas ng café namin at hindi man lang hinintay yung response ko kung gusto ko ba. Naiihi na siguro talaga.

Pagkalingon ko sa kanila, “Miss! Excuse me!” sigaw nung isang lalake sa gilid, may tatlo pa siyang ibang kasamang mga lalake. Mukha silang higher years kasi medyo maaangas sila. Yung dalawa sa kanila nakatuon sa menu namin, kaya hindi ko makita kung sino, pero yung dalawang nakatingin sa akin ngayon, mukha silang familiar.

Lumapit ako sa kanila, “Ano pong order nila?” saka ko nilabas yung notepad kong maliit at blue na pen.

Ibinaba nung isang lalake yung hawak niyang menu at napatingin ako sa kanya, and he looked at the menu again, ignoring me. Then he spoke without looking at me and still looking at the menu, “Uhm, one slice of blueberry cheesecake and one iced coffee.” Tinignan niya mga kasama niya, “Ano sa inyo?”

Yung tumawag sa akin kanina ang sumunod na nag-order, “Ganun na rin sa akin, pero pa-add ng vanilla whip cream sa iced coffee ko.”

Nakigaya na rin yung dalawang kasama nila dun sa tumawag sa akin kanina.

“Sige po sir, uulitin ko lang po yung orders niyo,” I tried to put on my best smile and took a deep breath, “Apat pong 1 slice of Blueberry Cheesecake, and 3 iced coffee with vanilla whip cream, tapos isa pong wala. Tama po ba?” tinanong ko yung lalakeng tumawag sa akin kasi wala akong balak pansinin yung lalakeng unang nag-order, and he just nodded. “Kukunin ko lang po yung order niyo.” I took a step backward and gave a little bow for curtsey.

Napatingin ako sa dumedeadma sa aking lalake at hindi pa rin niya ako tinitignan. So, deadmahan palang gusto niya, let’s just see how far he’ll go. ≧ω≦

Pagdating ko sa preparation area binigay ko na rin yung order nila at naghanap ng walang ginagawa, “Lea, pwede bang ikaw na lang magdala nung order nung sa table 7? Naiihi na kasi talaga ako.” Then I held my urinary bladder na parang di ko na talaga kaya.

“Sige,” at pagkasabi niya, nagpasalamat ako at binilisan kong lumabas ng booth namin.

Nung makalabas ako sa booth, binagalan ko na ring maglakad and taking huge amount of air kasi para akong aatakehin. Puputok na yata ang puso ko.

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaa—” someone grabbed me and covered my mouth, buti na lang hindi talaga ako naiihi, or else naihi na ako nito. Shit! Kikidnapin kaya ako nito? Hallah Lord!!! Wag please!

Sobrang takot na talaga ako, I can’t even move a muscle, parang nag-shut down ang mga reflexes ko. Walang silbi ang mga nalalaman ko sa Tae Kwon Do. Then I heard my captor stifle a laugh.

“You should see your face right now.” And this time he laughed fully.

“Bwisit ka…” I faced him, “JOSH!” then I started hitting his chest until his hand closed my fists and pulled me closer to him then he kissed the top of my head.

“You’re so cute when you’re scared, do you know that?” he’s still hugging me tightly and I hugged him back. “Nuod ka bukas pala may game kami.” Then he released me from his embrace.

“Ayaw ko nga, after mo akong gulatin ng ganun? You still expect me to come watch you tomorrow?” pero I’m actually smiling while talking.

I Think I've Met My Match &lt;fin&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon