Chapter 15

6 0 0
                                    

Chapter 15

Lucille's P.O.V.

Nairaos ko ang isang paskong kapiling ang presensya ni Hesus. Ano pa nga ba't talaga namang malaking pagbabago sa buhay ko ang dinala nito.

Lent season na naman at nag-uumpisa na muli ang pagninilay ng mga tao. Sa panahong ito ko talaga napagtatanto na sino nga ba ako para magreklamo sa lupit ng buhay. Makasalanan din ako, marami rin akong pagkukulang. Si Hesus na inosente at malinis ang sumalo ng lahat ng kasalanan.

Kumakagat na ang dilim pero narito pa rin si Ethan. May report pa kami sa Lunes at may pasok pa sa Tuesday. Kahit ganoon, nasabihan naman na kami sa mga dapat naming gawin sa buong Holy week lalo na pagpatak ng Huwebes Santo hanggang Pasko ng Pagkabuhay.

"Naalala mo noong pasko, 'yong muntik kang mag-Maria?" Natatawang sambit ni Ethan.

Naalala ko nga noon, kulang kami sa tauhan para sa Panunuluyan dahil may mga tinapos pang exams ang iba naming kasama pero kailangan ng mag-practice para sa play. Nasakto naman na ako na lamang ang wala pang role pero buti na lamang at may iba pang dumating kaya naiwasan ko ang role na Maria.

Malaki ang gampanin na 'yon lalo pa't pagod din kami sa ilang araw na simbang gabi. Hindi nga ako naging Maria ngunit malaki rin ang gampanin ko bilang taga-ayos ng lightings, blockings, at naging extra rin ako sa mga kinatukan na bahay.

"Ikaw nga tumayo ka lang sha harap."

Si Ethan ang gumanap na anghel dahil wala rin namang ibang pagkakasyahan. Maikli na sa iba ang suot at umayaw na rin sa roles ang iba dahil ilang beses na sila roon.

"Naalala ko lang, parang hindi ko na nakikita si Ate Izzy. Noong isang buwan ko siya huling nakita."

Napaisip naman ako sa random na pagbanggit doon ni Ethan. Noong minsan lang nahuli ko siyang naninigarilyo. Kahit noong panahon ng simbang gabi pumupuslit pa siya ng vape. Naririnig ko rin ang usapan nila ni Ate Trina na umiinom pa siya sa gabi bago dumiretso sa pag-uwi galing sa trabaho.

"Hindi na rin siya nagpaparamdam sa group chat natin. Pati nga 'yong account niya decactivated."

"Fashting shiguro," sagot ko.

Ayokong pag-isipan ng masama si Ate Izzy na lumalayo na siya sa paglilingkod dahil kilala ko siya, ma-bisyo siya at hindi ko 'yon itatanggi pero hindi naman siya basta-basta kabataan lang.

Huwebes Santo na at solemn ang misa na ito. Hindi pamilyar ang mukha ng mga tao rito by the fact na sisimba lang naman ang iba kapag may magaganap. Paniguradong pagkatapos ng Easter Sunday ay mawawala ulit sila at sa Fiesta na ulit babalik.

Si Ethan ang may hawak ng boat na naglalaman ng abo para sa insenso. Sa gabing pagtatapos ng misa, tahimik, walang palakpakan. Pumwesto agad kaming members ng choir para sa pagtatanod. Mananatili ako rito hanggang 10 dahil PYM ang huling nakalista sa schedule ng pagtatanod.

Sumasabay lamang ako sa pagdarasal at nang matapos kami ay inabutan ako ni Ethan ng tinapay. Alam na alam mo talaga, Ethan na kapag pasado alas syete na ng gabi ay lipas na ang gutom ko at hindi ko na kayang kumain ng kanin.

Nasa ika-limang istasyon na kami at halos paliwanag na rin. Ang keyboard ay nakasaksak sa portable na saksakan na isinakay sa tricycle. Ika-apat na taon na ng pagsali ko sa Daan ng Krus. Taon-taon din akong may panibagong karanasan. Sa ngayon ay nakahiwalay ako ng lakad kay Ethan at ang kasama ko ay si Lily.

Makapal at mukhang mabigat ang ulap. Alam kong papasok na ang summer pero paminsan-minsa'y hindi maiiwasang sumulpot ang ulan sa pagitan ng mga araw.

Nakatanaw ako sa hugis ng mga ulap. Hindi ako 'yong masasabing nature lover. I was never mesmerized by the nature, but I just like how peaceful it is. Sa malayo ay natanaw ko ang mabilis at maliwanag na pagkislap ng hindi ko alam kung anong ilaw 'yon. Base sa panahon ay parang kidlat pero ibinaling ko ang atensyon ko sa kumpol ng ulap na katapat namin ngayon kung saan kami naglalakad.

The Hidden MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon