Chapter 1

23 0 0
                                    

CHAPTER 1

Lucille's P.O.V.

“Nakapag-decide na ba kayo kung saan kayo magtutuloy ng senior high school?” tanong ni ma’am pagkatapos mag-discuss.

“Sa University na po ako,” sagot ni Carla.

“Ako po dito pa rin,”  sambit ni Paulo.

Nagkakagulo na sila kung saan sila mag-aaral pero ako walang maisagot.

“Okay, settle down. Kung saan man kayo mag-aaral, lagi niyong tatandaan na mag-aral nang mabuti. Class dismiss,” sambit ni ma’am at lumabas na mula sa classroom.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para kuhanin ang baon kong tinapay na nasa loob ng bag.

“Twenty,” sambit ni Myra na aming treasurer. Kailangan daw ‘yong twenty para sa mga gamit na pang-design sa room namin.

“Sakto lang ‘yong baon ko,” sambit ko sa kaniya. Hindi siya umimik at napatikom lang ng bibig tsaka ako tinalikuran.

I just can’t manage to explain. Kapag pinahaba ko pa ang sasabihin ay siguradong may mga salita akong mababanggit nang hindi maayos.

Kinuha ko ang wallet ko mula sa loob ng bag at pagbukas ko rito ay napabuntong-hininga na lamang ako. Isang daan nalang ang laman n’on at kailangan kong pagkasyahin sa loob ng dalawang araw.

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na ang teacher namin sa Filipino. Tahimik lamang ang lahat dahil alam nilang masungit si Ma’am Legaspi.

“Maglabas ng isang buong papel para sa pagsusulit,” sambit niya at sari-saring reaksyon ang narinig sa buong kwarto. Agad din namang natinag ang ingay nang magsalita si Ma’am Legaspi ng “Tahimik.”

“Dahil katatapos lang ng unang markahan at marami sa inyo ang mababa sa asignatura, bibigyan ko kayo ng isang pagsusulit pero hindi ito tungkol sa mga napag-aralan.” Kinuha niya ang chalk at nagsulat sa blackboard ng pamagat ng quiz naming.

“Kung Maibabalik Ko Lang” ang pamagat kaya mas nagmukha itong nakapagtataka.

“Ang pamagat ay nasa pisara. Susulat kayo ng sanaysay, maikling kwento, tula, o kanta patungkol sa mga pinagsisisihan ninyo sa buhay. Ayoko ng gawang basta may maipasa lang. Hindi ako tumatanggap ng gawang ‘basta may naipasa’. Kaya ako nagtuturo rito para hasain ang kakayahan ninyo hindi para pabayaan ang mga bata na makatungtong sa ika-labing isang baitang nang hindi natuklas ang kakayahan. Naiintindihan ba?” Nasundan agad iyon ng opo at ang karamihan ay nag-umpisa nang magsulat ng mga gawa nila.

Nag-iisip ako ng isusulat ko nang may kumalabit sa akin kaya nilingon ko ‘yon. “Pahingi,” sambit niya habang nakangiti. Pumilas ako ng tatlong pirasong papel at agad ibinigay sa kaniya. Ang yaman ni Ethan pero wala siyang papel.

“Bukas ay magkikita-kita tayo para basahin ng isa-isa ang gawa nila. Ayoko rin ng basta binasa lang,” sambit ulit ni Ma’am Legaspi.

Natapos ang apat na subject sa umaga at lunch na. Habang pinagmamasdan ko ang mga ulam nila ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit. Alam kong masama ‘yon pero kumikirot ang puro ko tuwing iniisip ‘yon.

“Sabi ko kasi kay nanay adobong manok kaya pinagbigyan ako.”

“Wala akong baon. Bibili nalang ako sa ibaba, maraming masarap doon.”

Napalingon ako sa kabilang side ng classroom kung saan magkakaharap ang mga pala-kwento kong kaklase.

“Pahingi naman, sana all may siomai.”

“Oy, may cake!”

Napaiwas nalang ako ng tingin at dahan-dahang tinakpan ang baunan upang takpan ang laman niyon.

“Lucille, may cordon bleu ako,” sambit ni Ethan. Nakahawak siya sa baunan niya at pinakikita ang ulam sa akin. “Kain na tayo.”

Tumayo ako at kinuha ang baunan. Lumabas ako ng room at pumunta sa mini park ng school. May mga bench doon at tatlong table na pwedeng pagkainan. Wala namang tao sa mga oras na ito kaya hindi na ako nagdalawang-isip na doon kumain.

Nang buksan ko ang baunan ay nakaramdam nanaman ako ng kirot sa puso ko. Is life really that unfair? Hindi ko rin maintindihan minsan kung bakit kailangan kong maranasan ang mga ito, o baka naman dahil lang din sa mga nagawa ko.

Napatakip nalang ulit ako ng baunan at muling nagbuntong-hininga. Napatingin ako sa malayo at pinagmasdan ang mga halamang nakapaligid sa park na ‘to. Malalanta na rin ‘yong iba dahil maraming damong sumusulpot sa paligid ng mga ‘yon.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip sa kung anong balak nilang gawin sa park nang mapatingin ako sa ulap. Ang payapa ng mga ulap pero alam kong anumang oras ay babagsak ang ulan.

Pero bakit nga ba nararanasan ko lahat ng mga ‘to? Masama ba akong anak? Masama ba akong kaibigan? Wala ba akong nagagawang tama?

“Ang lahat ay tatalikdan ko.” Napalingon ako sa gate ng park kung saan may papasok at alam kong siya ‘yon base sa boses niya.

“Bakit ayaw mong kumain sa loob?” tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin. Hawak niya pa rin ang baunan at ang tumbler. Kung titignan siya sa malayo ay aakalain mong sobrang tinong estudyante dahil ang linis ng suot niya at mahinhin siyang kumilos. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na siga kung gumalaw.

“Nahihiya ako, ang shoshal ng ulam nila.” Napayuko nalang ako dahil sa dalawang bagay. Hiyang-hiya ako sa sitwasyon ko at hindi ko nanaman nabigkas nang maayos ‘yong salita.

“Masarap naman ‘yan ah.” Nakatingin siya sa baunan ko at pilit na sinisilip ang loob niyon.

“Ethan.”

“Kung hindi nangyari ‘yong akshidente ayosh pa rin kaya ‘yong pakikitungo sha akin nila mama?” Hindi ko na masyadong pinansin ‘yong mga salitang hindi ko nabigkas nang maayos. Ang gusto ko lang ay marinig ang kasagutan niya tungkol doon.

“Siguro,” sagot niya. “Masakit kasi ‘yong nangyari sa papa mo. Siguro hanggang ngayon hindi matanggap ng mama mo.”

Napakagat ako sa labi ko habang pinipigil ang mga uhang nagbabadyang pumatak, “Ang tagal naman yata bago niya ako mapatawad.”

Tumingin siya sa akin at nagbigay ng isang ngiti. Hindi man niya sabihin ang mga salita ay alam kong ipinapahiwatig niyang huwag akong mawalan ng pag-asa. It’s been seven years pero hanggang ngayon parang ako pa rin ‘yong sinisisi nila kung bakit hindi makagalaw ang kalahati ng katawan ni papa.

“Ni wala akong kakampi. Shi kuya na inaashahan kong iintindi sha akin hindi rin ako pinakikinggan,” sambit kong muli.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at tinitigan ako, “Walang umiintindi sa’yo? So ano ako?” Ngumuso siya at nagkunawring nasasaktan nang lubos. Agad naman akong napatawa dahil sa ginagawa niya.

The Hidden MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon