CHAPTER 8

406 30 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZENNA'S POV

"Prof, kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon gusto ko lang sabihin na...." I paused and bit my lower lip para pigilan matawa.

"What?"

"Bakit diyan ka dumaan?"

Binato niya ako ng ballpen pero nasalo ko kaya humgalpak ako ng tawa.

Nandito kasi ako sa office niya dahil wala akong magawa. Gusto ko siyang asarin dahil ang cute niya kapag napipikon siya.

"May joke sana ako sayo, eh. Kaso...."

"Kaso?"

"Baka sa akin ka sumaya."

"Ayaw mo nun? Sasaya ako sayo?"

Huh?

"Weak." She smirked at me kaya natahimik nalang ako.

"May tanong pala ako sayo, Prof." She raised her eyebrows.

"W.H.A.T. 'Di ba po may word na what?" She nodded. "So, kapag tinanggal po natin ang W at T, ano nalang po yung natira?"

Tinignan ako nito na parang isa akong tanga na nagtanong sa kanya.

"HA."

"Bingi mo naman po, Prof. Ulitin ko nga, tanggalin mo lang yung W at T. Ano ang last word na natira sa WHAT?"

"HA."

"Anong ha? Loud and clear na nga po, eh. Bingi mo naman po ata."

"Sinabi ko naman yung answer." Inis na sabi niya

"Anong answer?"

"HA."

"Oh, tamo. Bingi mo naman po, maytutuli ba tenga mo?"

"Oh gosh!" Ubos na ang pasensya niya kaya kinagat ko ibabang labi ko para pigilan matawa.

"Oh, anong answer?"

"HA nga! Inalis ko lang yung W and T. Tama ang answer ko."

"Pangit mo kabonding." Naiiling na sabi ko kaya binato ako nito ng libro na ikinatawa ko.

"Prof–"

"Can you please shut up!" She said irritatedly

Okay.

Siya na nga kinakausap ayaw pa niya?

Buti kinakausap ko pa siya, eh.

Baka ayaw niyang kausapin yung magaganda?

Buti nga nilalabas ko kadaldalan ko sa kanya, eh.

Baka si Zei parin ang gusto niyang kausapin? Ay, baka nga.

Hindi ko din alam bakit nilalapitan ko siya, eh. Bakit kinakausap ko siya. Basta ang gusto ko lang gawin ngayon ay maging maayos siya at makalimutan niya si Zei para hindi na siya nasasaktan tuwing nakikita niya si Zei.

Pero parang pinapalala ko lang ang nangyayari dahil kamukha ko si Zei at malabong makalimutan niya.

Sabagay hindi naman ako si Zei para magustuhan din niya–wait, anong magustuhan? Gagong utak ito.

I'm Not Her (Singh series #3)Where stories live. Discover now