CHAPTER 15.2

94 10 12
                                    

STACEY'S POV

Umalingawngaw ang malakas na tinig na iyon. Napatigil ang mga sumasayaw at natuon ang atensyon sa amin.

“Tinatanong ko kung sino ka!” Galit na bulyaw ni Theo sa lalaki.

Narinig ko ang nanunuyang ngisi niya. Hindi niya ito pinansin at tinignan ako.

“Is he your partner, hm?” He asked. He leaned closer to my ears. “I'm jealous.” Mahinang bulong niya.

“Lumayo ka nga sa kaniya!” Maangas na utos ni Theo sabay kabig sa kaniya palayo sa akin.

He chuckled. Sobrang unbothered naman ng lalaking 'to.  “Are you his boyfriend?” May panghahamon sa kaniyang boses.

Nagbulungan ang mga tao sa paligid. I am also wondering kung bakit nga ba galit na galit si Theo, hindi ko naman siya boyfriend. Nandito nga ako para mag-enjoy, eh.

“Hindi pero—”

He immediately cut him. “So, you're nothing to her but a friend.” He nodded. “You're being over acting. We are just dancing, what's wrong with that?” Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin ngunit bago pa siya makalapit hinarang agad ni Theo ang katawan niya.

Lalong lumakas ang naka-aasar na tawa ng lalaki. Ngayon masasabi kong hindi talaga ai Alvin ang lalaking 'to. Hindi naman tumatawa ang lalaking 'yon. Kahit ngisi nga hindi. Siguro magka-pareho lang silang dalawa ng pabango pero hindi talaga siya si Alvin. Nag-assume pa naman ako na siya nga si Alvin. Stalker ko lang pala talaga siya.

“What now? Bakit mo ipinagdadamot sa akin ang partner mo? This is partner not your date.”

Lumapit si Khiana at lumingkis sa braso ni Theo. “Tama siya, Theo! Masyado na kayong gumagawa ng eskandalo rito, tama na!” Hinila niya si Theo ng bahagya.

“Eh, hindi naman kilala ni Stacey ang gagong 'yan! At saka, ngayon ko lang nakita 'yan, eh!” Nakadurong asik niya.

“Pero palagi ko kayong nakikita...” Tumingin siya sa akin at humakbang papalapit. “Kayong dalawa ng partner,” he said in front of me, he grabbed my waist aggressively.

Nagdikit ang katawan namin na naging sanhi ng biglang pagtibok ng puso ko ng sobrang bilis. Napako ang tingin ko sa kaniyang mata, hindi na sumagi sa isip ko na may mga tao pa pala sa paligid na nakakakita sa amin. Hindi ko maipaliwanag ang tibok ng puso ko. Sobrang lakas nito, nakabibingi. Kay Alvin ko lang nararamdaman ang bagay na 'to pero bakit... bakit ang lalaking 'to nagagawang patibukin ang puso ko gaya nang pagtibok tuwing si Alvin ang na sa harap ko?

Mabilis ang pangyayari. Lumaki na lamang ang bilog ng mata ko nang maramdamang dumikit ang maskara niya sa labi ko at hindi lang basta maskara niyo kung 'di ang mismong labi nito. Nanlalaki ang mata kong napatitig sa mapungay niyang mata. Saglit lang iyon. Inilipat niya ang labi niya sa may tainga ko.

“We will meet again, my lady but I hope next time wala ng extra. Next time, I will kiss you without this mascara.”  Nagtindigan ang balahibo ko sa sinabi niya.

Kasabay no'n ay ang biglang pagpatay ng ilaw. Muling umingay ang paligid, may mga nagtilian pa. Samantalang ako, heto tulala lang habang pina-process sa utak ko lahat ng nangyari.

Ano 'yon?

Bakit may gano'n?

Kumurap ako ng ilang beses. Hindi ko talaga gets. Bakit parang ang bilis ng pangyayari? Hindi pa rin magkamayaw sa pagtibok ang puso ko. Habang iniisip ko ang nangyari ay lalo lamang itong bumibilis. Tila ba ayaw na niyang tumigil, na parang bang natutuwa siya sa gano'n pakiramdam. Kung ang heart ko ay natutuwa, puwes ako, hindi! Never! Ayaw ko! Sabi ko loyal lang ako kay Alvin my love so sweet, my sugar pie, sweetie, banana pie, apple pie. Ano 'to?! Ano 'tong nararamdaman ko?!

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon