CHAPTER 6

62 8 2
                                    

STACEY'S POV

“GOOD MORNING, HONEYBUNCH!” Pasigaw na bati ko kay Alvin nang bigla akong pumasok sa clinic. “Nagulat ka ba na nandito na naman ang future asawa mo? Well, kung inaakala mong maitataboy ako ng spicy words mo, mali ka ng akala.” Umupo ako sa table niya at humarap sa kaniya. “I am Stacey Raine Gabis and I fear no one! Lahat ng gusto ko makukuha ko pati na ikaw.”

Nahuli ng mata ko ang paglunok niya. Kahit walang emosyon ang mukha niya halata namang may kung ano siyang nararamdaman. Masyado lang siyang harsh sa sarili niya. I want to know the reason why he hate falling in love with woman. In fact, woman are good naman kaso nga lang hindi ako kasama sa good.

“Woah!” Biglang tumalikod si Colleen. “Ang aga naman ano bang balak niyong gawin?”

“Nothing! Binati ko lang naman si Alvin ng good morning para naman maganda ang simula ng araw niya dahil mag maganda siyang makita.” Bumaba ako sa mesa. Umupo naman ako sa upuang nakatapat sa table niya.

“Please, send her out for me, Colleen.” Ay, wow! Ako ang kaharap pero si Colleen ang tinawag. How dare you?!

“Ako? Ayaw ko nga bahala kayong dalawa diyan!” Pumasok si Colleen sa pinto kung nasaan ang clinic bed.

“Paano ba 'yan? Walang gustong tumulong sa'yo?” I smirked. Nangalumbaba ako sa kaniyang harapan at may paghanga siyang tinignan.

He's such a masterpiece of God. Hindi ako mapapagod tignan siya. Kahit hindi na ako kumain sa maghapon basta nakatitig lang ako sa mukha niya.

“Wala man lang ba akong goodluck baby diyan mula sa'yo?” Nakasimangot na tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin. Nakatingin lang siya sa screen ng laptop niya. Palagi na lang siyang nakatingin doon, pakasalan na lang kaya niya? Upang makuha ang napaka-gold na attention niya, hinampas ko ang mesa.

“Alvin, honeybunch kinakausap kita!” Demanding na tawag ko sa kaniya.

“Can you please respect me as your teacher? Hindi ka ba tinuruan ng good manners and right conduct sa school na pinasukan mo, Ms. Gabis? Leave now, you ruined my day!” Naglabasan ang ugat sa noo niya. Galit na naman ang asawa ko.

“Kasi naman...” Sinimangutan ko siya. “Goodluck lang naman ayaw mo pang ibigay nakakainis ka!” Nagpapadyak ako.

“Oh, God what did I do wrong to punish me like this?!” He groaned. Napahilamos siya ng kaniyang mukha.

“Ang mali lang naman na ginawa mo ay hindi mo ako minahal. Dapat minamahal mo ako kasi ayon ang tama. Ayon nga sa republic act no. 1000 you must marry Stacey Raine Gabis only.” I blinked my eyes para mag-mukhang cute.

Seryoso niya akong tinignan. After a few minutes of looking at me, tumayo siya at naglakad palabas. Natataranta naman akong sinundan siya. Wala pa akong nakukuhang goodluck hindi p'wede 'to!

“Sandali! Sandali lang naman parang ano 'to!” Hinawakan ko siya sa balikat upang tumigil, tumingkayad pa ako dahil matangkad siya.

“Do you want to embarrass yourself in public, Ms. Gabis? It's okay to me. Ikaw naman ang mapapahiya, hindi ako. I don't care about your reputation.”

Binitawan ko ang balikat niya dahil sa sinabi niya. Oo nga pala na sa public na kaming dalawa. Dere-deretso siyang naglakad palayo sa akin. Unsuccessful na naman ako ngayon. Palagi na lang malamig na tingin ang binabato niya sa akin. Para akong binabato ng mga yelo. Masakit.

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon