CHAPTER 16

66 7 0
                                    

STACEY'S POV

Malakas kong hinampas ang table ni Alvin nang makapasok ako sa loob ng clinic. Ikinagulat niya ito. Pati na si Colleen ay napasabi ng bastos na salita dahil sa gulat.

“What the heck are you doing, Ms. Gabis?!” Asik niya.

Nilabanan ko ang nanlilisik niyang tingin. Ang pogi pa rin kapag galit. Ay talaga naman, Alvin!

Nilapit ko ng bahagya ang mukha ko. Nilayo naman niya ang kaniya. He looked at me calmly. Para bang wala siyang kinatatakutan ngayon.

Mali nga kaya ako?

“What are you doing here, Ms. Gabis?” Walang buhay na tanong niya.

Dinuro ko siya. ”Umamin ka! Magsabi ka ng totoo sa akin!” Nanghahamong saad ko. Nangunot naman ang kaniyang noo sa pagtataka.

“What are you saying?” He crossed his arms as he raised his eyebrows.

Inupo ko ang kalahati ng puwit ko sa table niya. Ibinaba ko ang kamay kong nakaduro sa kaniya at nakangisi siyang tinignan.

“Ang sabi mo ayaw mong um-attend sa party,” panimula ko. He nodded but didn't utter a word. Ang tipid talaga kausap. “Talaga ba, Alvin? Hindi ka nagsisinungaling?” Pinaningkitan ko siya ng mata.

“What are you trying to say, Ms. Gabis? If you're here to accuse me, leave now. Wala akong panahon sa kalokohan mo. One more absent on my subject ma-i-incomplete na ang iyong grade.”

Aish! Talaga naman, oh!

Muli kong hinampas ang mesa. “Kung wala ka sa party kagabi, eh sino 'yong lalaking kasayaw ko?! Sino 'yong lalaking kasing height mo, kasing katawan mo, at pareho ng amoy mo?! Umamin ka na!” Panghahamon ko sa kaniya.

Lalong kumunot ang kaniyang ulo. Tila ba hindi niya naiintindihan ang nais kong sabihin. Baka mali lang talaga ako pero hindi... hindi pa ako nagkakamali sa hinala ko.

“I don't attend on that party, Ms. Gabis baka nagkakamali ka lang,” kalmadong sagot niya sa akin. Inalis niya ang tingin niya sa akin at binuksan ang laptop niya.

Bumaba ako sa pagkaka-upo sa table niya. Nilapitan ko siya at walang hiyang inamoy ang leeg niya.

Confirm!

“What the fuck?!” He exclaimed. Napatayo siya at galit na tumingin sa akin. “What do you think are you doing, Ms. Gabis?! Talaga bang wala kang respeto sa professor mo?!” Sermon niya.

Hindi ko inintindi iyon bagkus muli ko siyang tinuro. “Confirm! Tama ako! Ikaw nga 'yong lalaki kagabi! Ikaw nga 'yong nakipag-sayaw sa akin kagabi! Hindi ako nagkakamali! Ganiyan na ganiyan ang amoy niya—kagaya mo!” Tama ako ng hinala! Tama ako!

Marahas niyang tinabig ang kamay ko. Lumabas na ang litid sa leeg niya. Malamang sa sobrang galit 'yan sa akin.

“Bakit ba ang harsh mo sa akin?! Kagabi lang—”

He cut me. “I told you I didn't attend the party! I don't like party and I don't like to dance you! I will never dance a woman like you! Si Colleen ang witness ko! We are talking about the clinic renovation all night! She's the proof so stop telling me about your shity experience last night!”

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon