CHAPTER 13

376 25 3
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZENNA'S POV

Napabuntong hininga ako bago pinaglaruan ang batong maliliit. Binabato ko ito sa may falls dahil dito ako pumunta ng makuha ko ang phone ko sa office ni Prof Sera.

Inis kong pinulot ang bato at tinapon iyon sa may falls ng maalala ang eksena na nakita ko kanina.

Gosh, this is not fuckin' me!

I'm hurting!

Nasasaktan ako dahil sa nakita kanina, ang sakit lang kasi sa part ko na umiiyak siya dahil mahal niya pa si Zei tapos makikita ko na nakikipaghalikan siya doon kay Gab.

And the worst is, kahit sa akin ay nakikipaghalikan siya!

Ngayon lang ako nagkaganito sa isang tao. Kapag malapit na si Prof Sera sa akin, ang lakas na ng tibok ng puso ko na para bang hindi mapakali. Kapag nagdidikit ang balat namin, may kuryente. Kapag ngumingiti siya, parang matutunaw ang puso ko.

Damn!

Imposible naman din na gusto ko siya. Pero hindi ako tanga para hindi malaman ang nararamdaman ko!

Napailing iling nalang ako ng maalala kung paano siya mamula at mainis sa akin. Ang cute niya.

"Woof!" Napunta ang tingin ko sa likod ko at nakita ko ang isang puppy.

Tumakbo ito papunta sa gawi ko at sumampa sa may lap ko.

Cute.

Binuhat ko siya at tumayo na para makauwi na.

Inabot na din ako ng umaga dito kakaisip doon sa babaeng mahilig sa halik.

Tahol naman ng tahol itong hawak ko kaya napatingin ako sa paligid. Walang ibang tao ang nandito at sa tingin ko naligaw lang itong puppy na ito.

Naisipan kong iuwi na muna itong puppy at hanapin nalang ang amo niya.

Sumakay na ako ng ducati ko habang nasa loob ng leather jacket ko ang puppy.

Pagdating sa bahay nagtaka ako na ang daming kotseng nakapark dito.

Nagkibit balikat nalang ako bago pumasok sa bahay pero laking gulat ko ng makita ang mga nandito.

Nandito sila Aunt ZL, Aunt Zeriah, Aunt Aki, Uncle Psyche, Uncle Graye, Uncle Galen, at ang mga asawa nila.

Nandito din sila Tita Pryn kasama ang asawa na si Tita Sab, Tita Sevyn at Tita Eli, Tita Kaomi at Tita Ayleen, Tita Zia at si Tita Brie, at nandito din ang apat na professor kasama si Quinn and her friends.

Ano ito Singh Reunion?

"Hi Zen." Bati nila kaya bumati din ako at hinalikan sila sa cheeks.

"Oh, hi there my beloved cousin." Tumingin ako kay Primo na kakalabas lang ng kitchen pero hindi siya nag iisa dahil kasama niya ang iba naming pinsan.

"Hi Zen."

"Good morning, Zen."

Kanya kanyang bati nila pero naagaw ng pansin ko ang kinakain nila.

"Arghh! That's my oreo!" Inis na sabi ko at akmang aagawin sa kanila ng tumawa lang sila.

"Mommy! They eat my oreos!" Parang batang sumbong ko na mas ikinatawa nila.

"Cute." Rinig kong bulong ni Fio and Prof Alena.

"I'll buy you later nalang." Sagot ni moma habang tumatawa

I'm Not Her (Singh series #3)Where stories live. Discover now