Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
SERAPHINE'S POV
"You always looking on that painting." Rinig kong sabi ni mommy kaya tumingin ako sa kanya at napabuntong hininga.
5 years na ang nakalipas at hindi ko na nakita pa yung batang iyon. Hindi ko din alam kung nasaan siya pero yung painting na ginawa niya ay nilagay ko sa wall ng house namin.
"Let's go, my princess and my queen." My daddy said while smiling at us.
Naglakad naman na kami palabas ng bahay at sumakay sa kotse.
May meeting dinner daw si daddy doon sa mga Singh dahil isa daw sila sa may malaking share sa company namin.
Hindi ko alam bakit sumama pa ako dahil tinatamad ako, eh. Pero dahil hindi ako makatanggi kay daddy ay pumayag na ako.
"We're here."
Napatingin ako sa labas at nakita kong nasa isang sikat na restaurant kami dito sa italy.
Lumabas na ako ng kotse at sumunod kina daddy papasok sa loob. Ng makapasok kami sa loob ay nakita ko ang isang matanda na nakaupo at may kasama itong isang babae at isang lalaki.
"Good evening, Don Zennon." Magalang na bati ni daddy at nagbow ba dito. Ganun din naman ang ginawa ni mommy na ipinagtataka ko.
"Take a sit, Mr. and Mrs. Sevilla." Malamig na sabi nung tinawag niyang Don Zennon kaya umupo si daddy at tumabi naman kami sa kanya.
"Don Zennon, this is my wife." Pakilala niya kay mommy bago bumaling sa akin. "And this is my daughter, Seraphine." Tipid naman akong ngumiti sa matanda pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
"It's nice to see you here, Seraphine." Sabat ng babaeng katabi niya kaya taka ko siyang tinignan. "Oh, I'm Zekiah Singh." She offered her hand na agad ko naman tinanggap.
Nagsimula na silang mag usap pero ako ay kumakain lang hanggang sa magsalita ang lalaki sa tabi ni Don Zennon.
"Lady Seleste is here, Don Zennon." Sabi niya kaya napunta sa entrance ang atensyon namin pero laking gulat ko ng makita ang babaeng pumasok.
Ang babaeng nakilala ko sa falls.....
"Daddylo, moma!" Masiglang bati niya at hinalikan si Tita Zeki and Don Zennon sa cheeks. Tita nalang daw itawag ko sa kaniya sabi niya, eh.
Nakaramdam ako ng saya ng makita ulit siya. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ulit ngayon.
"How are you? Where's your sisters?" Tita Zeki asked.
"They said they don't want to waste their time." Kibit balikat niyang sagot bago umupo sa tapat ko.
Ng umangat ang tingin niya sa amin at nagulat pa siya ng makita ako pero kalaunan ay ngumiti din siya.
Oh gosh, ang ganda niya talaga kapag ngumingiti siya.
"Hello po, I'm Zeila Seleste Singh po." She offered her hand na agad tinanggap nila daddy.
Zeila Seleste Singh......
"Good evening, Lady Seleste." Magalang na bati ni daddy sa batang ito.
YOU ARE READING
I'm Not Her (Singh series #3)
RomanceAnSingh University (G×G) Loving someone who's in love with someone else.....but the person she loves isn't just someone, she's my twin sister. What will you do if you love someone but she's in love with your twin sister? How to deal with loving some...