CHAPTER 4

78 8 0
                                    

STACEY'S POV

Stress agad ang bumungad sa akin nang magising ako. After I used the ritual last night, I don't know what happened next. Nagising na lang ako na nakahiga sa sahig kung saan ako mismo nag-ritual. Mukha akong tanga. Gulo-gulo ang aking buhok like I didn't brush my hair for a decade gano'n. Napa-shower tuloy agad ako bago ko iligpit ang mga ginamit ko.

Ang ganda ng binigay ng mangkukulam na ritual. May instruction na kung ano ang gagawin ko. Kinabahan pa nga ako kagabi dahil baka ma-backfire ako, luckily walang nangyari sa akin. Mostly sa mga fantasy na drama kinukuha ang ganda ng girl hindi ba? Okay lang naman na gawin nila akong mute or something huwag lang nilang kunin ang ganda ko kasi ito na lang ang mayroon ako. May utak din naman ako kaso isang brain cell na lang ang gumagana. Mahal na mahal ko 'to at ayaw kong napapagod kaya palagi kong pinapatulog.

Bumaba na ako sa dining area nang matapos kong ayusin ang katawan ko. This day is a special day for me. Ngayon ko na makikita ang ngiti ni Alvin sa akin. Finally, magiging soft na rin sa akin ang yelo na 'yon!

"Good morning, mom! Good morning, dad!" Masiglang bati ko sa mga magulang ko nang maka-upo ako.

Nagkatitigan pa sila sa behavior na pinakita ko. Usually nagre-reklamo ako kapag morning ang class ko but not today. No today. Maganda ang gising ko at maganda ang umaga ko.

"Wow! You're so energetic today, iha!" May halong gulat at natutuwang puna sa akin ni daddy. Ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya bago isubo ang hiwa ng steak.

"Your dad is right! Anong nakain mo at ganiyan kaganda ang umaga mo? O anong napanaginipan mo at maganda nag umaga mo, ha?" Nanunukso akong tinignan ni mom. Hindi ko na napigilan ang pag-ngiti ko. Napahampas na lang ako sa hangin sa sobrang kilig.

Bawal kong sabihin pero p'wede akong magdahilan.

"It's not special, mom. I just made a friend kaya natutuwa ako," nakangiting dahilan ko ngunit ang totoo si Alvin ang na sa isip ko.

"That's good to hear! Mabuti naman at may makakausap ka na sa school na 'yon. Huwag kang makikipag-away, ha! Ayan ang iiwasan mo. Hangga't maaari huwag kang mang-aaway o maghahanap ng kaaway," paalala ni mommy. Tumango naman ako.

Wala akong panahong intindihin ang mga ganiyan. Marami akong plano ngayong araw. Gusto kong makipag-titigan kay Alvin buong maghapon. Kukulitin ko siya sa clinic hanggang sa ibigay na niya sa akin ang napatamis niyang ngiti. Oh, God I can't wait! Gusto ko na agad tumayo tapos tumakbo papuntang school. Talagang hindi na ako makapaghintay na ngitian ako ni Alvin!

-----------

"Good morning, Sir Alvin!" Masiglang bati ko sa kaniya. Ngumiti ako ng wagas, as in wagas!

"Good morning, Ms. Stacey!" Bati niya pabalik sa akin. Kahit naka-poker face siya hindi ko na nararamdaman ang coldness sa pagkatao niya. Mukha na siyang mabait ngayon.

"Uhm..." Ano bang dapat kong sabihin to live up our conversation?

"You want to say something?" Tanong niya habang nakatingin ng deretso sa mata ko.

"Uhm... wala naman nabati na kita ng good morning kaya buo na ang araw ko, ehe!" Ay, pakshit ang landi ko!

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon