Chapter 18
Lucille’s P.O.V.
Nakikinig ako sa kasalukuyang discussion sa General Mathematics pero patuloy ang paglipad ng utak ko. Tinanaw ko si Ethan na nakikinig lang din at bahagyang nagsusulat ng examples sa board.
“Mr. Hernandez, please answer the question on the board.” Tumayo siya at tumingala lang saglit upang i-solve sa utak ang sagot bago niya isulat ang solution o kung ano man ang proseso ng sagot na ‘yon.
“Mag-iiwan ako ng assignment sa inyo. Submit it tomorrow sa time natin, and you will also have your quiz.”Napakunot ang noo ko nang marinig ko ‘yon pero agad ko ring pinalitan ang expression ng aking mukha nang dumapo ang paningin sa akin ni sir.
Natapos na ang morning classes at lunch time na ulit. Dumadalang na ang pagsasama namin ni Ethan sa mga break time namin. Hindi naman na ako naninibago dahil kumpara noong junior high ay mas marami naman na akong nakakasama ngayon. Hindi ko man masigurado kung totoo sila sa akin, alam kong mas maayos naman kaysa noon.
Papalapit sa akin si Ethan mula sa labas ng Math Park. May hawak siyang ulam na nakalagay sa supot at nakapasan sa kaniya ang backpack na Hawk. “Samahan mo ako mamaya sa palengke. May maliit na tindahan doon ng mga damit, mukhang Maganda.”
“Bakit?”
“Bibili ako ng regalo para kay Carmel. Birthday niya sa Sunday.” Bakit sa akin siya magpapasama? Kaya naman siguro niyang bumili mag-isa.
“Isukat mo ito. Ito rin, at ito.” Iniabot niya sa akin ang dalawang croptop at t-shirt at tsaka niya ako itinulak papasok sa fitting room. Ang sosyal naman ng stall na ito, nasa palengke pero may fitting room kahit maliit lang ang space nila.
Isinukat ko muna ang croptop na kulay gray. Hindi naman sobrang ikli pero fitted ito sa tyan ko at may pagitan sa waistline ng palda at pang-itaas. Paglabas ko ay tinignan ako ni Ethan at tumango-tango. Isinukat ko ang natirang dalawang damit at binayaran niya ‘yon lahat.
Dumating na ang araw ng birthday ni Carmel. Nagkaroon lang ng salu-salo sa kumbento kung saan ako nag-celebrate ng birthday dati.
Nagkainan kami ng handa na ipinadala ng mommy at daddy niya para sa amin. Mula nang makasama namin siya sa ministry ay maganda naman ang pakikitungo niya at madala siyang nakahanap ng mga kaibigan dito.
Habang nakatitig ako sa kaniya ay napansin ko ang fitted shirt at pants na suot niya. May kaliitan si Carmel at mas matangkad lang siya sa akin nang bahagya. Doon ko napagtanto na...
Kaya pala ako isinama ni Ethan sa pagbili ng regalo at sa akin ipinasukat ang damit ay dahil halos magkasing-size lang kami.
Pauwi na ako mula sa birthday na 'yon. Mabilis lang lumipas ang oras at tanghali na naman, bukas ay Lunes na ulit.
"Congrats!" Napalingon ako sa hindi kalayuan. Nasa groto si Ethan at nakaabay siya kay Carmel. Naroon din ang iba pa naming kasama na nag-aabang ng sundo nila.
"Tignan niyo, mukhang sinagot na ni Carmel si Ethan." Agad nagtipon sa harap ng kumbento ang mga kasama namin habang ako ay naiwan sa loob upang ligpitin ang iba pang pinagkainan. Nagpapalakpakan ang iba pero ang iba ay hindi nagbigay ng pansin sa nangyayari.
Natapos kami sa paglilinis at humanap na ako ng pwede kong sabayan. Marami naman na akong kilala rito at napakisamahan ko na rin ang karamihan.
"Lucille, uwi na tayo!" Sigaw ni Ethan na kasalukuyang nakasakay sa motor niya at nasa gate na siya.
"Hindi na," sambit ko. Agad naman siyang nag-drive palapit sa akin.
"Halika na, tanghali na o. Wala ka ring masasabayan sa kanila at sinusundo lang din naman sila." Kinuha niya tote bag ko at isinabit sa manibela ng motor niya. Wala na akong magawa kung hindi ang umangkas sa kaniya.
Kahit na maikli ang biyahe ay hindi ako nagbitaw ng kahit na anong salita sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko pa kompirmado ang lahat, but I'll expect for the worst.
Nakarating kami sa mismong pinto ng kwarto ko nang hindi ako nagsasalita. Isang ngiti ko lamang ay alam na niyang pasasalamat ko 'yon.
"About pala kay Carmel..." Nanatili akong kalmado kahit alam ko na ang ibabalita niya. "Kami na." Abot tenga ang kaniyang ngiti. Hindi ako nagdalawang-isip na tapikin ang kaniyang balikat at magbigay rin ng ngiti... kahit pilit. Kumikirot ang dibdib ko dahil sa mga narinig ko.
"Good thing to hear," sambit ko.
Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko. Bigla niya akong hinawakan sa braso at niyakap nang mahigpit, "I'm sorry." Ramdam ko ang pagkabasa ng damit ko dahil sa mga luha niya. Hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng sorry kung wala naman siyang kasalanan.
"Ano ka ba, Ethan, ano bang kashalanan mo? Bakit ka nag-shoshorry?" tanong ko sa kaniya. Nanatili siya sa yakap na 'yon. Alam ko rin na sa ngayon ay huling yakap niya ito sa akin kaya niyakap ko na rin siya.
Mas lalo kong narinig ang paghikbi niya, "Hindi ko natupad 'yong promise ko." Anong promise?
Nang kumalas siya sa yakap namin ay hinawakan niya ako sa pisngi. Walang luhang lumalandas sa mga pisngi ko pero kung kilalang-kilala ako ni Ethan ay mababakas niya sa mga mata ko ang lungkot.
"Pwede ba tayong magpunta sa tahimik na lugar? Gusto kitang makausap, at gusto kong sulitin ang mga oras na 'to."
Nandito kami sa labas ng tindahang ginagawa. Sarado rito dahil bukod sa Linggo na day-off ng mga gumagawa ay patapos pa lamang ang pag-aayos ng harap nito.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko na hindi ko alam ang pahiwatig. May girlfriend siya kaya nakapagtataka na ginagawa niya 'to sa akin.
"Pasensya na kung naging emosyonal ako kanina. Hindi lang ako sanay na simula bukas iba na 'yong palagi kong iintindihin, hindi nalang sa'ting dalawa iikot ang mundo natin." Ang sakit ng mga salitang 'yon. Masyado siyang mabilis sa mga salita niya.
Ang kaninang nakatingin sa madalang na mga sasakyang dumaraan ay nagpako ng tingin sa akin, "Huwag mo sanang masamain kung sasabihin kong mahal kita, noon pa man." Matapos kong marinig ang mga salitang 'yon ay tila naghalo-halo pa lalo ang emosyon ko.
"Mahal kita hindi bilang kapatid o kaibigan. Mahal kita kasama ng intimate feelings ko sa'yo." Nag-iwas ako ng tingin matapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon. Alam ko naman na may pero sa kabila ng pagmamahal na 'yon.
"Pero ayokong masira ang friendship natin.---"
"Alam ko," sambit ko at nagbigay ng mapait na ngiti. "Ayoko rin namang mangyari 'yon."
"Pasensya na." Humigpit ang paghawak niya sa bewang ko na naging dahilan para mas maglapit kami.
Malalim ang buntong hiningang pinagpapalitan namin. Masyadong mabigat ang sitwasyong ito dahil ako man ay nabigla sa mga sinabi niya. Sa ilang taong magkaibigan kami, ni hindi ko naisip na mahal niya rin ako sa paraang katulad ng pagmamahal ko sa kaniya.
"Ang dami ko ng inamin sa'yo. Wala ka man lang bang sasabihin?" Tumawa siya nang mahina kasabay ng pagdaan ng ilang mga sasakyan sa harap namin.
