STACEY'S POV
Ilang araw na akong balisa sa sinabi sa akin ng mangkukulam. She didn't tell me about the backfire but she told me that I should push this since I started. Ibig sabihin niya ba no'n i-continue ko na ang kahihiyan ko? Iniiwasan ko pa naman si Alvin dahil sa huling sinabi ko sa kaniya. The audacity of me! Nakakahiya talaga ang ginawa ko.
“What should I do?” Sinabunutan ko ang aking ulo.
Kagabi pa ako nang-i-stalk sa kaniya. Ang guwapo niya talaga in fairness. Grabe 'yong mga post niya sobrang inspiring tapos more on about sa family niya. Marami silang pictures ni ate Halleina magkasama. Siguro kung magpapatulong ako dapat kay ate Halleina na kasi she knows her cousin best. Ang kaso nga lang binalaan na niya ako. Kapag nalaman niyang sinuway ko siya magagalit siya. Ano ba namang 'tong pinasok kong katangahan, argh!
Luckily, I'm beautiful. Kahit stress na ako maganda pa rin ako. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng malaking salamin. I am wearing my uniform right now. It's my afternoon class and I hate afternoon. Palagi akong tulog sa mga oras na 'to. Hanggang 8 pa naman ng gabi ang pasok. Puro major subject pa.
“Bahala na nga si batman! Itutuloy ko na lang 'tong kahihiyan ko!” Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa malaking salamin.
Nagdesisyon na akong magtungo sa school. Ang una kong gagawin ngayon ay hanapin si Alvin. Kailangan kong makasiguro na hindi talaga gumana sa kaniya ang ritual ko. Syempre, mamaya nagpapanggap lang siya para itago ako sa ibang tao. Ang assuming ko na naman. Valid naman ang pag-a-assume ko.
“Good morning, Stacey!” Bati sa akin ni Theodore na nakatayo sa tabi ni manong guard. I didn't know na may bago na palang guard ngayon.
“Morning,” walang buhay na bati ko sa kaniya at dumeretso papasok sa loob. Napahinto ako ng may maalala ako. “Ah, Theo, pumasok na ba si Sir Alvin ngayon?” Pa-simpleng tanong ko.
“Oo, bakit may kailangan ka ba sa kaniya?” Usisa niya.
“Ah... wala! Pinapatanong lang ng pinsan niya,” dahilan ko. Napangisi ako nang malapad nang tumalikod ako.
Mission number one, kulitin si Alvin hanggang sa siya na lang ang magsawa sa akin. Walang titigil hangga't hindi ko nakukuha ang matamis niyang ngiti.
Pumunta agad ako sa clinic. Nang papalapit na ako sa clinic nagdahan-dahan na ako ng aking lakad. Sinisipat ko muna ang paligid, baka may makakita sa akin. Sayang ang ganda ko kung ma-i-issue ako ng paghahabol kay Sir. Totoo naman pero nakakabawas ganda pa rin. Todo ang silip ko sa butas ngunit wala akong makitang tao. Ang sabi ni Theo pumasok na raw si Sir bakit wala naman siya sa loob ng clinic?
“Nasaan kaya siya?” Mahinang bulong ko habang nakasilip sa butas. Wala rin si Colleen—iyong alalay niya.
Pabaling-baling ang ulo. Pilit kong hinahanap ko ang presensya niya sa bawat sulok ng clinic. Gusto ko na lang isuot ang ulo ko sa maliit na butas.
“What are you doing here again, woman?” Baritonong boses mula sa likod ko.
“Ay, taeng nahulog!” Gulat na bigkas ko, napapitlag pa ako. Nang harapin ko ang nanggulat sa akin, lumaki ang mata ko.
Si Alvin!
“Anong ginagawa mo?” May kasungitan na tanong niya sa akin.
“Ah... sinisilip kung may daga sa butas?” Wow! Ang ganda ng dahilan ko halatang hindi pinag-isipan!
BINABASA MO ANG
WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)
RomanceHave you ever fall in love with a stone hearted man? Stacey Raine Gabis, a second year college student who never been in love with someone until she met Aced Vincent Mattias-Cabreras on her cousin's wedding. At first, she thought she was just attra...