CHAPTER 3

81 6 0
                                    

STACEY'S POV

I'm on my mission right now. Nagbihis ako ng maganda para naman hindi matanggal ang angas ko. I'm so beautiful and I can't believe I'm doing this for a man. So stressful. Luckily, I don't have class today. Malaya akong makakapunta sa kung saan ko man gustuhin at ngayon nga pupuntahan ko lang naman ang mangkukulam na sinabi sa akin ni ate Halleina.


Sorry for lying, ate.

Kasalanan naman ng pinsan niya. Masyadong pa-hard to get! He's so mean to me while he's so nice to others. As her future wife, how could he treat me like this? Am I invisible in his eyes? Wala kami sa ancient time na magpi-please ang babae para sa hari. Na sa modern time kami kung saan kukunin ng babae ang lalaki sa paraang gusto niya at wala siyang magagawa. Don't blame me, my future hubby. You leave me no choice kasi, eh.

"At saan naman ang punta ng butihing anak ko?" Taas-kilay na tanong ni mommy nang makababa ako sa hagdan. I thought she's not here.

"Hi, mom, hehe!" I waved at her. Ngayon siya naman ang problem ko.

"Ah-uhm?" Lalo pang umarko ang kaniyang kilay.

"Uhm..." Hindi mapakali ang mata ko. My mom is strict to me kasi nag-iisa niya lang akong babae. I have my kuya but he already had her family kaya hindi namin siya nakakasama. By the way, he's just my adopted brother.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Stacey Raine saan ka pupunta?"

"Ah... diyan lang!" Turo ko, hindi ko alam saan ako nakaturo.

"Diyan lang? Saang diyan lang ba 'yan?" Pag-i-imbestiga ni mommy.

"Uhm... at the mall?" I answered her unsure.

"Hindi ka yata sure sa sagot mo, iha? Tell me the truth where do you really plan to go, huh? Are you going on a date kaya ayaw mong sabihin sa amin? Stacey Raine, umayos ka!" Ang lala ng overthink ni mommy.

I rolled my eyes. "How could I date someone kung wala namang pogi sa paningin ko? Come on, mom I just want have fun!" Lumapit ako sa kaniya. I curved my lips. "Let me have fun today, mom please? Gusto ko lang po talagang gumala wala naman akong ibang gagawin, promise!" Tinaas ko ang right hand ko.

"Are you sure? Sinasabi ko lang sa'yo, Stacey! Ayaw kong malalaman na nababaliw ka sa isang lalaki! Singit mo lang ang walang latay sa akin!"

Nababaliw na nga ako, eh!

"Come on, mom no man can make me crazy!" Except him. Oh, God Alvin you're so fine!

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang pag-ngiti nito. Bawal kiligin kapag na sa harap ng mommy baka makurot sa kung saan.

"Oh, siya, sige! Huwag ka lang uuwi ng late baka mapagalitan ka ng daddy mo."

Napayakap ako kay mommy sa sobrang tuwa. Kaya mahal na mahal ko ang mommy ko, eh!

"Thank you, mom!" Pasalamat ko.

"If you need money just withdraw on your ATM may nilagay na ako room for your allowance this month."

Lalo akong kinilig nang makarinig ako ng pera. Wala kayang hindi kinikilig sa pera. Money can buy happiness lalo na kung food and shoppings ang happiness mo. Don't get me wrong. Mahal ko si Alvin pero mahal ko rin ang pera. Okay lang kaya ko namang pagsabayin ang dalawang bagay.

Matapos ang mahabang paalalahanan, nakaalis na rin ako ng bahay. Sinearch ko lang ang exact location na sinabi ni ate sa google map. Hindi na ako nagpa-drive. Kapag nalaman ng magulang ko ang tungkol dito talagang kakalbuhin nila ako. Wala naman silang palag sa lahat ng gusto ko pero kapag lalaki ang usapan pinagagalitan nila ako. Ayaw nila na maging baliw ang nag-iisa nilang prinsesa without knowing na nababaliw na nga. Ewan ko na lang kung anong sabihin sa akin ng parents ko kapag nalaman nilang kinababaliwan ko ang pinsan ni ate Halleina.

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon