CHAPTER 19

67 7 0
                                    

STACEY'S POV

Nagkasundo kaming dalawa ni Theo ngayon na gagawa kami ng project sa bahay. Hindi naman p'wedeng sa bahay nila baka isipin ni mommy ano. Alam niyo na. Kaya sa bahay na lang namin.

Sa ngayon, nangungulit pa ako kay Colleen dito sa clinic. Wala na kaming class and hinihintay ko na lang na bumalik si Alvin. Hindi kasi buo ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang mukha ng lalaking 'yon. Kahit hindi ko na kayo makita lahat basta siya makikita ko, ayos na. Ano namang pake ko sa inyo puro stress naman binibigay niyo sa akin.

"Ay, you know what? There's a girl here kanina na pumunta kay Alvin." Nagpantig agad ang tainga ko sa panimulang sinabi ni Colleen.

"Sino?" Usisa ko.

"Tumingin siya sa akin sabay kibit ng kaniyang balikat. "I don't know her name. Ang alam ko lang hinahanap niya si Alvin. May mga dala nga siya andiyan sa table ni Alvin, oh." Turo niya rito.

Napatayo ako mula sa pagkaka-upo ko. Nagtungo ako sa table ni Alvin at tinignan ng maigi ang paper bag na nakapatong doon. Pinipigilan ko ang sarili ko na h'wag itong buksan. Hindi naman para sa akin gift kaya ayaw kong pakialaman.

"Baka naman ini-eme mo lang ako na sa ibang babae galing 'to. Maybe his sister gave this to him."

Umiling siya. "I don't know that girl. At saka kung ate niya 'yan hindi na 'yon mag-aabalang magpapunta rito ng ibang babae, she go here anytime she want," she said without looking at me. Busy siya sa kaniyang ginagawa.

Napatango ako. "Kung sabagay tama ka naman."

Talagang nilalamon na ako ng curiosity ko na buksan ang gift na nakapatong sa table. May red ribbon pa naman kaya sigurado ko may meaning ang gift na 'to. I can't resist anymore. Kinuha ko ang paper bag at umupo sa table ni Alvin. Pinatong ko iyon sa hita ko. Sisilipin ko lang naman, hindi ko bubuksan. Pilit kong sinisilip ang laman mula sa butas. Mabigat so this thing is valuable.

"Ano kayang na sa loob nito?" Tanong ko habang sinisipat sa maliit na butas.

"Huy! Hindi para sa'yo 'yan h'wag mong pakialaman!" Saway sa akin ni Colleen.

"Aish! Sinisilip ko lang naman, ih! Hindi ko bubuksan, promise!"

Napailing na lang siya. Curious talaga ako kung anong laman ng paper bag. Konti na lang at hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na buksan ito. Wait, I do have the right to open this gift because I am his future wife, hindi ba? Whatever he receive, dapat makikita ko para masiguro na safe sa kaniya.

Tama!

Kaya dapat tignan ko nag gift na 'to dahil baka hindi safe para sa kaniya. Baka mamaya may gayuma pala ito para lang makuha siya. No! Hindi p'wede! Hindi ako papayag na may iba pang gagayuma sa kaniya maliban sa akin. Kung sino man ang babaeng makapal ang mukha na 'yon malilintikan!

"Hoy! Akala ko ba hindi mo bubuksan?"

Napatigil ako sa pagtatanggal ng ribbon. "I am not kaya! I am just checking kung safe ba para sa future hubby ko ang bagay na nasa loob nito. Mini-make sure ko lang na talagang safe," pagdadahilan ko, pinagpatuloy ko ulit ang pagtanggal ng ribbon.

"Malakas din tama mo sa utak 'no? Hindi ka nga niya pinapansin tapos tinatawag mo pang future hobby mo." Naiiling na saad niya.

"Walang nanghihingi ng opinion mo!" Pikon na sagot ko.

Tumambad ang isang box at parang letter sa ibabaw nito nang mabuksan ko ang paper bag. Napaangat ang kilay ko nang makitang may kiss design pa ang papel na ginamit sa letter. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon