Chapter 3

14 0 0
                                    

CHAPTER 3

Lucille's P.O.V.

"Lucille, mag-start na raw kayo ni Ally." Napatayo naman ako nang Makita kong nasa pinto sila ma'am.

"Ma'am, nakialam po ako sa piano niyo, pashensha po," sambit ko. Isang ngiti lamang ang isiangot niya at pinapunta na si Ally sa tabi ko.

"Marunong siyang mag-Tagalog, don't worry," sambit ni ma'am at sabay kaming napatawa nang mahina. Natural na sa mga bata ang English at mabuti nalang marunong mag-Tagalog ang kausap ko. "Sige, iwan ko na muna kayo," sambit niyang muli.

"Marunong ka bang tumugtog ng Twinkle Twinkle Little ishtar?" tanong ko kay Ally. Umiling siya. "Eh anong kaya mong tugtugin?" tanong ko ulit.

"ABC po." Nagpipigil ako ng tawa nang marinig ko ang sagot niyang 'yon. Pero sa huli ay napigil ako ang tawa ko. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang ligaya ko sa sagot niya.

Nag-focus na lamang ako sa pagtuturo sa kaniya. "Okay, tugtugin mo ang ey-bi-shi," utos ko sa kaniya. Isang kamay lamang ang gamit niya at pahinto-hinto siya sa pagtugtog. Mataas din ang piano para sa kaniya at buti nalang ay naaadjust ang upuan nito.

"Ally, ganito ang gagawin mo." Hinawakan ko ang dalawa niyang braso at inalalayan siya sa pagpindot ng keys. Nakita ko ang pagka-mangha sa kaniyang mukha at para bang achievement 'yon sa kaniya.

"Yehey!" Napapalakpak siya nang matapos kami sa sampung ulit at tuloy-tuloy na pagtugtog. I chose the nursery rhymes para hindi siya mahirapan. Malaking bagay na ang pagkatuto ng simpleng kanta para sa edad niya.

"Lucille, Ally, halina muna kayo." Tumayo si Ally mula sa upuan at hinila ako palabas ng room na 'yon.

"Lunch na, kumain na muna kayo." Hinila ni Ally ang upuan at pinaupo niya ako roon. She's so nice. Sobrang buti ng pagpapalaki sa kaniya ni Ma'am Sofie.

"Gio, halika na." Napalingon ako sa lalaking kausap ni ma'am kanina. Base sa kulay ng suot niya, siya 'yong lalaking kumakanta kanina.

"Mamaya na ako kakain, pagod ako sa byahe," sambit niya.

"May bisita tayo, mahiya ka naman," muling sambit ni ma'am at halata sa kaniya ang inis dahil ayaw making sa kaniya ng lalaki. Hawak ni ma'am ang manggas ng t-shirt ng lalaki at pinaupo sa tapat ko. Katabi ko si Ally at hindi pa pala siya kumukuha ng pagkain.

"Bakit 'di ka pa kumukuha?" tanong ko sa kaniya.

"Dito po kasi sa bahay, dapat hintayin 'yong kasama bago mag-umpisang kumain lahat." Napangiti ako nang mapait nang marinig ko ang sagot niya. Buti pa sila sabay-sabay kumakain, samantalang ako...

"Ahh, Lucille, si Gio, anak ko. Gio, si Lucille." Kumaway lamang ako sa kaniya at tumango lamang siya bilang sagot. Agad siyang kumuha ng kanin at ulam. Buttered shrimp ang ulam nila kung hindi ako nagkakamali dahil sa amoy at itsura ng hipon. Mayroon ding Cordon Bleu at nakatatakam ang cheese na lumalabas mula sa gitna nito.

"Kung allergic ka sa hipon, may isa pa namang ulam," sambit ni ma'am. "Sige na, kumuha ka na."

Nang makapg-umpisa na kami ay tahimik lamang kaming kumakain. Pinutol lamang ni ma'am ang katahimikan dahil siguro ay naiinis siya sa malakas na pag-dighay ni Gio.

"Pag-pasensiyahan mo na si Gio, Huwag kang mag-alala, halos ka-edad mo lang siya at may pagka-immature pa siya. Sa totoo lang, galing siyang Pampanga at doon pinag-aaral ng lolo at lola niya pero ayaw niyang mag-stay roon at ayoko rin dahil nababarkada." Habang nagiging casual ang usapan ay mas nagiging komportable akong kausapin sila. Simula kaninang pagpasok ko ay pakiramdam kong welcome ako sa kanila.

