Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
SERAPHINE'S POV
"You are good at painting, Zen." Sabi ko kaya umangat ang tingin niya sa akin.
Nandito ako sa spain ngayon dahil may gagawin daw na trabaho si Zei dito pero iniwan niya ako dito sa mansion nila kasama ang kapatid niyang si Zen.
Wala kasi akong magawa kaya pinapanuod ko nalang na magpaint ito. Ang galing niya ngang magpaint, eh. Naalala ko tuloy si Zei na pinaint niya ako nung bata pa kami sa may falls.
Napansin ko din na hindi na masyadong nagpepaint si Zei ngayon dahil ang nagiging libangan na niya ay ang pagtugtog ng guitar at pagkanta kaya yun na din ang naging hobbies namin kapag magkasama, lalo na tatambay pa kami sa rooftop.
5 months na din pala kami ni Zei at halos ginagawa niya naman ang lahat para sa akin. Pero hindi parin talaga nawawala sa puso niya si Kwey dahil laging pumupunta dito si Sage at nagbibigay ng information kay Zei tungkol kay Kwey.
"Do you really love my sister?"
Napabalik ako sa ulirat ng magsalita siya. Kanina pa kami magkasama pero ngayon lang siya nagsalita tapos ang lamig pa ng boses niya.
"Yes." Sagot ko kaya tumango siya bago binalik ang tingin sa pinipaint.
Pinagmasdan ko ito and maganda naman siya. Medyo familiar din ang itsura niya, parang nakita ko na siya dati pero hindi ko alam kung saan at kailan.
Tumayo ito tsaka ako tinignan at tinaasan ng kilay.
Attitude ng batang ito.
"Let's go."
"Huh?"
"Are you deaf? I said let's go. May pupuntahan tayo." Inis na sabi niya bago hinawakan ang kamay ko pero agad din napabitaw ng parang may kuryente na dumaloy.
"Oh gosh, do you have powers? Bakit may kuryente ka? Don't touch me nalang tapos sunod ka sa akin." Maarteng sabi niya at naglakad na palayo.
Nagkibit balikat nalang ako bago sumunod sa kanya. Lumabas kami ng mansion kaya napakunot ang noo ko.
Saan ba ako dadalhin nito? Isang bata lang pero napapasunod ako sa kanya.
"Why so bagal? Babaeng pumatol sa minor faster." Laglag ang panga kong napatingin sa kanya.
Ano daw?
Babaeng pumatol sa minor? Sino tinutukoy–oh God! Ako ang tinutukoy niya!
Kasalanan ko bang 6 years ang tanda ko kay Zei, huh? Age doesn't matter naman, eh.
"Babaeng pinaglihi sa sama ng loob maghintay ka!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa gawi niya pero nadapa ako.
"Wag mong araw-arawin ang pagiging tanga, Sera."
"Bilis mo kasing maglakad, para kang natatae." Reklamo ko habang pinapagpagan ang damit ko na nadumihan pero hindi na siya sumagot at nagpatuloy nalang sa paglakad.
Kapag talaga siya at si Zel ang kasama mo maiisip mo nalang na ikaw lang mag isa dahil ang tahimik nila, eh.
"Where are we going ba?" Tanong ko dito sa kasama ko.
Kanina pa kasi kami palakad lakad dito sa kagubatan na pinasukan namin kanina..
"Hunting." Oh, sa wakas sinagot na niya ang tanong ko pero ang tipid naman.
YOU ARE READING
I'm Not Her (Singh series #3)
RomanceAnSingh University (G×G) Loving someone who's in love with someone else.....but the person she loves isn't just someone, she's my twin sister. What will you do if you love someone but she's in love with your twin sister? How to deal with loving some...