Chapter 6

9 0 0
                                        

CHAPTER 6

Lucille's P.O.V.

Narito ako sa bahay nila Ma’am Sofie dahil tuturuan ko ulit ang anak niya. Nagpunta ulit ako sa room na mayroong piano pero napatigil ako nang Makita kong naroon si Gio na nagpupunas ng upuan.

“Nasa kitchen si mama, nagbibihis pa si Ally,” sambit niya ngunit hindi niya ako nilingon.

“Thank you.”

Naupo na muna ako sa sofa sa sala. May sarili man akong piano ay iba pa rin ang ganda ng piano nila ma’am. Parang hindi ito nagagamit at halos hindi madapuan ng alikabok.

“Lucille, paki-hintay nalang si Ally, nasa loob pa kasi. Kumain ka na ba?” tanong ni ma’am. Tumango ako bilang sagot at tumango rin siya.

“Hi, Ate Lucille!” Kalalabas ni Ally mula sa kwarto niya at nakasuot siya ng sando at shorts, the typical outfit ng mga bata tuwing nasa bahay. Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya.

Saglit lamang ako sa kanila dahil nagpaalam ako na kasali ako sa activity mamaya. Dinala ko na ang mga gamit ko upang hindi na ako babalik mamaya sa bahay dahil madodoble pa ang pamasahe.

“Anak, may lechong manok dito. Hindi naman naming mauubos, iuwi mo na.” Kumuha si ma’am ng supot at naglagay ng ilang piraso ng lechong manok. Ang bilin sa amin ay magdala ng dinner na good for sharing kaya sakto ang ipinauwi ni ma’am.

“Thank you po, ma’am! Mauuna na po ako at 3:00 PM daw po ‘yong call time.” Palabas na ako ng bahay nila nang pinigil ako ni ma’am.

“Ihahatid na kita, marami kang dala.”

Alam kong kaya nagmamagandang-loob si ma’am dahil sa favor niya sa akin. Hindi ganoon ang pagtingin ko roon dahil hindi naman niya ibibigay lahat ng maaari niyang ibigay kung hindi totoong malasakit ang ipinakikita niya. Ang last week na 500 pesos ay naging isang libo. Hindi niya ako itinuturing na iba at pakiramdam ko ay anak din ang turing niya sa akin. Doon palang sa pagbibigay niya ng tiwala na turuan ko si Ally ay sobrang laking pasasalamat ko na.

“Sige anak, ingat ka ha?”

“Ingat din po kayo!”

Pagdating ko sa pinto ng simbahan ay naroon ang ibang youth katabi ng ilan nilang mga gamit. Mayroong nagdala ng kakaunti at parang walang balak matulong. Mayroon ding ilan na sobrang daming dala na akala mo ay hindi na uuwi.

“Lucille!” Napalingon ako kay Ethan na nanggaling sa loob ng kumbento. May dala siyang walis at dustpan. “Susunduin palang sana kita.”

“Ah, ihinatid ako ni Ma’am Shofie. Nagpadala na rin ng lechong manok.” Napangiti siya nang Makita ang supot na kinalalagyan ng ulam.

“Sakto wala akong dalang ulam, kanin lang.” Natatawa niyang sabi.

“Lucille!” Nilingon ko ang tumawag sa akin at si ms. Hope ‘yon. “Hindi kita nasabihang magpapractice dapat tayo kanina. Well, alam ko namang kaya mo since ordinary time, walang problema sa pagsabay sa tono.” Hinawakan niya ako sa balikat habang nakangiti, “Kaya mo ‘yan!”

Nag-umpisa ang activity sa pagpunta sa simbahan kung saan kami nagdasal nang halos 30 minutes. Walang kahit na anong pa-umpisa basta ang sinabi lang sa amin ay magdasal kami nang mataimtim.

“Babalik na po tayo sa Parish Hall. Paalala lamang po na gagamitin ito ng ibang mandated organization kaya huwag po sanang basta-basta nagkakalat.” Sambit ni Ate Trina na siyang isa sa logistics ng PYM.

Nang makabalik kami sa hall ay nagdasal kami saglit para makakain na. Agape Dinner ang tawag nila rito. Magkakaharap kami at kung saan-saan nakararating ang mga pagkain. Nasa dulo ako kung saan naka-pwesto ang mga kaibigan ni Ethan sa ministry. Nagtataka lang ako kung bakit lagay sila nang lagay sa plato ko ng ulam. May adobo, may sisig, may tinola, may chapsuey, at may canton pa.

The Hidden MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon