STACEY'S POV
What should I do?!
What to do?!
I only have one week left para makuha ang feelings ni Alvin pero heto ako, walang magawa! Ilang araw ko na siyang hindi pinapasukan sa subject niya at ilang araw ko na rin siyang hindi pinapapunta sa bahay. Puro si Theo ang dahilan ko. Bukas na ang acquaintance party namin, hindi ko rin siya nakuha bilang partner ko! Wala akong choice kung 'di tanggapin na lang ang alok ni Theo sa akin h'wag lang akong mag-mukhang lonely. Ramdam ko 'yong laki ng problema ko kapag naiisip ko ang backfire na mangyayari sa akin dahil sa ritwal. Wala na, kawawa na ako kapag naging ugly duckling ako dahil sa backfire.
Napapanood ko sa TV na kapag nagri-ritwal sila it's either pumapangit sila bilang kapalit ko kaya naman nagiging stinky. I don't want to bw like that. I want to stay fresh and beautiful. Ang kaso mukhang malabong mangyari dahil sa stone hearted kong crush. Anong klaseng puso ba ang meron siya?
“Problemado ka na naman,” ani Colleen.
Alam niya na, na sa clinic na naman ako nakatambay. Naghihintay ng recess dahil kapag nag-ring na ang bell ibig sabihin no'n tapos na ang class ni Alvin sa amin. Lalayas naman ako sa clinic kasi magagalit na naman siya na ginagawa ko na itong tambayan.
“Kasi naman... bukas na ang acquaintance party tapos...” Buntong-hininga na ang kasunod noon at hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.
“Ang akala ko niyaya ka no'ng Theo na 'yon bakit mukhang malungkot ka?” Mapang-usisa na tanong niya.
Lalong kumurba ang nguso ko sa sobrang simangot.
“Hays! Hindi naman kasi siya ang gusto kong maging partner! I want Alvin to be my date pero kasi... ang sungit naman ng lalaking 'yon! He don't like me! He even told me that he hate me because I am such a disgrace!” Tears forming on my eyes again. Naiiyak ako sa tuwing naaalala ko ang sinabi niya.
She chuckled softly. “Kapag si Alvin huwag ka ng mag-assume. I don't know what happened to his past that made him super stone hearted pero sure naman ako na may reason kaya nasabi niya ang bagay na 'yon sa'yo. Maybe, you just reminded him of someone pero kabaliktaran naman nito ang ugali mo.”
Ibig sabihin ba niya hindi pa nakaka-move on si Alvin sa ex niya hanggang ngayon? Gano'n kasi ang lumalabas sa pang-unawa ko. Hindi naman niya ako makikita bilang ang taong 'yon kung naka-move on na siya. Was that the reason why he hate me this much? Because of that girl? At sino naman ang babaeng 'yon? Grabe naman ang epekto niya kay Alvin kung gano'n.
Na sa kalagitnaan ako ng pag-o-overthink nang biglang tumunog ang bell. Sign na break time na at lalabas na ang masungit na Alvin na 'yon. Dali-dali akong bumaba mula sa pagkaka-upo sa table niya. Inayos ko ang nagusot kong uniform at nagsalamin sa mirror na nakasabit sa pader upang ayusin naman ang aking buhok. Syempre, kahit stress na dapat maganda pa rin. Remember, ang grades na-aayos pero ang mukha hindi na.
“You're leaving? Hindi mo na ba hihintayin si Alvin?” Malaman na tanong ni Colleen sa akin. Hindi ko man siya nakikita ngunit alam ko at malinaw sa isip ko na nakangisi siya.
That woman love to tease me.
“No need. Aawayin niya lang ako,” sagot ko sa kaniya habang inaayos ang bangs ko.
BINABASA MO ANG
WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)
RomanceHave you ever fall in love with a stone hearted man? Stacey Raine Gabis, a second year college student who never been in love with someone until she met Aced Vincent Mattias-Cabreras on her cousin's wedding. At first, she thought she was just attra...