STACEY'S POV
I am absent for two days because of that fucking LBM. Kasalanan ko bang masarap ang pagkain? Akala ko talaga mamamatay na ako that time. I am worried that Alvin might grow old without me and single. Kawawa naman ang honeybunch ko. Pati si mommy ko concern na sa akin that time. That's normal cause she's my mother. Ang hindi lang naman normal pati si Theo china-chat ako and asking me if I am okay na ba or may improvement na ba sa kalagayan ko like, what is he? Who is he? Is he my boyfriend? But, yeah sinasagot ko naman ang mga tanong niya cause he helped me and still helping me. He send me his homeworks and the lesson they tackled.
Actually, I am super duper excited pumasok ngayon dahil nalaman ko na magiging permanent professor na namin si Alvin my honeybabe sa major subject namin. Nawala lang ako ng dalawang araw may maganda ng nangyari. Feeling ko tuloy umaayon na ang weather sa akin ngayon. I'm so blessed talaga.
“Mabuti naman nakabalik ka na.”
“Dzuh! Hindi naman ako mamamatay sa LBM 'no?” Nakatakot lang talaga ako mamatay dahil iniisip ko ang future namin ni Alvin.
He chuckled. “I know. I'm glad na ganiyan na ulit ang energy mo. The last time I saw you, you look like a lantang-gulay na malapit ng mabulok.” Kung sapakin ko kaya bibig nito ni Theo para matauhan.
Inirapan ko siya. “Maka-lantang gulay ka naman, hmp!”
Natawa siya. “Just telling the truth gano'n talaga ang hitsura mo that time.” Uulitin pa talaga. Wala na talagang nagawang matino ang mga lalaki. Puro na lang pang-iinis sa babae.
“You know what? Bahala ka maghahanap na lang ako ng bagong seatmate!” Kunwaring nagtatampong saad ko. I stood up and pretend that I will grabbed my things.
I was shook when he hold my wrist. “Joke lang! Joke lang naman!” I saw the fear on his eyes. Nakakatakot ba ako?
Nagkatitigan kaming dalawa. I'm trying to read him while his eyes trying to persuade me na huwag na akong lumipat ng upuan. Natanggal lang ang pagkakatitig ko sa kaniyang mukha nang makarinig ako nang malakas na tikhim. Lumaki ang mata ko nang makitang si Alvin ito at nakatingin sa akin ng seryoso. Tinanggal ko ang kamay ni Theo sa pulsuhan ko.
Sorry na, honeybunch..
“Are you going to stand up for the whole class or you're going to sit down now, Ms. Gabis?” Seryoso at may bahid ng kasungitan na tanong niya sa akin.
“Uupo na nga po ako, mister ko—este Mr. Cabreras.” May halong pangpi-flirt na sabi ko sa kaniya na ngapaingay sa buong klase.
“Ang smooth no'n, ah!”
“Mister naman pala!”
“Isa na naman pong babae ang nahumaling kay Sir Alvin.”
“Iba ka, Stacey!”
“Wala na! May nanalo na! Anong laban ko diyan? Teacher 'yan ako poging estudyante lang.”
May sinungaling pang kumuda. Ngumisi ako nang makitang hindi siya komportable sa ginagawang panunukso sa kaniya ng mga kaklase ko.
“So slut!” Komento naman ni Khiana na ikina-pantig ng tainga ko.
“What did you say?” Subukan mong ulitin may kalalagyan ka sa akin.
“I said, you're a slut. How dare you to flirt with our teacher? Do you have any shame on your body?” Aba't talaga namang...
Tumayo ako. I crossed my arms as I looked at him with my eyebrows raising. “How about you? Do you have any shame on your body? Kissing someone in hallway and dating different guy everyday?” I told you, honey don't underestimate the things that I can do.
BINABASA MO ANG
WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)
RomanceHave you ever fall in love with a stone hearted man? Stacey Raine Gabis, a second year college student who never been in love with someone until she met Aced Vincent Mattias-Cabreras on her cousin's wedding. At first, she thought she was just attra...