<Duncan's POV>
“Kuya!” tawag sa akin ni Rachel habang kumakatok siya sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ako sumagot kasi tinatamad ako, at tinatamad din akong buksan yung pinto kasi hindi ko naman kelangang pumasok ngayong araw na ‘to at sa mga susunod pang araw. “Aalis na po ako. My food na po sa table.” Then I heard her walk down the stairs.
Hinila ko yung kumot ko para matakpan yung mukha ko sa liwanag. Masakit kasi sa mata. Nakahiga pa rin ako pero kanina pa ako gising. Tinatamad lang talaga akong bumangon kasi wala naman akong balak pumasok ngayon, magpapasign lang naman ako ng clearance at hindi ko alam kung paano ko haharapin si Min kung magkasalubong man kami. After what happened last Friday, I don’t know if I can even face her. Her decision sounded unbreakable already; she doesn’t want to be friends anymore.
Sino kayang nagtext? Ang tagal magring, baka tawag. Hinanap ko yung cellphone ko sa table sa tabi ng bed ko ng hindi bumabangon. Tumatawag pala si Mason, I pressed answer, “Oh?” my voice sounds hoarse.
“’Tol, pasok ka?” tanong niya, sa tunog ng boses niya parang kagigising lang din niya.
“Hindi ko alam, ikaw ba?” ayaw ko talagang pumasok pero kung magpapasign na sila ng clearance ngayon makikisabay na lang din ako. Ayaw kong magpasign ng clearance mag-isa.
“Tinext ka ba ni Harry kagabi? Sabi niya punta tayo ng mga ten sa school para magpasign.” Napahikab pa siya, halatang inaantok pa, napahikab din tuloy ako.
“Wala, ewan ko. Hindi ko chineck yung cellphone ko buong araw kahapon eh. Anong sabi ba ni Kev?” I rolled to the other side of the bed.
“Oo din yata eh. Punta na lang din tayo.” *blaaaaaaaaaaaaaaaaaaag* “Aw!” sigaw niya.
“Uy! Anong nangyari?” tanong ko, parang may nalaglag yata.
“Nalaglag ako sa floor.” Tumawa pa siya ng malakas,“Kita na lang sa school mamaya.” He said and I said sure tapos diretso na ako sa dining room para magbreakfast. Binilisan ko na yung kilos ko kasi 9 a.m na, baka matraffic ako sa pagpunta sa school.
Pagdating ko sa classroom kasi dun daw kami magkikita-kita andun na silang tatlo, meron din si Mr. Gomez, adviser namin. Umupo ako sa tabi nila Kevin sa likod, pinag-uusapan nila kung ano ang magiging graduation song namin, tapos kung kelan sa-signan ni Sir yung clearance namin, which is when we get our other teachers sign it first. After that iniwan na niya kami to decide for our graduation.
“Ano daw bang sabi ng ibang klase?” I heard one of my classmates ask our class president.
“We have to meet up with them na lang. Wait lang.” sagot ni Carla, tapos lumabas siya ng classroom.
Pagtingin ko sa mga kasama ko hindi sila nagpapakita ng interes sa usapan sa classroom. Si Harry may binabasang novel, si Mason naman nagtetext habang si Kevin nakatulog na sa arm chair niya. “Hoy!” tawag ko sa kanila. Nung nagtinginan sila sa akin maliban kay Kevin niyugyog ko siya, nagising din sya agad. “Magpasign na tayo sa mga available na teachers sa faculty room.” Saka ako tumayo agad. I don’t want to waste time kasi any minute now magla-lunch break na sila Min at hindi pa ako handang makita siya.
“Mamaya na.” tinatamad na naman ‘tong Kevin na ‘to, then he resumed sleeping on his desk. Binatukan naman siya ni Harry. “OW!” sabay hawak sa ulo niya.
“Tama si Duncan, para hindi na natin kelangang pumasok bukas. Ayaw kong magpractice nung grad song.” Nagsitinginan kami at pare-pareho yata kami ng iniisip. We all don’t want to practice.
BINABASA MO ANG
I Think I've Met My Match <fin>
ChickLitMinerva Gatchalian, sophomore in High School, a girl who's tough on the outside but she's actually a sweet girl who's scared of a lot of things but doesn't want to show any weakness. Pero may isang makakatrigger ng lahat ng weak points niya, siya na...