STACEY'S POV
Nagsimula na ang party. Tahimik lang akong nakikinig sa nagsasalita. Sinasabi niya ang mga magiging ganap ngayong gabi. He also said na magkakaroon ng whatsoever queen and king, like what is this ba? An acquaintance party or a juniors prom?
So boring!
“Of course to make this night exciting we prepare some excited games for you all! Alam ko namang lahat kayo ay nami-miss ang buhay highschool that's why we prepared this acquaintance party with a twist for you. Ika nga nila, samantalahin ang kasiyahan dahil kapag may klase na, road to libingan naman!”
Nag-ingay ang crowd dahil sa sinabing iyon ng emcee. What's the funny? Napahikab ako dala ng antok.
“Inaantok ka na agad?” Tanong sa akin ni Theo when he heard me yawning.
I shook my head. “No. Bored lang ako.”
“Tss! Bakit ka pa pumunta rito kung alam mong mabo-bored ka lang?” Pataray na tanong ni best friend Khiana ko.
Kanina pa hindi tumitikom ang bunganga ng babaeng 'to!
“Bakit ka rin nandito kung hindi chosen partner mo naman ang kasama mo?” Pambabara ko sa kaniya at ngumisi.
Galit niyang hinampas ang mesa. Mapikon ka hangga't gusto mo, wala akong pake. Pumunta rin naman ako rito kahit hindi ko chosen partner itong kasama ko.
Maalala ko lang, who is that man? The man that whispered on my ears kanina lang. I smelled his breath and his scent was so familiar pero hindi ako sigurado. Impossible! He said na hindi siya makakapunta sa party kaya paano siya mapupunta rito? That's ridiculous kung binawi niya ang sinabi. Or maybe he doesn't want because he don't like me.
That man!
Napailing na lamang ako bago tinunggan ang tequila na nasa glass. I was watching the students na nakikipag-participate in activity. I am not interested in any activity unless it's sayawan na.
“Ang tagal naman ng exciting part!” Mahinang bulong ko.
“What exciting part ba?” Bulong na tanong ni Theo. Halos dumikit na sa tainga ko ang labi niya.
I can feel his warm breath. It's tickling my neck pero hindi ko pinahalata. Baka mag-assume na may epekto siya sa akin, that's bad.
“Sayawan, malamang!”
“Tsss! Hindi naman kasi night club 'to, dzuh!”
Matalim kong tinignan si Khiana. “Alam ko kasi kung night club 'to mapagkakamalan kitang GRO, dzuh!”
“You...” She pointed her finger on me. “I can't believe na ginawa mong partner ang babaeng 'yan, Theo! Look at her attitude!” She scoffed.
“Well, wala akong magagawa sa part na 'yan mas maganda talaga ako sa'yo, eh!” Nang-aasar akong ngumisi.
“Stop that, girls, ano ba naman kayo? Para kayong mga bata! Don't ruin your night, hindi naman 'yon ang point ng pagpunta niyo rito,” saway sa amin ng partner ni Khiana.
“Siya naman kasi ang nanguna!” Paninisi niya sa akin.
Tama naman ang partner niya. She's just a waste of time! Kung makikipag-usap ako sa kaniya parang nagsayang lang ako nang laway. Mabuti na rin na nag-aaway kaming dalawa ni Khiana, nawawala ang bored na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)
RomanceHave you ever fall in love with a stone hearted man? Stacey Raine Gabis, a second year college student who never been in love with someone until she met Aced Vincent Mattias-Cabreras on her cousin's wedding. At first, she thought she was just attra...