Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
SERAPHINE'S POV
Nagkaayayaan sila na magsamgy pero nauwi din naman sa inuman. Ang gulo parin talaga nila Ayah.
Nakatingin lang ako kay Zei habang nagkukwento siya. Gagawa daw kasi sila Sal ng kwento and humingi sila ng idea kay Zei.
Hindi ko alam kung nagkataon lang na yung kwento niya ay tugma sa nangyari na noon. Pero siguro tugma lang dahil sinabi niya sa kwento niya na yung bata ay nagkakilala sa tree house.
Hindi ko na din siya masyadong kinakausap dahil alam kong may something na sa kanila ni Quinn.
And this time, lasing siya at kung anu ano na ang pinagsasabi at ginagawa niya.
Hinaharot na niya din si Quinn sa harap naming lahat. Sinabi din niya na siya nalang ang pakasalan ni Quinn kaysa kay Primo.
Wala naman relasyon si Primo at Quinn, ah. Sa pagkakaalam ko boyfriend ni Primo si Quill at sila ang ikakasal.
Wait.....don't tell me iniisip ni Zei na si Quinn ang ikakasal kay Primo?
Oh, kaya pala tinanong niya nun kung sino ang tatay ni Kwen pero sinabi ko si Primo dahil isa din naman si Primo na tumatayong tatay niya.
Ng tumayo ito ay tinanong ko kung mahal niya ba talaga si Quinn ay hindi siya sumagot at lumabas lang sila ni Quinn.
Napakuyom nalang ako ng kamay bago inisang lagok ang alak sa harap ko.
"Hey Sera, hinay hinay." Awat ni Mau pero hindi ko siya pinakinggan.
Wala na nga akong pag asa kay Zei. Si Quinn na ang tinitibok ng puso niya.
Sa dami dami ng pwedeng tao bakit ang pinsan ko pa? Ako ang una niyang nakilala sa may falls pero nahulog siya sa pinsan ko.
Ang sakit mong mahalin, Zei.
~~
"Let's go?" Tanong ni Zen kaya tumango ako sa kanya.
Inaya niya kasi akong tumambay sa park para daw hindi ko maisip si Zei.
"Are you okay? I know you still love my sister." She said kaya napabuntong hininga ako.
"Wala na din naman akong magagawa dahil si Quinn na ang mahal niya." I smiled at her pero nag aalala lang itong nakatingin sa akin.
Sasakay na sana ako sa kotse ko ng makita si Zei na tumatakbo palabas ng university.
"Zleste!" Sigaw naman ni Quinn habang hinahabol niya kasama si Primo.
What's happening?
Tumingin ako kay Zen pero nagtataka din siyang nakatingin kina Quinn. Agad akong sumakay sa kotse ko at hinabol din si Zei.
Nakita kong napatigil ito sa gitna ng daan kaya dali dali akong lumabas ng kotse ko at tumakbo palapit sa kanya dahil may sasakyan na papalapit sa gawi niya.
"Are you out of mind?!" Hindi ko napigilan ang sarili na mapataas ang boses.
Naki-usap ito na dalhin ko daw siya sa malayong lugar. At mugto na din ang mata niya dahil sa pag iyak.
YOU ARE READING
I'm Not Her (Singh series #3)
RomantikAnSingh University (G×G) Loving someone who's in love with someone else.....but the person she loves isn't just someone, she's my twin sister. What will you do if you love someone but she's in love with your twin sister? How to deal with loving some...