CHAPTER 10

60 5 0
                                    

STACEY'S POV

Nakatambay ako ngayon sa clinic. It's our vacant time at hindi pumasok ang butihin naming prof so I decided na mangulit na lang kay Alvin but sadly he's not here. Nagtuturo pala siya ngayon I don't want to sit in on that class naman. I'm happy na nga dahil may vacant. Apat kaya subject ko ngayon sinusulit ko na.

"Ginagawa mo ng bahay 'tong clinic," puna sa akin ni Colleen na may kinakalikot na mga papel.

"I am not kaya! Kasalanan naman ni Alvin kung bakit nag-i-stay ako rito!" Taas-noong paliwanag ko. Naka-upo ako ngayon sa table ni Alvin habang walang patid sa paggalaw ang aking paa.

"You're here to annoy him na naman." Naiiling pa na saad niya.

Hinampas ko ang mesa. "I am not annoying him! I am just here to check my future husband! Mali ba 'yon?" My God! No one's understand me! I'm so hopeless na talaga!

She bursted a loud laughed that makes my forehead wrinkled. What the heck is funny? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko I am just stating the fact.

"You are such a delulu girl," tumatawang saad niya. Mabilaukan ka sana ng sarili mong laway.

"What?! Me?! Delulu?! Excuse me! Hindi delulu ang tawag doon! That's the fact dahil kahit ano namang gawin niya sa akin pa rin siya babagsak! Ako pa rin ang magiging asawa niya!" Ang umangal kukulamin! May kapit pa naman na ako sa mangkukulam.

"Whatever. I heard na kinuha mo raw siya as tutor mo and ginamit mo pa ang daddy mo para lang mapapapayag siya?" Ma-usisa siyang tumingin sa akin. Base on her look gusto niya talagang malaman kung anong nangyari.

Kapag naaalala ko pa naman ang nangyaring 'yon natatawa ako. I can't believe na hindi na siya nakapagsalita when dad asked him to mandatory teach me. Hanggang sorry na lang sa utak ang nagagawa ko dahil gusto ko naman ang nangyari. Talagang effective ang dramang ginawa ko. Ang kaso nga lang lalo siyang nagalit sa akin but it's okay. Araw-araw naman na kaming magkikita, mawawala rin 'yang galit niya kapag nakilala na niya ako.

"Yeah." Natawa ako. "Hindi na nga siya nakatanggi kay dad that time. I really love his reaction." Napailing ako. He's so cute as hell!

Napailing na lamang si Colleen sa akin. She's the only person who support me. Siya lang ang una kong sinabihan na gusto ko si Alvin at mukha namang wala siyang pake. Sabi nga niya may asawa na siya pero hindi ko naman nakikitang sinusundo siya. Sino kaya ang asawa ng babaeng 'to? Super close rin sila ni Alvin at halos niya nga lang ang kinakausap nito sa school. Kulang na lang mawalan ako ng karapatan na makausap siya, ako naman magiging future niya.

"My table is not a chair," isang baritonong boses na kinagulat ko at agad na napababa sa table. Napakurap ako nang makitang matalim ang titig niya sa akin.

"Oh, nandito na pala ang hinihintay mo, eh."

Stacey naman, ih!

Siniringan siya ni Alvin at nagdere-deretso papuntang table niya. Dahan-dahan akong umikot paharap sa kaniya wearing my most innocent face. Kunwari wala tayong kasalanan sa kaniya kahit ramdam nating kumukulo na ang dugo niya.

"Hinihintay kita," mahinang sabi ko sa kaniya. I heard Colleen's little laugh. That woman never failed to pissed me!

"I don't care," malamig na sagot niya.

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon