Chapter 30: Looooooooooser! xD

516 10 3
                                    

Hindi ko na kaya ‘to, sobrang napahiya ako dun kanina nung nadapa ako sa floor!

“Please keep still.” Sabi nung resident doctor namin sa school. Hindi ko naman kasing mapigilan na igalaw yung paa ko or yung kamay ko when she’s about to apply something on it, instinct ng katawan ko kasi alam niyang mahapdi yun.

Pati pala elbows ko nagasgasan, pero hindi naman daw ganun kalala. Nung matakpan niya ng gauze yung lahat ng bruises ko she gave me some tablets na anti-biotic daw para hindi maimpeksyon yung mga sugat ko, and free rin na panglinis ng sugat and one roll ng gauze and medical tape to dress my wounds with.

“Thank you po.” Sabay pa si Ate Mia at Duncan, kaya nagtinginan sila. Tsk, iba makatingin si Duncan kay ate ha.

“Hui!” nagtitigan na lang naman na kasi sila. “Hello!” I waved my bandaged hands. Para akong mummy.

“Sorry, can you walk?” tanong naman ni Duncan. Pero nakatingin kasi ako kay Ate, kakaiba din kasi tingin nito eh, parang galit na worried na ewan, basa ang weird!

 

“Yeah, kaya ko.” I stepped down the bed, at sa pagmamagaling ko muntik na ulit akong matumba kasi ang sakit pa rin ng tuhod ko. Buti na lang at mabilis pareho ang reflexes nila ate kaya sabay nila akong inalalayan sa pagtayo.

Pagkalabas namin ng school clinic, “You say you’re fine, pero you’re not.” Mukhang medyo galit si Ate Mia. “Ano na lang sasabihin ko kila Tita? Hindi ka nga nababalian ng buto sa Tae Kwon Do tapos isang laro mo lang ng jumping rope nagkaganito ka na.” well, that just concurs my hula na galit nga siya.

“Sorry At—”

Duncan cut me off. “It’s obviously not her fault, you don’t have to be mad at her. Hindi niya kasalanan na maapakan yung rope at sumabit ang paa niya dun.” Tumingin ako from Duncan to Ate. Tama ba ‘tong nangyayari? Nagagalit sa akin si Ate Mia tapos pinagtatanggol ako ni Duncan? Nagbaliktad na yata ang mundo.

“I know it’s not her fault, all I’m saying is she is my responsibility, and because of what happened I need to explain it to her mom!” naku, oo nga, malamang tatanungin siya ni mama nito.

 

“You don’t have to, because she will explain it to her mom herself,” tinignan nila akong dalawa. “Right?” Duncan asked me.

“Uhm, opo ate, ako na lang po mag-eexplain kay mama. Sorry po for making you worry.” I hate making people worry, feeling ko ang laki ng kasalanan ko.

Tinignan ng masama ni Ate si Duncan, then she looked at me calmly, “I know, I’m sorry din that I got mad, I was just really worried, buti hindi ganun kalala, what if you sprained an ankle? May laro ka pa sa pasukan, these things have long effect sa player kahit sabihin nating nakarecover ka na by then.”

I Think I've Met My Match <fin>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon