CHAPTER 22

144 13 1
                                    

STACEY'S POV

Anong oras na ba?! Pucha naman, oo! Napuyat ako kagabi kare-review para sa nalalapit naming recitation tapos may tawag pa nang tawag sa akin! Tinakpan ko ng unan ang tainga ko upang hindi marinig ang sigaw na nanggagaling mula sa labas ng pinto ngunit hindi effective. Inis akong nagpapadyak sa kama habang nakahiga. Nalaglag pa ang mga unan ko.

“Stacey, iha! Ano ba?! Gumising ka na!”

“Stacey! Pasensya na, ha! Matagal lang talagang gumising ang batang 'to.”

Sino naman ang kausap niya?

“Kapag hindi ka pa gumising mapipilitan akong pumasok sa kuwarto mo, isa!”

Sa inis ay napatayo ako. Kamot-ulo kong sinipa ang unan na nakaharang sa tatapakan ko.

“Andyan na nga po!” Why is everyone always disturbing me?!

I just want to rest lang naman! Afternoon pa ang class ko so I am expecting na mamaya pa ako gigising. Tumingin ako sa wall clock. Nanlumo ako nang makitang 6:30 pa lang ng umaga. Kasarapan pa sana ng tulog ko pero heto ako ngayon, dinistorbo na naman!

“Ano na naman po ba 'yon?!” Iritableng tanong ko habang naka-kamot ulo kay yaya.

Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita kung sino ang na sa likuran niya. Agad kong sinara ang pinto sabay harap sa salamin.

Tangina!

Ang pangit ko! Guray-guray ang buhok ko! Kitang-kita pa ang malaking eye bags ko dahil sa puyat! Shuta, nakakahiya ako! Gusto ko na lang magpalamon sa salamin na nasa harap ko ngayon. Kitang-kita ko pa ang expression niya kanina! Para siyang nakakita ng multo sa gulat nang lumabas ako!

“Ang tanga mo, Stacey!” Napatakip ako ng aking mukha sa hiya.

First time niya lang akong makita na walang makeup at bagong gising. Malamang ngayon lang naman siya pumunta sa bahay ng ganito ka-aga. Wrong timing pa. Kung kailan hindi ako nakapag-bueaty rest ng maayos saka pumunta.

“Ms. Gabis, open this door. If you don't open this in five second I'll leave.” He then start counting.

Nataranta ako na hindi ko alam ang uunahin ko. Kung magsusuklay ba muna ako o haharapin ko muna siya.

“4... 4 and half....”

Mabilis akong napatakbo sa pinto at binuksan ito. Bahala na! Itutuloy ko na lang 'tong nakakahiyang hitsura ko.

“Hehe... Hi, Sir!”

Tinignan niya ako na para bang sinusuri ang mukha ko. Nakaramdam naman ako ng pagkailang. Aba'y aino ba namamg hindi maiilang kung ganiyan ka titigan ng taong gusto mo? Hindi mo mawari kung nagagandahan ba siya ngayon sa'yo o nasusura sa pagmumukha mo.

“Iiwan ko na muna kayong dalawa diyan, ha!” Paalam ni yaya. Tango at hilaw na ngiti lang ang sinagot ko.

Nang makaalis na siya, natahimik na ang paligid. Hindi pa rin naaalis ang titig niya sa akin. Ang sarap magpatugtog bigla ng, 'parehas tayong malandi, titig malagkit,' kaso new version.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon