CHAPTER 12

53 5 0
                                    

STACEY'S POV

I just realized that I am so stupid yesterday! I didn't ask Alvin to be my partner on our acquaintance party. Dapat niyaya ko na siya habang na sa harap pa ako ng ate niya, right? Ang tanga-tanga ko! Nadaan ako sa kuwento kahapon, eh.

“Hi, Theo!” May halong kaartehan na bati ni Khiana kay Theo na nasa tabi ko.

Napatingin ako sa kaniya, inirapan naman niya ako. Wala pa akong nagagawang illegal, galit na naman siya.

“Hey!” Ang friendly naman bumati nito ni Theo.

Malapad na ngumiti ang bruhang Khiana sa kaniya. Binabati ka pa lang, girl huwag kang tanga! Hindi ka pa sinasagot!

“I just want to ask you if can you be my date sa acquaintance party next week?”

Sinasabi ko na nga ba ayan ang sadya niya. Huwag siyang kabahan dahil wala naman akong balak na maging partner ang lalaking 'yan.

“I am sorry, Khia but...” He looked at me. “Stacey is my date na.” Inakbayan niya ako.

“WHAT?!/Ako?!” Halong nagkapanabay na bigkas namin ni Khiana. Galit siyang tumingin sa akin.

Dali-dali kong iniling ang ulo ko. “Hindi! Hindi! Hindi mo nga ako inalok, paanong ako?” Naguguluhang tanong ko sa kaniya. Bibigyan pa ako ng lalaking 'to ng kaaway.

“Basta! Ikaw na ang partner ko so, I am sorry, Khiana. Si Stacey na ang napili kong partner.” Nginitian niya ito na mukhang hindi ikinatuwa ni Khiana.

Galit siyang tumingin sa akin. Her sharp eye stated that I am in trouble. Well, I guess I am really in trouble because of this man. Ang lakas ng loob niyang yayain ako na maging partner niya without asking my permission! Sinabi ko bang gusto ko?! Now galit na sa akin si Khiana—palagi naman but, iniiwasan ko na nga!

“May araw ka rin sa akin!” Banta niya bago nag-martsa palabas ng room.

Saktong paglabas niya ay siya namang pagpasok ni Alvin. Siya ang professor namin ngayon sa math subject namin. Sinundan niya pa ng tingin sandali ang nagdadabog na si Stacey bago umiling. Tumingin siya sa gawi ko at bigla namang kumunot ang noo niya. Kinunutan ko rin siya ng noo para same vibes. Gusto ko same vibes kaming dalawa. Walang magpapatalo! Ilang segundo pa bigla niya na lang akong inirapan at naglakad papunta sa table sa harap ng white board. Nilapag niya ang dala niyang gamit.

“Good morning,” bati niya sa lahat. Nagagawang mag-good morning sa lahat tapos sa akin hindi? Hays!

“Good morning, Sir!” Bati pabalik ng kaklase ko. Ang iba ay nagpa-pabebe ng boses, nag-iinarte, parang inipit na palaka, at ang iba naman ay kinikilig. Tanggalan ko kaya kayong lahat ng t*nggil para manahimik kayo?! Asawa ko na 'yan aagawin niyo!

“Kayong dalawa diyan sa likod, balak niyo bang mag-akbayan na lang hanggang matapos ang klase ko?”

Lumaki ang mata ko nang tumingin sa amin ang mga kaklase namin. Dali-dali kong inalis ang kamay ni Theo na nasa balikat ko. Na-distract ako masyado sa pagdating niya hindi ko namalayan ang kamay na 'yon!

“Selos ka?” Lakas loob na tanong ko. Makapal mukha ko, pake niyo ba?

“Sir, selos ka raw ba? Tinatanong, oh!” Kantsaw ng kaklase naming lalaki.

Umangat ang ulo nito at seryosong tumingin sa amin. “Ms. Gabis, mind your words. You are not talking to your friend. I am your professor.”

Sus, tatanggi pa!

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon