Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
ZENNA'S POV
"Miss Zen, answer the question number 4."
Tumayo naman ako at naglakad papunta sa whiteboard bago sagutan ang tanong.
Pagkatapos kong sagutan ay agad akong bumalik sa upuan ko ng hindi siya tinitignan.
Ilang minuto pa na may sinasabi siya sa harap pero hindi ako nakikinig dahil lumilipad na ngayon ang isip ko.
Nagugutom na ako!
"Class dismissed."
Inayos ko na ang gamit ko para makalabas na pero tinawag niya ako kaya boring akong lumingon sa kanya
"Carry my things and follow me."
Hindi na ako nagreklamo at kinuha nalang ang gamit niya tsaka sumunod sa kanya.
Nasa tapat palang kami ng office niya ng may lumabas na lalaki dito.
It's Gab....
"Gab." Malambing ang boses ni Prof Sera kaya napatingin ako sa kanya. "I know you gonna visit me here." She smiled at him
Niyakap naman nila ang isa't isa kaya napairap ako.
Pwede bang ihampas ko sa lalaking ito ang laptop na dala ko?
"Oh, you're here." Nakangising sabi niya ng makita ako pero bored ko lang siyang tinignan.
"Alam mo dapat namatay nalang ang kambal mo, eh." Umiiling na sabi niya kaya nakaramdam ako ng inis.
"What do you mean? What if ikaw patayin ko?"
He chuckled. "Totoo naman, eh. Walang kwenta iyang kakambal mo! Isa lang siyang salot dito sa mundo! Nabalitaan ko ang nangyari sa kambal mo pero akalain mo nabuhay pa. Ilan ba ang buhay niyang kakambal mo–" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng sinapak ko siya.
Wala siyang karapatan na sabihan ng ganun si Zei.
May humila sa akin palayo sa kanya at malakas akong sinampal kaya hindi ako makapaniwalang nakatingin ngayon sa kanya.
"How dare you to hurt him?!"
"He deserve–"
"Get out! I don't wanna to see your face again!"
I clenched my fist bago tignan ng masama si Gab na may ngisi ngayon sa labi.
Naglakad na ako palayo sa kanila pero nalasahan ko ang dugo sa gilid ng labi ko dahil sa lakas ng pagsampal niya.
Dahil sa inis ay napagdesisyunan ko nalang na umuwi na. Sa condo ko nalang ako tumuloy dahil baka makita pa ni Zel ang sugat ko sa labi at mapatay niya ang gumawa nun.
Knowing her, walang sinasanto. Kahit kadugo namin kaya niyang patayin lalo na kapag sinaktan kaming dalawa ni Zei.
Ng makarating ako ay dumiretso ako sa kitchen at kumuha ng ice pack para ilagay sa sugat ko.
Nilagyan ko na din ng ointment para agad gumaling. Ng matapos ako ay dumiretso ako sa kwarto at agad na humiga.
~~
Napagising ako ng maramdaman na may nakayakap sa akin kaya tinignan ko ito.
Si Maya...
Tumayo ako at umupo sa kama bago siya ginising.
"Maya, wake up." Hindi naman ako nabigo dahil nagmulat siya ng mata pero agad din siyang umupo sa lap ko.
"Zenna." Sabi niya habang titig na titig sa akin.
"What are you doing, Maya? Umalis ka diyan sa lap ko."
Hindi siya nakinig dahil mas nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko pero hindi ako gumagalaw.
"You set rules for yourself, right? Kung sino ang unang makakahalik sayo siya ang papakasalan mo? What if halikan kita? Papakasalan mo ba ako?"
"What are you talking about? You like Gavin, right?"
"No, sinabi ko lang iyon para tignan ang reaction mo pero parang wala lang sayo."
"Because I don't like you kaya umalis ka sa lap ko."
"Why? Do you like someone?"
Hindi ako sumagot kaya mas nilapit niya ang mukha niya sa akin. Kahit halikan niya ako ngayon hindi na magbabago na si Prof Sera ang first kiss ko.
"What the hell?!" Sigaw ng kung sino man kaya napunta ang atensyon ko sa pinto kung saan nakatayo ang babaeng nagnakaw ng first kiss ko.
"Istorbo." Rinig kong sabi ni Maya bago umalis sa lap ko.
Pabagsak akong humiga ulit sa kama at pumikit.
Nagkamali siguro ng pinasok na condo si Prof.
Ramdam kong gumalaw ang kama at ang pagsarado ng pinto pero hindi ko na pinansin iyon. Ramdam ko din ang tingin ng isang babae.
Nagmulat ako ng mata ng may maramdaman akong umupo sa tyan ko.
"What are you doing? Umalis ka diyan." Pagtaboy ko sa kanya pero umiling iling lang siya
"Really? Nung siya ang kumandong sayo hindi mo pinapaalis tapos ng ako na papaalisin mo?"
Ano bang pinagsasabi nito?
"So? It's none of your business kung sino ang papaupuin ko sa lap ko, Professor." Dumilim ang tingin niya sa akin pero blangko lang akong nakatingin sa kanya.
"Why are you doing this? Ano ba talaga ang gusto mo?" Naiinis na tanong ko kaya mas tinignan ako nito ng masama.
Naramdaman ko nalang din ang kamay niya sa loob ng shirt ko kaya pilit kong tinatanggal iyon.
Gumiling naman siya sa ibabaw ko kaya nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
"Are you out of mind, Professor?!" Medyo napataas ang boses ko kaya tumigil ito sa ginagawa niya.
Umalis na din siya sa ibabaw ko at umupo sa kama kaya agad akong tumayo at tinignan siya pero agad niya akong sinunggaban ng halik.
Oh damn!
Please don't forget to vote. Thank you for your support :>
YOU ARE READING
I'm Not Her (Singh series #3)
RomanceAnSingh University (G×G) Loving someone who's in love with someone else.....but the person she loves isn't just someone, she's my twin sister. What will you do if you love someone but she's in love with your twin sister? How to deal with loving some...