CHAPTER 20

164 11 3
                                    

STACEY'S POV

Ang aga-aga umuulan! Inis akong napa-padyak sa may guardhouse dahil wala akong dalang payong. Pupuntahan ko pa si Alvin para kumuha ng quiz sa kaniya. Anong oras na kami natapos ni Theo na gumawa ng project. Actually, hindi pa nga tapos 'yon kasi ipako-consult pa namin kay Alvin. If ever na may mali at hindi kami nasunod sa instructions niya, uulitin namin.

“Nako, iha bakit hindi ka naman kasi nagdala ng payong? Talagang ma-ulan ngayon,” ani kuyang guard.

Napasimangot ako. “I forgot po, kuya, eh. I'm in rush kasi kanina.” Kung alam ko lang talaga na uulan habang na sa biyahe ako, nagdala na sana ako.

“Stacey! Kanina ka pa diyan?”

“Uy! Theo!” May nakita rin akong nakapayong na close ko sa wakas.

“Wala kang payong?” Tanong niya.

Napagulong ako ng aking mata..“Magtatambay ba ako sa guardhouse kung mayroon. Ihatid mo nga ako papunta sa office ni Sir Alvin,” utos ko sa kaniya. Walang pasabi akong naki-share sa payong niya. Mukhang nagulat pa siya dahil napahawak ako sa pulsuhan niya.

“A-Anong gagawin mo sa office ni Sir Alvin? Hindi ba p'wedeng mamaya na lang? May time naman tayo sa kaniya?”

“Kukuha ako ng quiz sa kaniya! Ihatid mo na lang ako.” Pamimilit ko sa kaniya.

Wala naman siyang nagawa kung 'di ihatid ako at payungan papuntang clinic. Magagalit sa akin nag Alvin my loves ko kapag hindi ako nakakuha ng quiz sa kaniya. Topakin pa naman ang baby boy ko na 'yon. Kung topakin ako mas topakin siya. May mga lalaki talagang mas malala pa ang attitude kaysa sa babae. They are all sucks!

Pinunasan ako ang nabasang braso ko gamit ang sarili kong panyo. Sa sobrang lakas ng ulan hindi ako nakaligtas sa pagkabasa. Sana pala nag-jacket ako. Bahagya kong kinagulat ang pagpupunas na ginawa ni Theo sa noo ko gamit ang panyo niya. Napatingin ako sa kaniya ng nakanganga ngunit agad ko ring binawi ang tingin na 'yon nang tignan niya rin ako.

“Okay na ako,” sabi ko, tinigil niya ang pagpunas sa noo ko.

“You sure? Need mo ba ng jacket?” He was about to remove his jacket but I stopped him.

“No! No! Okay lang ako. Ayos lang ako, promise.”

Biglang umihip ang malakas na hangin na maging dahilan nang pagyakap ko sa aking sarili. Mas malamig pa 'yon kay Alvin.

He chuckled. “Wear my jacket you seems not okay. Don't worry, I have extra on my locker.” He then placed the jacket on my shoulder.

Wala na akong nagawa dahil ipinilit na niya. Besides kailangan ko naman na talaga ang jacket na 'to dahil nabasa ang manggas ng uniform ko. Sinuot ko na lang mg deretso ang jacket bago magpaalam sa kaniya at pumasok sa loob ng clinic. Ang taray ng mga tao sa clinic. Ang lamig-lamig na ng klima sa labas nagagawa pa nilang mag-aircon. Halatang sanay sa cold treatment mga 'to.

“Good morning, Colleen!” Masiglang bati ko kay Colleen na naka-upo sa gilid at busy sa pagsi-cellphone.

Umangat ang ulo niya. “Good morning, Stacey! Ang aga mo, ha!”

“Well! Alam mo naman kung bakit maaga ako rito, may sadya ako!” I gave her a playful smile as I winked.

“Andiyan sa office mukhang wala sa mood,” pabulong na aniya.

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon