Chapter 3: ~eeeeeeeeeeeeeeeeep! Kilig Much? :">

863 13 4
                                    

***Continuation***

"Para mahulma mo yang attitude mong yan and make it better, all of us decided to make you join the Drama Club."

How exactly will that make me a better person?

I don't like performing arts! It's so weird and art-sy!!!

Hindi ko kayang magperform sa harap ng maraming tao, plus I don't act, and most especially sing and dance! I hate performing!

"I suggested, that you will be joining our drama production para sa Foundation Day." Sabi nung Duncan.

He suggested? Well, now I am totally going to mark him as my enemy.

*********************

"I'll take you home, para hindi na naman kung ano mga gagawin mong hindi maganda." Hindi pa rin ako tinitignan ni Ate Mia simula nung sinabi nila yung punishment ko kanina.

"Ate, I'm sorry po talaga. I swear po, hindi ko na po talaga uulitin." Nakayuko lang ako, kasi hiyang-hiya talaga ako kay ate, malamang nakipag-away pa siya para lang hindi ako ma-expel or worse matangal sa team.

"Ouch! Ate!" nabungo ko siya kasi naman huminto siyang maglakad.

"Mapapatay ko talaga yung Duncan na yun!" bigla na lang siyang nagsalita saka humarap sa akin, "Alam mo bang pinipilit niyang tangalin ka sa team?" nanlaki mga mata niya.

"Hindi naman po siya nagging successful dun sa gusto niyang mangyari eh, at saka ate..." lumapit ako sa kanya, "Talaga bang nareco-" tinakpan agad niya yung bibig ko.

"Shhh... let's talk about that later pag nasa sasakyan na tayo." She removed her hand from my mouth then gestured me to walk side-by-side with her.

"Bilisan mo at baka naghihintay na si mang Toni dun sa parking lot."

We just walked silently, I can't help but hop a little while walking. That's how happy I am. Siyempre, kasi hindi ako natangal sa team.

Then a thought struck me which caused me to stop walking. "Ate, seryoso bang sasali ako sa production ng drama club para sa foundation day?" she looked at me and just smiled.

"Well, yes. Nag-agree na lang din ako dun kaysa naman matangal ka sa team, or would you like to clean the latrines?" she smirked. "Besides, dati naman sumasayaw ka di ba?" saka siya tumawa ng pagkalakas-lakas.

"Ang sama mo ate! And hindi na ako sumasayaw ngayon. My ballet days are over!"

Nakarating na rin kami sa parking lot, pero we still have to walk a few feet more kasi nasa medyo dulo yung sasakyan nila ate.

I was about to get in the car as my cousin opened the door for me when, "Making sure she's not getting into any other trouble, are we?" napalingon kami ng sabay ni ate sa direksyon ng sound.

"Duncan, hindi mo pa rin ba matangap na natalo ka? Pwede ba, just accept it will you? Your sister deserved all of it!" first time kong marinig ang pinsan kong makipagsagutan, sobrang saya ko. HAHA

"I didn't lose, in fact I got what I wanted." He looked at me, he's totally grinning, I can see it kahit medyo malayo siya, "See you this Monday sa auditorium Miss Gatchalian." Then he went in his ride.

Tinignan ko si ate, "Ate, sure ka bang tama yung decision mo?" takot ako talaga.

"Well, it's either this or you know what already." Dumiretso na rin siya sa loob ng car.

I Think I've Met My Match <fin>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon