Chapter 2

12 0 0
                                    

CHAPTER 2

 Lucille's P.O.V.

Filipino na ang subject naming at nandito na rin sa classroom. Nagbabasa na ang ibang mga kaklase naming at ako ay iniisip kung paano ko ito babasahin.

“Castillo.” Agad akong napalingon kay Ma’am Legaspi habang mahigpit na nakahawak sa papel ko. Nakatingin siya sa akin at sa tingin palang na ‘yon ay alam ko na ang ibig sabihin. Tumayo ako at narinig ko ang mahihinang tawanan ng mga kaklase ko.

Nasa harap na ako at mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa papel. Hindi ako makapagsimula dahil alam kong may sisingit nanaman sa pagsasalita ko.

“Ayusin mo ha?”

“Baka mabulol ka nanaman sha babashahin mo.”

Napuno ng tawanan ang room at unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng laman ko. Para akong naubusan ng lakas dahil sa mga salitang ‘yon.

“Ma’am, pwede po bang huwag ko nalang bashahin?” Mahina kong bulong kay Ma’am Legaspi.

“Bakit hindi?” tanong niya sa akin. Seryoso ang kaniyang emosyon at parang nainis sa pagkakatanong kong ‘yon. “Hindi kita mabibigyan ng marka kung hindi mo babasahin. Ano naman kung hindi ka ganoon katatas, gusto naming marinig mula sa’yo ang kwentong ‘yan.” Mahaba niyang litanya.

“Bata pa lamang ako noong madisgrasya kami ni papa. Naging dahilan ‘yon para maparalisha ang kalahati ng kaniyang katawan.” Halos kauumpisa ko pa lamang ay ramdam ko na ang bigat sa dibdib ko. Pilit kong pinipigil ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.

“Ako ang nag-aya noong araw na ‘yon. Isha sha mga pinagshishishihan kong pangyayari sha buhay ko. Kung hindi ko lang naiship na ayain shi papa na kumain sha fashfood ay hindi kami magkakaganito. Alam kong mashakit sha pamilya ko at hindi pa rin nawawala ‘yong shama ng loob nila sha akin.”

Matapos ang subject na ‘yon ay parang may batong nakapatong sa dibdib ko. Ni hindi ko na alam paano ko pa pagagaanin ang loob ko. Wala naman akong alam na maaaring makatulong sa akin, at hindi sa lahat ng oras ay si Ethan ang takbuhan ko.

Nasa bahay na ako at nakaupo sa sofa. Napangiti ako nang bahagya habang tinititigan ang buong kwartong ‘to. Kwarto nga ba? Bodega lang ito dati, napilitan lang akong lumipat dahil sa sitwasyon naming.

Kinuha ko sa tabi ko ang papel na naglalaman ng pattern ng mga nota. Nagsusulat ako ng kanta at doon ko lamang nailalabas lahat ng gusto kong sabihin.

Naupo akong muli sa harap ng piano at ipinatong ang papel sa harap ko upang masundan ‘yon.

When I feel blue, music is my pill. Eventhough I’m facing the black and white piano keys, I’m full of colors.

Habang inaayos ko ang tunog ng isinusulat kong kanta ay hindi ko maiwasang maiba ng iniisip. Naalala ko ang presentation kanina…

“Bakit ba kasi inaya mo pa ang papa mo?” Magkahalong galit at lungkot ang ipinakikita sa akin ni mama. Kahit na nakabalot ng bandage ang kalahati ng mukha ko ay malinaw na malinaw na kinamumuhian niya ako. “Alam mo, ang dami-daming pwedeng gawin sa bahay, bakit lumabas pa kayo?”

“S-shorry, mama.” Matapos kong bigkasin ‘yon ay kusa na lamang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Magkahalong lungkot at sama ng loob ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung uunahin ko bang intindihin ang sarili ko o ang nararamdaman ng pamilya ko.

Doon ko rin nalaman na nawalan ako ng kakayahang magsalita nang maayos. I was too confused. Naghahalo-halo ang nararamdaman ko at gusto ko nalang maglaho.

“Simula ngayon, hindi ka na namin anak!” At ‘yon ang huling salitang binitawan ni mama bago niya ako itakwil.

Akala ko nga kakampi ko si kuya pero, “K-kuya, pashensya na.”

Tanging pagtitig lamang ang ginawa niya at agad na ring umalis sa harap ko. Kung si mama at kuya ay galit sa akin, malamang si papa rin.

I was expecting na matapos kong makabalik sa bahay ay palalayasin na nila ako pero hindi.

“Lumipat ka sa bodega. Ayaw ka naming nakikita at nakakasama. Pero tao pa rin naman kami.”

Napatigil ako sa pagtugtog nang marinig ko ang katok sa pinto ko. May sariling pinto itong kwarto ko at doon ako dumaraan. Para na rin… hindi magsalubong ang landas namin nila mama.

Pinagbuksan ko siya at alam ko naman na agad kung sino ‘yon. Hindi ba siya napapagod na tuwing gabi ay naririto siya?

“May nag-birthday sa kapitbahay namin. Ang daming dinalang handa hindi naman mauubos.” May dala siyang Tupperware at may lamang shanghai at fried chicken.

“Thank you, may ulam na ako bukash.”

Umalis din kaagad siya at hindi na nagpaalam. Sanay na ako sa pagpunta at biglaang pag-alis niya.

Wala naman akong problema sa pagkain, ang problema ko ay ‘yong allowance. Wala rin naman akong mahahanap na trabaho dahil bata pa ako, at alam kong wala ring tatanggap sa akin dahil sa kondisyon ko.

Kinabukasan ay nagkaroon kami ng surprise quiz sa English. Madali lang natapos ‘yon at pagkatapos ay vacant namin dahil absent ang teacher.

“Ms. Castillo, may I talk to you?” tanong ni Ma’am Sofie at tumayo mula sa teacher’s chair. Sumunod din naman agad ako sa kaniya sa labas ng room namin pero hindi ko maiwasang hindi kabahan.

“A-ano po ‘yon?” tanong ko.

“Nakausap ko kasi si Ethan kahapon. He said that you know how to play piano and currently arranging your own song.” Nakakahiya ang impormasyong ‘yon. Ayokong malaman ng iba na tumutugtog ako.

“O-opo.”

“My daughter wants to learn. I’m planning to hire a private teacher, but since Ethan recommended you, are you willing to be that teacher?” Nagdadalawang-isip ako sa offer niya. Hindi ako magaling at ayoko namang magturo lalo’t anak pa ng teacher ko.

“Don’t worry, nak. I’ll pay you cash. Alam kong you need an extra.” Nakangiti siya sa akin at parang sinasabing pumayag na ako.

Hindi ko ugaling tumanggi pero sa pagkakataong ito ay hindi ako sure. But ma’am is very kind, kailangang-kailangan ko ng pera.

“Sh-shige po.” Napahawak siya sa kamay ko at mas lalong lumawak ang ngiti. I’m not confident to teach her kid but I’ll do my best.

The Hidden MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon