CHAPTER 4
Lucille's P.O.V.
"Late na tayo, buti malang hindi ako naka-assign na magseserve ngayon." Halata sa boses ni Ethan ang pagkabanas dahil sa na-missed naming ilang minuto sa misa.
"Papuri sa Diyos sa kaitaasan!" Saktong nakahanap kami ng pwesto pagkatapos ng Papuri sa Diyos.
The usual mass, nasa harap si father habang nag-iba ang gupit niya. Ang mga sakristan ay nasa altar, nasa gilid din ang lectors ba may suot na green na scarf at ang mga choir na buong pusong kumakanta... Habang inilalagay ko ang sarili ko sa organist na tumutugtog para sa Diyos.
Napansin ko ang pagtitig sa akin ni Ethan, "Magpaiwan ka mamaya after mass," sambit niya.
Tahimik lamang ako habang palihim na inoobserbahan ang usapan ng mga magulang ni Ethan. Sa kanila lamang ako sumasama upang magsimba dahil masipag naman silang umattend sa Sunday masses, kahit na ayaw nila akong kasama.
"Hanggang saan ang kaya ninyong ibigay sa inyong anak?" Iyan ang tanong ni father para sa mga magulang. Tahimik ang bawat isa at tila ba hindi alam kung ano ang pinupunto ng pari.
"Sa mga anak, hanggang saan ang kaya ninyong isukli sa mga magulang ninyo?" Kung ako ang sasagot, lahat. Lahat ng bagay na para sa kanila. Lalo na kay papa. Hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa akin kahit na nagbago ang buhay namin dahil sa pangyayaring 'yon.
"Kung minsan iniisip natin na hindi natin kayang ibigay ang pagmamahal na kailangan nila. Akala natin ay kaya nating tiisin na ganoon lamang ang pagmamahal na matatanggap nila. Hindi 'yon dahil sa mababaw ang konsepto ng pagtingin natin sa pagmamahal kung hindi dahil hindi pa natin lubos na nauunawaan kung gaano kalalim ang pagmamahal ng isang magulang."
Lumapit nang kaunti sa akin si Ethan at inilapit ang bibig sa tenga ko, "May dala ka bang pera?" tanong niya. Tumango ako kahit na hindi ko alam kung
magkano ang halaga ng perang hinahanap niya. "Sige. Basta mamaya magpapaiwan tayo."
"Itinuro ni Hesus ang 'Ama Namin' upang maliwanagan ang mga tao sa kung paano purihin at pasalamatan ang Amang nasa langit. Ang Ama na gagawin ang lahat para sa kaniyang mga anak. Ang Ama na ibibigay ang nararapat sa kaniyang mga anak. Ganoon ang mga magulang, gagawin ang lahat para sa mga anak upang hindi magkulang sa bawat araw." Nakatingin lamang ako sa gawi ng nga choir habang pinagmamasdan ang organ at iniisip ang sarili na tumutugtog doon. I wish my father can help me to be a member of choir. Sa sitwasyon ko ay mahihirapan ako, wala akong sapat na pera at wala rin akong lakas ng loob na makipagsabayan sa kanila.
Ibinalik ko ang tingin ko kay father na kasalukuyang nakatingin sa mga tao, "At hindi dapat one-sided ang pagmamahal. Kung ang mga magulang ay ibinibigay ang lahat para sa kanilang mga anak, suklian natin sila ng paggalang at pagmamahal. Kung ang Diyos ay nagbababa ng biyaya sa atin bilang kaniyang mga anak, ibigay natin ang oras at kakayahan natin sa kaniya."
Pagkatapos ng misa ay nagpasama si Ethan sa gilid ng simbahan kung saan nakapwesto ang mga kasamahan niya. Nandoon ang coordinator ng KOA at ang ibang mga bata at mukhang bago lamang sila.
Bumalik ako sa simbahan habang kausap pa niya ang mga kasamahan niya. Pinagmasdan ko ang paligid ng simbahan habang kakaunti ba lamang ang tao. Second mass kami at sa totoo lang nagaglit ang mga magulang ni Ethan dahil ang init daw ng ganoong oras.
"Lucille, halika." Tumayo ako mula sa upuan at sinundan si Ethan sa likod ng kumbento kung nasaan ang mga nag-serve kanina.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Ms. Hope-ang coordinator ng Youh Choir kay Ethan.
"Opo. Ipapakilala ko po si Lucille. Gusto niya kasing maging member ng choir." Nabigla ako sa sinabi niya dahil wala siyang sinabi sa akin na tutulungan niya akong makapasok dito.
BINABASA MO ANG
The Hidden Music
Ficção AdolescenteMaraming kahulugan ang bawat isa sa itinuturing na "tahanan". May ilang magsasabi na komportable sila sa tahanang kinalakihan nila. May ilang nagsasabi na nahahanap nila ang tahanan sa kaibigan o katrabaho. May ilan din na ang pananaw sa tahanan ay...