Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
ZENNA'S POV
"Tagal talaga kahit kailan."
I mentally rolled my eyes because of Sky said.
"Hindi ko sinabi na hintayin niyo ako." Maarteng sabi ko bago nagsimulang maglakad.
Kasalanan ko ba kung nag enjoy ako sa pag stalk sa ig ni Prof Sera. Pero nainis lang ako sa part na nakita ko ang post niya na may kahawak kamay. Si Zei yung nasa post niya dahil alam ko ang kamay ni Zei at matagal na iyong picture na iyon pero nakaramdam ako ng inis.
"Baby Zen!" , "Baby Zen!"
Sabay sabay kaming napalingon ng mga kaibigan ko ng may tumawag sa akin.
It's Maya and Pen.
I rolled my eyes on them ng samaan nila ng tingin ang isa't isa.
"Let's eat, my treat." Sabay na sabi nilang dalawa.
"Sa akin sasama si baby Zen dahil iniwan niya ako sa park nung isang araw." Maya
"Wala akong pake kung iniwan ka niya sa park. Sa akin sasama si Baby Zen, 'di ba?" Pen
"Hoy, manahimik nga kayong dalawa. Sa amin sasama si Zen." Sky
Napailing iling nalang ako. Nakakarindi na nga bunganga ni Sky tapos dadagdag pa itong dalawa. Buti si Athy at Sam tahimik lang.
"No, sa akin siya."
"Sabing sa akin siya sasama, eh."
"Sa amin nga si Zen."
"Can you stop–" Naputol ang sasabihin ko ng may magsalita sa likod ko.
"She's coming with me, right Zen?"
Of course.
~~
Inis akong nakatingin ngayon sa babaeng nakatutok sa laptop niya. Kung alam ko lang na wala akong gagawin dito sanang hindi na ako sumama sa kanya.
"I'm here in front of you pero nasa laptop ang atensyon." I mumbled and rolled my eyes.
"Are you saying something?"
Hindi ko siya sinagot at nilabas nalang ang phone ko at nag scroll. May nagnotif kaya tinignan ko iyon at binasa ang chat ni Rai sa ig.
@raizel
Patulong dito. May recitation kami, eh.May sinend siyang picture kaya binasa ko ang pinapasagot niya.
@zslene_singh
1. Lupang hinirang
2. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
3. Sa kidney
4. Noli Me Tángere (1887)
5. El filibusterismo (1891)@raizel
Thank you! Mahal na ata kita!Nagreact nalang ako ng heart sa message niya at nagpatuloy sa pag scroll.
Maya maya pa ay sunod sunod ang message na natanggap ko kaya binasa ko iyon.
@raizel
Potangina mo naman, Zen!
Anong sa kidney, huh?!
Yung tanong sa number 3 "saan binaril si Jose Rizal?" Tapos sagot mo sa kidney?
Tangina mo, tanggalan kita ng kidney, eh
Napahiya tuloy ako doon!
YOU ARE READING
I'm Not Her (Singh series #3)
RomanceAnSingh University (G×G) Loving someone who's in love with someone else.....but the person she loves isn't just someone, she's my twin sister. What will you do if you love someone but she's in love with your twin sister? How to deal with loving some...