CHAPTER 9

76 8 0
                                    

STACEY'S POV

It's impossible na maging maid niya ako dahil base sa information na nakuha ko hindi siya nagha-hire ng maid o kahit na sinong papasok sa apartment na tinutuluyan niya. In short, mahihirapan akong maging maid niya. Kaya, ang naisip ko ay maging tutor ko na lang siya. Kung hindi ako p'wede pumasok sa bahay niya, siya naman ang pumasok sa bahay ko.

“Mommy,” tawag ko sa atensyon ni mommy. Magkatabi kami ngayon sa mahabang sofa habang nanonood ng television. Si daddy naman ay na sa single na sofa nagbabasa ng dyaryo. Napa-side eye si daddy sa akin.

“Hm?” Mom's hummed.

“May request po sana ako kung p'wede lang.” I pouted my lips.

Hinarap ako ni mommy. “What is it?” Seryosong tanong niya.

Kumakalabog na ang puso ko ngayon pa lang sa sobrang kaba. What if isipin nilang ginagawa ko lang na dahilan 'to? Totoo naman pero pagagalitan nila ako. I should give it a try. Hindi pa naman ako binibigo ni mommy.

“Can I have my tutor po?” Niyuko ko ang ulo ko, ayaw kong makita ang expression niya.

Biglang umayos ng upo si mommy. “What do you mean by tutor? May subject ka ba na binagsak?” Kasisimula pa nga lang ng klase binagsak na agad.

I shook my head. “Mommy naman! Kaka-start pa lang po ng class namin. Wala pa naman akong binabagsak.” Inangat ko ang aking ulo. “There's is one subject lang po talaga na nahihirapan ako kahit anong focus ko sa teacher. Sobrang hirap po niya para sa akin.” Nagpaawa ako ng tingin kay mommy.

“A subject that you can't understand? Gano'n ba talaga kahirap?” Come on, dad stop asking me a question baka mamaya madulas ako.

Tango lamang ang isinagot ko. Lalo pa akong sumimangot para mas convincing. Pinanonood ko sila ni daddy na nag-uusap gamit ang mga mata nila. Sana pumayag! Dapat pumayag!

“Eh... may tutor ka ba na kilala na p'wedeng magturo sa'yo? We can pay them as much as he want.”

Lihim akong napangisi. Sabi ko na nga ba hindi ako matatanggihan ng magulang ko. Upang hindi mahalata ang tuwa ko, bumuntong-hininga ako. Biglang naging worried ang mukha ni mommy at daddy nang gano'n ang pinakita ko sa kanilang expression.

“Bakit.may problema ba?” Mom's asked in worried. “Tell us, anak para magawan namin ng paraan ng daddy mo,” dagdag pa niya.

“Kasi po...” Bumuntong-hininga na naman ako. “May kilala po sana ako...” Huminto ako sa pagsasalita upang mabitin sila.

“Oh, ayon naman pala! Tawagan mo na and tell him na magsisimula na siya bukas!” Ani daddy.

Malungkot ko siyang tinignan. “Ayon na nga po, daddy, eh. May kilala po sana ako kaso...” Isang malakas na buntong-hininga pa ang pinakawalan ko. Gusto ko ng tumawa but I can't.

“Kaso? Tell me! Sabihin mo sa akin kung anong reason? Is he asking for too much money? Don't worry I can pay him double sa kung gaano kalaking pera ang kailangan niya.” My dad is so supportive.

Inilingan ko lahat ng sinabi niya. “The truth, dad is... ayaw niya po sa akin at saka ayaw niya raw pong maging tutor ko. I really want him to be my tutor, daddy kasi magaling po siyang magturo pero... ayaw naman niya sa akin.” Malungkot akong yumuko.

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon