CHAPTER 11
Lucille's P.O.V.
"Ethan, wala pa akong barya, mamaya ko nalang i-aabot 'yong share ko," sambit k okay Ethan noong pasakay kami sa kotse nila. May dala siyang softdrinks at tubig na nakalagay sa ice box na magsisilbing share naming para sa lunch at meryenda.
"Anong oras kayo susunduin?" tanong ni Tito Emil nang makarating kami sa simbahan.
"I-tetext ko nalang," sagot ni Ehan.
Tinulungan ko siya sa pagbubuhat ng ice box dahil mabigat 'yon since ang nagsabing aattend ay around 60 from different ministries.
Pagkarating naming sa Parish hall ay nasa kalahati na rin ang tao at mayroong nakalagay na tarpaulin sa mismong glassw window ng hall. "Kumusta ka, Kaibigan?" pabirong tanong ni Ethan nang sabay naming basahin ang nakasulat doon.
"Good morning!" masiglang bati ni Ate Trina sa amin.
"Good morning, ate!" sabay naming sagot. Agad din naman kaming pumasok sa hall at inilagay ang ice box sa gilid kung saan nakapwesto ang lamesa na amy nakalagay na mga pagkain.
May tumapik sa balikat ko at paglingon ko ay si Lily 'yon, grade seven student at pamangkin ng isang katekista, "Ate, anong oras daw ba mag-uumpisa?" tanong niya sa akin habang nakahawak sa tyan at bewang.
"Eight thirty daw. Bakit?"
"Kasi po medyo sumasakit 'yong tyan ko. Uuwi po muna sana ako." Pawis na pawis siya at para bang nanlalambot. Halatang kabado rin siya at sa tingin ko ay humihilab ang tyan niya.
"Taga-shaan ka ba?" tanong ko muli.
"Malapit lang po sa bayaran ng kuryente." Kung naka-motor ay nasa dalawang minuto lamang ang itatagal ng byahe dahil malapit lamang ito sa simbahan.
"Shino bang kashabay mo? Shaan ka pwedeng shumakay?" tanong ko.
"Wala nga po eh. Ayoko naman po sa CR diyaan at nahihiya po ako."
Hinawakan ko siya sa kamay at dinala kay Ethan, "May mahihiraman ka ba ng motor?" tanong ko sa kaniya.
Tinignan niya muna si Lily na nakahawak pa rin sa bewang niya at patuloy ang pagtagaktak ng pawis. "Kila Kuya Ching," sagot niya. "Bakit?"
Lumapit ako nang bahagya sa kaniyang tenga at bumulong, "Shumashakit 'yong tiyan ni Lily."
Agad din naman siyang nakahiram ng motor na gagamitin at sinamahan si Lily sa kanila kaya naiwan ako sa hall kasama ng iba pang naririto ngayon.
Habang nakaupo ako sa dulo malapit sa electric fan upang medyo mahanginan ay tumabi sa akin si Ate Izzy. Katatapos niya lamang mag-set up ng ibang mga gagamitin sa presentation at puno siya ng pawis sa mukha.
"Kumusta?" tanong niya agad sa akin. "Alam mo ba may boyfriend na ako." Hindi ako nabigla sa sinabi niya dahil kahit noon ay nababanggit niyang may nanliligaw sa kaniya. Wala namang masama roon dahil nasa tamang edad na siya.
"Kailan pa, ate?" tanong ko sa kaniya.
"Noong isang araw." Halata sa mukha niya ang kilig, Para bang wala siyang problema sa ngayon.
Hindi rin nagtagal at nakabalik sina Ethan at nag-umpisa na rin ang program. Inimbitahan ang isang seminarista na naging isang altar server noon. He's very familiar to us, hindi bago ang mukha niya sa amin.
"Tayo bilang sambayanan ay hindi sapat na nagsisimba at nakikinig lamang. Dapat alam din natin ang basic practices at ang essence ng ginagawa sa mga misa." Nag-flash sa screen ang slides na inihanda niya.
BINABASA MO ANG
The Hidden Music
Подростковая литератураMaraming kahulugan ang bawat isa sa itinuturing na "tahanan". May ilang magsasabi na komportable sila sa tahanang kinalakihan nila. May ilang nagsasabi na nahahanap nila ang tahanan sa kaibigan o katrabaho. May ilan din na ang pananaw sa tahanan ay...