CHAPTER 28

397 25 1
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

SERAPHINE'S POV

———Flashbacks———

Kanina pa ako naglalakad dahil naligaw ako at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon hanggang mapadpad ako sa isang kagubatan. May narinig akong agos ng tubig kaya pumunta ako kung saan iyon.

"Woah." Namamanghang sabi ko ng makakita ng isang falls kaya nilibot ko ang paningin ko at madami din flowers na nandito.

Napahinto ang tingin ko sa isang batang babae na nakaupo sa may bato kaya nilapitan ko ito pero nagulat ako ng makita na ang daming dugo ng kamay niya.

"May sugat ka." Sabi ko kaya umangat ang tingin pero agad din niyang binalik ang tingin sa sugat niya na ginagamot niya.

What? Bata palang siya pero marunong na siyang manggamot ng sugat niya?

Habang pinagmamasdan siya ay napansin ko na maganda itong bata. She have a pointed nose, perfect eyebrows, beautiful eyes, her reddish lips, and in one word she is perfect.

"Staring is rude, missy." Agad akong umiwas ng tingin dahil nahuli niya akong pinagmamasdan siya.

Nakakahiya!

"Who are you? Why are you here?" She asked but her voice is cold.

Nagtitinda ba ito ng yelo?

"I lost." Tipid na sagot ko bago pinasadahan ng tingin ang braso niya na may nakalagay ng tela sa sugat niya.

"Same." Nanlaki ang mata ko ng may pinulot siya baril at pinaikot pa sa daliri niya bago tinago sa likod.

"Why do you have gun?"

She just shrugged her shoulder bago naglakad paalis pero sumunod ako sa kanya.

"Stop following me, missy." Pagtataray niya at nag cross arms pa.

Problema ba nito? Kung hindi lang ito bata baka sinako ko na, eh.

"Samahan mo ako pauwi sa amin." I said and smiled at her.

Natulala naman siya bago umiwas ng tingin habang namumula ang mukha niya.

"A-Are you stupid? Nawawala din ako tapos papasama kapa sa akin? Oh, gosh!"

Pwede ko ba talagang sapakin ito? Kanina pa siya nagsusungit, ah. Isama mo pa yung lamig ng boses niya.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya parang may kuryente na dumaloy doon at alam kong ramdam din niya dahil gulat din siyang nakatingin sa kamay niya.

"Argh, don't touch me again, ah. May kuryente ka at baka sayo ako mamatay at hindi sa tama ng bala."

Kumunot naman ang noo ko. Siya yung humawak sa akin tapos ako pa pagsasabihan niya.

Kapal ng mukha niya.

"Follow me. Hahanapin natin daan palabas dito sa gubat. Wag kang hihiwalay sa akin baka may ibang makakita sayo at patayin ka pa." Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.

Tanga ko kasi sa part na naisipan maglibot dito sa forest pero hindi na alam ang pabalik.

Napansin ko na parang sanay na siya sa ganito dahil hindi naman siya natatakot.

I'm Not Her (Singh series #3)Where stories live. Discover now