"Sakristan nga siya roon at member ng PYM sa parish, ngayon sabi ko bumalik sa organization dahil dati rin naman siyang sakristan." Nakikita ko ang pag-irap ni Gio at para bang naiilang siya sa ppagkukwento ng kaniyang nanay.

"Babalik ako kapag gusto ko na," sambit niya at agad kaming iniwan sa hapag.

Ibinalik sa akin ni ma'am ang tingin niya matapos kaming talikuran ni Gio. Ang swerte niya dahil sobrang ganda ng pamilya nila. Naiinggit nalang ako habang pinagmamasdan sila. Ni hindi ako nakatitikim ng ganito noon o nakasasabay na kumain sa mga kasamahan ko sa bahay.

"Oo nga pala, Lucille." Napalingon ako kay ma'am nang tawagin niya ako. "Bakit hindi ka sumali sa choir?"

"Gushto ko po shana, pero mahirap pong makipagshabayan. May pianisht po shila roon at ayoko naman pong magmagaling," sagot ko.

"Subukan mo. May kakayahan ka, Lucille. Not everyone has that talent."

Natapos ang maghapon na tinuruan ko si Ally. Naka-dalawang kanta kami na natapos at hindi naman siya mahirap turuan. Pero bago man ako makaalis sa kanila, magkahalong sakit at lungkot ang naramdaman ko.

"Bakit ba kailangan niyo pang mag-hire ng magtuturo kay Ally? Alam mo namang uuwi ako, ma. Sa tingin mo mas magaling 'yang estudyante mo kaysa sa akin?" 'Yon ang mga salitang nagdala ng kirot sa puso ko. Alam ko namang hindi ako magaling, pero simula naman noon halos walang naniniwala sa kakayahan ko.

Pero mas nalungkot ako sa sagot ni Ma'am Sofie, "Hindi mo nga mapag-tiyagaan 'yang kapatid mo, gusto mong magmalaki na ikaw ang magtuturo?"

Nakauwi na ako at nakabili rin ako ng sarili kong ulam. Maaga kaming magsisimba bukas at gusto ko na munang magpahinga. Alas singko palang at maaga pa para matulog.

Kinuha ko mula sa bag ang cellphone kong sobrang bagal. Nag-abot sa akin si ma'am ng five hundred pero daragdagan pa raw niya 'yon sa susunod na lingo. Dito ko nalang kukuhanin ang pambili ko ng cellphone dahil alam kong kailangan ko 'to.

Nabasa ko ang message na kanina pa palang tanghali. Mula 'yon kay Ethan. "Bakit wala ka sa bahay niyo?" "Nasaan ka?" Ang dami pala niyang texts sa akin at mayroon pang missed calls. Mag-rereply na sana ako pero naalala ko na wala nap ala akong load.

Palabas na ako ng bahay nang makasalubong ko sa pinto si Ethan, "Saan ka galing?" tanong niya.

"Kila Ma'am Shofie," sagot ko.

"Hindi ka man lang nagpaalam. Ilang beses akong bumalik dito. Alam kong wala rin namang maghahanap sa'yo rito kaya hindi ako nakapagtanong."

"Galit ka?" tanong ko sa kaniya. Iling lamang ang isinagot niya at mas nauna n pang pumasok sa kwarto ko.

"Sa susunod magpaalam ka. Hindi porket hindi ka hinahanap dito eh wala na talagang maghahanap sa'yo." Naupo siya sa sofa ko at maya-maya lamang ay nahiga na rin. "Ano palang kaganapan doon?"

"Edi 'yon, tinuruan ko 'yong anak niya. Kumain din ako ng buttered shrimp tsaka cordon bleu." Napangiti siya nang marinig ang sagot kong 'yon.

"Ang sosyal naman, samantalang kami kanina pakbet lang tinipid pa sa gulay." Hindi ko alam kung tatawa ba ako dahil mag-isa siyang tumatawa sa kwento niya. "Oh, ano pang nangyari?" tanong niya ulit.

"Hindi rin naman nagtagal at umalish din 'yong asawa niya. Taposh shiguro higit thirty minutesh palang ako roon dumating 'yong anak niyang lalaki." Napatango-tango siya habang kinukwento ko 'yon. "Naalala nga kita sha kaniya eh." Napakunot ang noo niya nang sabihin ko 'yon.

"Bakit naman?"

"Parehash kayong mashungit," sagot ko sabay tawa.

The Hidden MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon