CHAPTER 13

70 7 0
                                    

STACEY'S POV

Dinibdib ko 'yong sinabi niya. Nilikod ko na rin cause I don't know what's the different between my back and chest. Anyway, hanggang ngayon parang bakal na nakasabit pa rin sa dibdib ko ang mga sinabi niya. Maka-I hate you sa akin akala mo naman alam buong pagkatao ko. I'm mad at him na tuloy. Hindi ko siya papansinin maghapon, promise ko 'yan! Well, I know naman na pupunta 'yon dito sa amin para turuan ako pero hindi ko siya lalabasin. After my class pupunta muna ako sa mangkukulam. I need to ask her something, nauubos na ang oras ko.

"Himala yata na parang zero energy ka ngayon?" Puna sa akin ni Colleen. Na sa clinic na naman ako as usual.

May pasok dapat ako ngayon kay Alvin pero dahil nagtatampo ako sa kaniya, um-absent ako. Bahala siya diyan. Magturo siya sa mga gusto niyang student.

Malakas akong bumuntong-hininga. "Kasi..." Hindi ko matapos ang nais kong sabihin dahil sumisikip agad ang dibdib ko.

"Kapag ganiyan ang mukha mo alam kong si Alvin ang problema mo. Ano na naman bang ginawa sa'yo ng kumag na 'yon?" Usisa niya.

Iniling ko lamang ang aking ulo at tinuon ang aking atensyon sa ibang direksyon. It's really painful kapag iniisip ko siya. He's such a heartless man. Hindi man lang siya naawa sa kagaya kong bata. I love him but it doesn't mean I am willing to listen to all his painful words. Pero, kahit gano'n na ang sinabi niya sa akin gusto ko pa rin siya. I like him even more. He's the only man na hindi nakuha ng ganda ko. I knew he's different from others.

"Stacey?" Patanong na tawag sa pangalan ko ang ikinalingon ko. Laking gulat ko nang makitang si Theo ito kaya naman tinakpan ko ng unan sa couch ang mukha ko.

"Nandito ka lang pala?" Umupo siya sa tabi ko. Nilihis ko naman ang mukha ko.

"Hindi ako si Stacey!" Tanggi ko.

Mahina siyang tumawa. "Magtatago ka pa kung kailan nakita ka na. Kilala kita at kilala ko na rin 'yang boses mo so stop pretending."

Tinanggal ko ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Kainis naman nagtatago nga ako nahuli pa!" Sumimangot ako.

"Sorry." He chuckled. "Buong akala ko absent ka today ginawan pa naman kita ng notes. Nandito ka lang pala sa clinic. What are you doing here? May masakit sa'yo?"

Umiling ako. "Wala, ah! Ayaw ko lang pumasok sa subject ni Sir." Baka bigla lang akong maiyak kapag pumasok ako sa subject niya.

"Something is wrong with you," he said.

"Huh?" May pagtatakang sagot ko. Paano niya nalaman este paano niya nasabi?

"I know you. Gustong-gusto mo ang subject ni Sir Alvin kaya kahit isang araw alam kong ayaw mong um-absent sa kaniya. Kung ganiyan ang case ibig sabihin may mali sa'yo or may masakit sa'yo," mahabang lintanya niya na nagpatahimik sa akin.

I never thought that there's a man na makakaintindi sa akin. He's right. I love his subject pero mas mahal ko 'yong nagtuturo syempre.

"Anyway, lalabas muna ako bibili ako ng food. Sabi ni Ate Colleen I can't take this medicine without eating anything. Ikaw ba may gusto kang ipabili?"

"Uhm... siguro bilhan mo na lang ako ng donut, okay lang ba?"

Tumango siya at tumayo. Bibigyan ko pa sana siya ng pangbili ngunit tinanggihan niya ito. Libre na raw niya. Marami sigurong pera ang taong 'yon ang lakas manlibre, eh.

"Cute siya, ha," komento ni Colleen nang makaalis na si Theo.

Napa-irap na lang ako. Cute naman talaga si Theo pero pogi ang hanap ko. Sa madaling salita si Alvin ang hanap ko.

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon