Chapter 16
Lucille's P.O.V.
Nakikinig ako sa internet ng podcasts sa kung anong strand ba ang dapat piliin sa senior high school. Wala namang pumapasok sa isip ko dahil ang gusto ko ay aligned sa music pero academic track at TechVoc lang ang offered sa school namin. Hindi ko kayang lumipat dahil mahal kung sa private ako mag-aaral at isa pa kung lilipat ako, anong adjustment na naman ang gagawin ko?
Akala ko pagkatapos ng biyernes santong 'yon ay magiging ayos na ang lahat. Akala ko babalik na kami sa dati, pero may hangganan nga pala. Paglubog ng araw, pagpatak ng alas dose, babalik ang lahat sa dati.
Umupo akong muli sa harap ng piano ko nang maramdaman kong nanggigilid ang mga luha ko. Sinusubukan kong pigilan ang sarili ko sa pag-iyak upang ipakita at kumbinsihin ang sarili kong kaya ko na at matapang na ako. Bumabalik na naman kasi sa isip ko ang pangyayari sa moving-up ceremony na 'yon.
Matapos akong masabitan ng medal bilang with honors at natanggap ang diploma ay nauna sa pagbaba mula sa stage si mama na parang walang nangyari. Ni wala ring kinuhang picture si kuya habang nasa gilid kami ng stage pagbaba kahit na naroon siya sa loob ng gym ng school.
Kinuha ko ang lukot na papel sa gilid ng piano na nakapatong sa keys. Binasa ko ang lyrics na isinulat ko noong isang araw.
Nagbago na ang tahanang ito
O kung tahanan pa bang maituturing
Maingay kahit na walang sinasambit
Magulo kahit lahat ay nakapikitPaos na ang puso sa kasisigaw
Pagod ang utak kahit walang matanaw
Lumalalim ang lungkot
Ang ligaya ay naging mababawMuli ko itong nilukot at ibinato sa sahig. Ang plain, walang laman, walang atake. Bakit ganoon?
Narinig ko ang notification sound ng cellphone ko kaya binuksan ko iyon agad. May chat si Ate Trina sa GC namin ng PYM. "What: Parish Youth Camp, When: April 26 5:00 PM-April 27 10:00 AM, Where: Parish Hall, Participants: 1. 2. 3."
Hindi ako nagdalawang isip na ilagay ang pangalan ko pero hindi ko pa man din nailalagay sa thread ay nakita kong nagsend si Ethan, "1. Ethan Hernandez, 2. Lucille Castillo."
Akala ko makalilimutan na niya ako matapos niyang ipakilala sa amin si Carmel na nililigawan niya.
Naalala ko noong gabing bago ang moving-up namin, hindi ako makatulog dahil nasa akin ang pangamba ng mga oras na 'yon. Iniisip-isip ko kung sino ang sasama sa akin sa stage, kung paano ako sasabitan ng medal.
Tinignan ko ang oras, 11:57, nakahiga ako at kasalukuyang naghahanap ng kanta pampatulog nang biglang mag-chat si Ethan sa akin. May sinend siyang picture ng babae. May nunal siya sa pisngi na malapit sa ilong at mata , full lips, maliiit ang ngipin, manipis ang kilay, almond eyes. Maganda siya in general definition.
"Bakit 'yan?" tanong ko sa kaniya bilang reply.
"Nililigawan ko. Ipakikilala ko kila mama bukas. Ayos ba?"
Napahawak ako nang mahigpit sa cellphone ko. Sa mga oras na 'yon ay naramdaman ko ang panggigilid ng mga luha ko. Alam kong darating ang araw na 'to pero hindi ako handa.
"Oo." Iyon lang ang reply ko sa chat niya.
"Saan mo nakilala 'yan?" Pahabol kong tanong.
"Bukas ko sasabihin. Matulog ka na."
Sa ngayon ay alam kong nagliligawan pa rin sila. Hindi ako against doon kahit masakit. Kaibigan ko siya kaya kahit mabigat sa loob ay nakasuporta nalang ako.
Carmel Gomez, turning grade 10 sa pasukan, nakilala niya sa pinsan niyang nag-aaral sa private school.
Ibinaling ko na lamang muli ang atensyon ko sa advice sa podcast. Ano ba kasing gusto ko? I just want to pursue my passion in music. Si Ethan, sure na sa HUMSS dahil gusto niyang mag-take ng Pol Sci or Law sa college.
![](https://img.wattpad.com/cover/351904379-288-k74932.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hidden Music
Fiksi RemajaMaraming kahulugan ang bawat isa sa itinuturing na "tahanan". May ilang magsasabi na komportable sila sa tahanang kinalakihan nila. May ilang nagsasabi na nahahanap nila ang tahanan sa kaibigan o katrabaho. May ilan din na ang pananaw sa tahanan ay...