CHAPTER 11

76 6 0
                                    

STACEY'S POV

Nagising ako nang nangangalay ang aking katawan. Para akong binugbog sa sobrang sakit nang braso ko. Did I go to gym? Impossible! Hindi ko kaya gawain ang mag-gym I'm already fit na and-OH GOD! Mabilis akong napabango sa aking pagkakahiga nang maalala kong we are in the middle of the discussion pala kagabi.

Laking gulat ko nang tignan ko ang laptop, on going pa rin ang call. Kinurap ko ang mata ko kung totoo ba ang nakikita ko. He didn't end the call. Nakapatay lang ang camera niya but he didn't end the call. I'm so shy na tuloy tapos kinikilig na!

"Uhm... Good morning may tao ba diyan?" Napakagat ako ng aking labi. Nahihiya ako sa ginawa kong pagtulog sa kaniya. Naglaan pa naman siya ng oras para sa akin.

"Good morning."

OH MY GOD!

Napalunok ako kasabay ng panlalaki ng mata ko nang marinig ko ang napakalalim niyang boses. His voice is so damn attractive like hell! Parang nananakot ang boses niya pero sa pandinig ko para itong musika na ang sarap pakinggan.

I cleared my throat. "Hehe! Sorry, nakatulog ako... kagabi..." Bakit ba ako naiilang sa kaniya?

Hindi siya sumagot. Galit ba siya? Wala naman akong pake basta kinikilig ako sa hindi niya pag-end ng call.

"Bakit hindi mo na lang in-end 'yong call? Umabot ng 7 hours, oh," pag-iiba ko ng usapan.

"Tinatamad ako." Simpleng sagot niya na hindi ko alam kung mapipikon ba ako o matutuwa. He's so mean talaga.

"End the call na I'm going to ayos myself pa," utos ko sa kaniya pero syempre kunwari lang 'yon.

"Okay." He then end the call.

Umawang ang labi ko sa ginawa niya. He's really mean and literal! Gusto ko siyang kutusan ngayon pa lang! Nagdadabog akong tumayo sa kama at nag-ayos ng sarili. Hindi. Hindi ako p'wedeng magalit ngayon because I feel so special. Magpapaganda na lang ako bago humarap sa kaniya. Nakakahiya naman kung pangit ko siyang haharapin, tinulugan ko na nga siya kagabi. I will ask him na rin to be my date next week. Ila-lock ko na siya para wala na akong kaagaw. Ang umagaw babangawin ang puwit!

--------------

"GOOD MORNING!" Malakas na sigaw ko nang makapasok ako sa clinic. I'm at my mood today!

"Ang aga naman ng sigaw mo, napakataas pa!"

"Well, something good happened to me kasi..." I grinned.

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Well, that's good but I have to ruin your day." Siya naman ngayon ang nagpakita ng nakalolokang ngisi.

In a flash, my face become serious. Humalukipkip ako at bored na tumingin sa kaniya. "You're so boring talaga! Kung kailan masaya 'yon tao sisirain mo 'yong araw! Ano ba 'yang sasabihin mo, ha? I know it can't ruin my mood because hindi. Basta hindi lang." Ngumiti ako habang hinihintay ang sasabihin niya.

Lumapad ang ngisi sa labi niya. "Tama ka hindi naman masisira nito ang araw mo but I just want to inform you that your beloved Alvin go out to see someone at base sa narinig ko babae raw ito."

"WHAT THE HELL?!" Sigaw ko.

"Hinaan mo nga ang boses mo na sa clinic-woah!"

Mabilis ko siyang hinila ng clinic. Saan ko siya dadalhin? Dadagitin ko lang naman siya papunta sa kung saan pumunta si Alvin.

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon