CHAPTER 2

128 8 2
                                    

STACEY'S POV

Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? Madulas pa sa fish! Kanina lang nakita ko siyang naglalakad sa hallway tapos ngayon, biglang nawala. Siguro pinaglihi 'yon kay flash. He's so fast. I just want to approach him and I want to greet him good morning pero nawala naman siya. Bakit nga ba ako nagwo-worry, eh puwede ko naman siyang puntahan sa clinic? Right! Dapat kanina ko pa naisip ang bagay na 'yan. I'm so matalino talaga.


Inayos ko muna ang mukha ko. I wore my beautiful smile bago maglakad papuntang clinic. Of course babatiin ko ang future hubby ko kaya naman dapat maganda ko plus... blooming. Gusto kong maging maganda ang umaga niya once na makita niya because you know, having me as his breakfast view is such a blessing. Kinikilig na agad ako naiisip ko pa lang na matutulala siya sa ganda ko.

I shook my head. No, Stacey! Bawal mag-assume. Kapag nag-assume ka, talo ka. Kailangan low-key lang tayo. Kunwari hindi nagpapapansin pero may hidden agenda ganorn!

Tuwid akong tumayo sa tapat ng pinto ng clinic bago humugot ng hininga. I have to do this! For the sake of our future kailangan kong mag-first move sa kaniya. It's okay, maganda naman ako. Hindi naman nakakabawas ng ganda ang pagpi-first move.

Sumilip muna ako sa butas, sa bintana. Nanlaki ang mata ko nang makitang nakikipagtawanan siya sa babaeng ayaw-ayaw ni ate Halleina. I don't know her name and I am not interested to know her name. Pabalang kong binuksan ang pinto na ikinagulat nilang dalawa.

“How dare you?!” Duro ko kay Alvin. Lumaki ang mata niya sa gulat.

“W-What?” Naguguluhang tanong niya na tila may halong kaba.

Kabahan ka talaga dahil galit na ang future wife mo! Stupid stone hearted man!

“You... you...” Inis kong binaba ang kamay ko sa gigil. Nilipat ko naman ang tingin ko kay girl na... maganda naman. Nagpalit-palit ako ng tingin sa kanilang dalawa.

They're too close. Nakikipagtawanan sa kaniya si Alvin samantalang sa akin parang yelo kung makipag-usap. What are their relationship? Are they... no! Impossible!

“Sumama ka nga sa akin!” Walang paalam kong hinila ang babaeng kausap niya. Binitawan ko lang ang kamay niya nang makalayo kami ng konti sa clinic.

She's looking at me from head to toe. Her eyes is judging me. As if naman may kalait-lait sa akin. I am the image of perfect girl kaya. Wala siyang malalait sa akin. Baka purihin niya pa ako sa sobrang gand ako. Well, I can't blame her kung pupurihin niya ako but no. Let's go back to the business. I want to know what is her relationship to my future hubby para alam ko kung sinong ipapakulam ko soon.

“Umamin ka!” Dinuro ko siya at pinanlisikan ng mata. “Anong relasyon mo kay hubby—este Alvin?!” Unti-unting naningkit ang mata ko.

“What do you mean by....” Naguguluhan niya akong tinignan ko.

“Huwag ka ngang magkaila! I know you have relationship with him! Sa'yo lang kaya siya tumatawa tapos dumadaldal. Impossible naman na wala kayong relasyon.” I maybe sound jealous... I am literally jealous. I looked away as I crossed my arms.

“Hm?” She hummed. Tinignan ko siya with nanglalait look. “You're her fan, right? Naku, kung ako sa'yo ngayon pa lang titigil na ako kasi bukod sa mga kaibigan at pinsan niya wala na siyang pake sa ibang tao. Isipin mo na lang para kang humahanga sa isang statue.”

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon