CHAPTER 12

414 25 2
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZENNA'S POV

"Thank you for bringing me here, Zen." Napunta ang tingin ko sa kanya at ngumiti

"It's nothing, but don't cry again. Crying is pathetic."

"I can't promise. I still love your sister."

Umiwas ako ng tingin dahil parang may tumutusok sa dibdib ko, ang sakit.

Nandito kami ngayon sa isang lugar kung saan ako naligaw dati. Escape Place ang tinawag ko dito sa lugar na ito dahil nung naglalaro kami ng patay patayan nila Zei noon ay naligaw ako at napunta dito.

Kaya sa tuwing naglalaro kami ay dito ako pumupunta at hindi nila ako nahahanap kaya nakakatakas ako sa kanila.

Maganda dito dahil may falls at malinis ang tubig kaya pwede kang maligo. Lagi din akong pumupunta dito kapag may problema ako dahil ang sariwa ng hangin.

"By the way, how did you know this place?" She asked. "This place looks familiar." Bulong niya pero hindi ko narinig.

"Naligaw lang kaya ko nalaman." Simpleng sagot ko.

Ilang oras pa kaming nag stay dito hanggang sa maisipan na namin umuwi dahil maggagabi na.

Nagkwento lang naman siya about sa kanila ni Zei noon kaya nakikinig lang ako. Pero hindi ko alam na kaninang nagkukwento siya ay parang paulit ulit na tinutusok ng kutsilyo ang puso ko. Kitang kita din sa mga mata niya kung gaano siya kasaya nung magkwento.

"Take care, Prof." Tumango lang siya bago pumasok sa loob ng bahay niya.

Napabuntong hininga ako bago nagsimulang magdrive ulit. Hindi na din ako nakapunta sa mansion dahil sinamahan ko siya.

Haist.

~~

"Hon," I mentally rolled my eyes ng makita si moma na nakanguso.

Baka nag away sila or tampuhan.

"Baby."

"Darling."

"Asawa ko."

"Wifey."

"Babe."

"Love."

"My annoying girl."

"Shut up, demonyo!" Inis na sabi ni mommy pero namumula na ang mukha niya.

Napailing iling nalang ako dahil sa kanila. Tawag kasi ni moma kay mommy annoying girl tapos tawag naman ni mommy kay moma demonyo. Ganyan daw tawag nila sa isa't isa nung hindi sila magkasundo. Tipong kinaiinisan pa nila ang isa't isa.

"Mommies, alis na po ako." Paalam ko at hinalikan sila sa cheeks.

"Take care, baby."

I nodded at lumabas na ng dining room.

Wala si Zel sa bahay kaya sigurado akong sa mansion nag stay yun dahil nga sa sinasabi niyang mga bisita kahapon.

Ng makarating akong ASU ay dumiretso ako sa may garden dahil nandoon daw ang mga kaibigan ko at nakatambay.

Umupo na ako sa tabi ni Athy ng makarating ako dito sa garden. Mamaya pa naman hapon ang pasok namin pero dahil wala kaming gagawin ay naisipan naming tumambay dito sa ASU.

I'm Not Her (Singh series #3)Where stories live. Discover now