CHAPTER 37

423 27 1
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

SERAPHINE'S POV

"Prof Sera!"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang tinig na iyon.

Mabilis akong napalingon at ganun nalang ang gulat ko ng makita ang mga kaibigan ni Zezen malapit sa akin kasama ang mga friends ko.

They are smiling widely at kitang kita mo ang saya sa mga mata nila.

Hindi ako makagalaw ng sabay sabay nila akong niyakap ng mahigpit.

"We miss you, Sera." Nakangiting sabi ni Bea.

It's been 3 months when I last saw them.

Nagfocus muna kasi ako sa parents ko that time at bumalik din kami ng Italy nun para magpagaling si mommy dahil hindi niya kinaya ang mga pambubugbog sa kanya.

"Kala namin hindi kana babalik, Prof." Sabat naman ni Sky kaya natawa ako ng mahina.

"May kailangan lang akong ayusin 'no." Sagot ko naman sa kanila.

That wholeday ay inaya lang nila ako sa mansion nila kaya hindi na ako tumanggi pa.

Nagkamustahan din kami tungkol sa mga nangyari sa loob ng 3 months. Sobrang excited na nga daw sila mag third year, eh.

Kinabukasan ay sabay sabay din kaming pumunta ng university. Bakasyon naman na pero kami ang kinuha ni Tita Zeki para daw magbantay ng university para sa mga students na mag s'summer class.

And about kay Zezen? Wala din akong naging balita. Gusto ko man tanungin ang mga kaibigan niya pero hindi din daw nila alam.

Pero kahapon na nagkwento sila tungkol kay Zezen kita ko sa mga mata nila ang sadness.

Napag alaman ko din kay Tita Aki na si Zezen ang nagpapapasok sa akin dito sa university. And I didn't expect that. Siya ang tinutukoy ni Tita Aki noon.

"Hoy parang tanga!" Reklamo ni Ayah dahil inaasar siya nila Kyle.

Nandito kaming lahat sa cafeteria and yung ibang students naman ay napapatingin nalang sa amin.

Madami pa silang kwento pero nakikinig lang ako sa kanila. Hindi din naman nagsasalita si Quinn sa tabi ni Zel.

"Oh My Ghad!"

"Totoo ba itong nakikita ko?"

"Zennnnnnaaaaa!"

Tila ako biglang naestatwa ng marinig ang binanggit na pangalan ni Sky. Kasabay ng pagsigaw nila ay ang pagtayo nila sa upuan at naglakad papunta sa likod ko.

While here I am hindi makagalaw at tila nanigas na lamang sa kinauupuan.

She's back.....Zezen is back!

~~

Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nangyari kahapon sa cafeteria.

When Zezen arrive after almost three months of disappearing.

She suddenly came back.

I didn't expect na dadating na siya.

Hindi ko alam ang gagawin ko nung time na iyon. Para akong tanga na nakamasid lang sa mga kilos niya.

Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin dahil walang emosyon lang siyang nakaupo habang sila Sky ay todo daldal.

Para akong hindi nag eexist sa kanya. And I fucking hate it.

Napailing iling ako bago bumaba ng sasakyan at naglakad na papasok ng university.

Pero bigla akong may nakabangga kaya natapon ang mga dala nitong papel.

"I'm sorry–" Naputol ang sasabihin ko ng makita ito.

Nanlalaki ang mata kong nakatingin dito habang pinupulot na niya ang mga papel na nasa sahig.

Ng mapulot na niya ang lahat ay hinarap niya ako.

Napatulala ako dito.

"Sorry if I bumped into you...." She looked at me from head to toe. "But I just want to say na sana sa susunod tumitingin ka din sa dinadaanan mo."

Nakaramdam ako ng inis dahil sa paraan na pakikipag usap niya sa akin.

Tinignan ko pa ito ng seryoso but she's looking at me so naturally, yung tipong parang nakatingin siya sa taong ngayon niya lang nakita.

Taong hindi niya kilala!

Kumunot ang noo habang nakatingin sa kanya. And as I look at her from head to toe, she change her look.

Her black hair is now dyed with ash grey color that gives her brunnete look.

Wala din nagbago sa katawan niya except that she look more hotter.

Yung sa voice naman niya ay wala din pinagbago. Malamig parin pero walang emosyon na makikita sa mga mata niya.

"Done checking me out, missy?" She said while looking at me seriously.

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Missy?

What is this?

What the hell is happening?

Pinagloloko ba ako nito?

"Stop this nonsense, Zezen." Seryosong sabi ko.

Kumunot ang noo niya at akmang magsasalita ng biglang tumunog ang phone niya. She look at it before she answered.

"Okay." Tipid na sagot niya bago pinatay ang tawag at tumingin sa akin.

"You're waste my time." She said in her monotone voice bago naglakad paalis.

Hinihintay kong lumingon siya ulit sa akin pero dire diretso lang siyang naglakad.

Did she really talk to me like a stranger? And leave me here like I am just nothing to her?

What happened to her? I need to talk to her to explain everything.

Agad naman akong sumunod sa kanya para makausap siya. Hindi pwede yung ganito. Parang wala lang ako sa kanya.

Nakita kong pumasok siya sa office ni Quinn at akmang papasok ako ng may pumigil sa akin kaya nilingon ko ito.

"What do you think you are doing? We already talk about this, Sera." Zel said seriously

"But I need to talk to your sister." Umiling iling naman siya.

"No. We have something to talk about, Sera. You agree to my request that I bring Zen back to the Philippines but don't disturb her."

"But–"

"No more buts."

Wala na akong nagawa kaya umalis na ako doon.

Naiinis ako sa part na hindi niya ako hinayaan na kausapin ang kapatid niya. And yeah, may usapan kami. Sinabi niya kasi sa akin nun na hindi na niya papabalikin dito sa pilipinas si Zezen pero nagmakaawa ako na pabalikin niya at pumayag siya pero sa isang kondisyon na hindi ko guguluhin si Zezen.

Hindi ko din alam kung nagpapanggap din si Zezen na hindi ako kilala. Kung dati lagi niya akong nilalapitan kapag nakikita niya ako ngayon hindi na.

I always see love in her eyes while looking at me. Pero kanina walang emosyon na makikita sa mga mata niya.

Pero kung akting lang ang lahat edi napakagaling niyang umarte. Pwede na siyang mag artista.

Please don't forget to vote. Thank you for your support :>

I'm Not Her (Singh series #3)Where stories live. Discover now