Yumuko ako at bumuga ng hangin. Hindi ako handa rito, pero nandito na at siguro ay kailangan ko na ring aminin. "Mahal din kita, Ethan. Matagal na." Nanatili akong nakayuko habang binibigkas ang mga salitang 'yon. "Nakita ko 'yong pagmamahal na hindi ko nadama sa pamilya ko o sa kahit na sino. Sa'yo ako nakaramdam ng kapanatagan. Sa'yo ako nakaramdam ng tahanan na hindi ko naramdaman sa kahit na sino. Hindi kita minahal dahil sa mga bagay na nagawa mo sa'kin, kundi dahil mahal kita mismo."
"Lucille," sambit ni Ethan. Agad niya akong niyakap kaya nagtaka ako sa mga ginawa niya. "Nakapagsalita ka nang maayos!"
A-ako? Paano? Naintindihan man lang ba niya 'yong mga sinabi ko?
"Walang halong pagsabit ng dila 'yong mga sinabi mo kanina!" Bakas sa boses niya ang tuwa na hindi ko rin maipaliwanag. Naguguluhan ako, pero naisip kong ulit-ulitin sa utak ko kung paano ko sinabi ang mga 'yon.
Kusa na lamang akong naluha nang mapagtanto kong totoo nga na hindi sumabit ang dila ko sa mga sinabi ko na 'yon.
Matapos ang masayang mga segundo na 'yon ay bumalik ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko maiwasang masaktan sa katotohanang may girlfriend na siya. Alam ko namang tatagal sila hanggat walang nagloloko. Kabisado ko si Ethan, seryoso siya sa feelings niya.
"Hindi ko man lang nahalatang parehas pala tayo ng nararamdaman," sambit niya. Wala, Ethan, walang nakahalata, walang nakaalam. Doon pa lang sa part na 'yon ay masasabi kong hindi talaga kami ang soul mates.
Ang kaninang luha kong sanhi ng galak ay napalitan ng lungkot. Mabigat na mabigat pa rin ang loob ko at kahit nasa harap ko na mismo ang mga nangyayari ay hindi ko pa rin matanggap, "Alam kong darating sa punto na 'to. Pero ang bilis, hindi ako handa."
Natatawa nalang ako habang umiiyak. Wala naman akong pakialam kung magmukha akong baliw. Si Ethan ang nakakakita ng totoong ako, wala akong dapat ikahiya. "Akala ko kasi matutulad tayo sa mga napapanood kong video sa internet. 'Yon bang mag-bestfriend sila at may last date sila bilang magkaibigan kasi next stage ay madedevelop sila into lovers."
Muli akong nakatanggap ng mahigpit na yakap mula sa kaniya, "I'm sorry." Paos ang pagbigkas niya sa pagkakataong 'yon.
"Wala ka namang dapat ihingi ng tawad. Feelings mo 'yan, Ethan. Susuportahan kita sa kung saan ka sasaya." Nang kumalas siya sa yakap namin ay tinitigan niya ako. Kumikinang ang mga luha sa mga mata niya. Nakahawak ang dalawa niyang kamay sa bewang ko kaya magkalapit lamang kami.
"Huwag kang mag-alala, I'll keep all of my feelings for you. Mananatili kang..."
"First love, my TOTGA." Nang sambitin niya 'yon ay magkahalong saya at kirot ang naramdaman ko. I feel grateful to be his first love, but it just hurts dahil alam ko naman na hanggang doon lang talaga kami.
Nakauwi na ako at habang nakaupo ako sa maliit na sofa ay paulit-ulit kong naiisip ang lahat ng usapang nangyari. I just realized that Ethan might be taken away from me, but a miracle suddenly happened into my life. Nakakapagsalita na ako nang maayos.
BINABASA MO ANG
The Hidden Music
Teen FictionMaraming kahulugan ang bawat isa sa itinuturing na "tahanan". May ilang magsasabi na komportable sila sa tahanang kinalakihan nila. May ilang nagsasabi na nahahanap nila ang tahanan sa kaibigan o katrabaho. May ilan din na ang pananaw sa tahanan ay...
