CHAPTER 21

119 9 0
                                    

STACEY'S POV

"What are you two doing here in my office?" May katarayan at malamig na tanong niya sa aming dalawa ni Theo.

Guys, pahiram ng jacket hindi yata kakayanin ng pagiging Elsa ko ang lamig sa kuwartong 'to.

Siniko ko si Theo at sinenyasan na sabihin na kay Sir. Nagtataka siyang tumingin sa akin. Ang tanga naman nito, oh hindi nakakakuha ng senyas. Muli ko siyang sinenyasan gamit ang mata ko. Mukhang hindi niya pa rin gets kaya natampal ko na lang ang aking noo.

"Are you two just going to glance each other in front of me? Kung wala kayong sasabihin pumasok na kayo sa classroom niyo!" Ayan na, galit na tuloy ang asawa ko!

Aish!

Inagaw ko ang folder sa kaniya. "Magpapa-check lang po kami ng gawa namin, Sir." Nilapag ko sa desk niya ang folder.

Mataray niya akong tinignan bago kinuha ang folder na ipinatong ko. Masusi niyang binasa ang gawa naming dalawa. Kinakabahan ako kasi feeling ko mali-mali ang gawa ko. Kaya nga nagpapa-check kami para walang mistake once na ipinasa namin.

Kinalabit ko si Theo. Bahagya naman siyang yumuko upang marinig ang sasabihin ko.

"Sa tingin mo ba tama mga ginawa ko?" Mahinang tanong ko.

"Hm? Yes. Tama naman mga ginawa mo, don't worry." He smiled at me. "At saka ikaw ang gumawa niyan, paanong may mali?" Dagdag niya na may kasamang kindat.

Napangiti ako sa sinabi niya sabay hampas ng mahina sa balikat niya. Bahagya namang napanatag ang loob ko sa sinabi niya. Wala talaga akong confidence kapag subject ni Alvin. Ayaw kong eme lang ang gawa ko lalo na't ang future hubby ko ang nagchi-check. Sumulyap na naman siya sa amin. Napatuwid ako ng tayo.


"There are some errors pero ayos na," formal na aniya.

"May error?! Saan?" Kumalabog ang dibdib ko sa kaba.

"Project ko ba 'to para sabihin ko kung anong error?" Sarkastikong aniya.

Bumusangot ako. "Ih! Paano namin malalaman kung hindi mo sasabihin 'di ba?" Tumingin ako kay Theo.

"She's right, Sir. We want to know kung saan po ang error sa gawa namin para mabago po namin," pagsakay niya sa sinabi ko. Kaya mahal ko talaga 'tong si Theo...

As a friend.

"Look, Mr. Theo I know your concern but this is your project. You asked me to check at ginawa ko ang part ko. Sinabi ko na may error. Now your part is to find the error. Unfair sa iba kung sasabihin ko sa inyo." May tama rin naman ang hubby ko. Pero mas malakas pa rin ang tama ko sa kaniya.

Magsasalita pa sana si Theo ngunit pinigilan ko na siya. Humawak ako sa braso niya. Nang tumingin siya sa akin ay umiling ako. Sign 'yon na h'wag na siyang magsalita. Mukhang nakuha niya ang nais kong ipahiwatig. Nakitaan ko siya ng pagsuko sa kaniyang mukha.

"Thank you po, Sir," magalang na sagot ko. Kinuha ko ang folder at hinatak palabas si Theo.

Wala kaming magagawa kung ayaw niya talagang sabihin sa amin ang mali namin. Besides he's right. He said na may error at hindi naman talaga niya p'wedeng aabihin kung saan ang error. Magiging 100 ang gawa namin tapos sa iba, oo nga! Tama naman siya! Ano ba talagang pinaglalaban ko kanina? Tama naman ang asawa ko. Kiss siya sa akin mamaya.

WARMING HEART RITUAL (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon