Chapter 10

11 0 0
                                    

CHAPTER 10

Lucille's P.O.V.

"Matagal ko na itong nai-homily pero napakagandang pagnilayan sa panahon ngayon. Sa Philosophy ng essence at existence, mayroong dalawang bagay. Una ay essence before existence o sa ibang salita ay nauna ang halaga mo o pagkakaroon ng halaga mo sa mundo bago ka ipanganak. Ang ikalawa ay existence before essence, na mas nauna ang kapanganakan bago ang pagkakaroon ng halaga." Tahimik lamang akong nakikinig kay father sa homily. Nakatingin ako sa kaniya habang nakaharap sa piano kasama ang iba pang member ng choir.

"At sa ating pananampalataya, ako rin bilang isang pari, naniniwala akong nauuna ang essence bago ang existence. Hindi tayo nilikha ng Diyos para lang sa wala. Bago pa niya tayo ibinigay sa mga magulang natin, may plano na siya. Ako man, bago ako dalhin ng aking ina sa kaniyang sinapupunan, plano na ng Diyos na maging pari ako. Ang mga magulang na naririto, bago pa man sila makarating sa mundo, nilikha na sila para maging mga magulang." Simula noong napasok ako sa ministry na 'to palaging may malalim na mensahe si father.

Ilang beses ko na 'tong narinig. Lately ang madalas na homily ay tungkol sa paglilingkod sa Diyos at kung para saan ang kakayahan mo habang nabubuhay. Para bang...

"At kung madalas na napapaisip kayo kung ano ba ang purpose mo. What is your essence? Tandaan niyo mga kaibigan na nilikha ka ng Diyos dahil may misyon ka. You are here because you have a very big purpose. God indeed have planned our life. Pakisabi po sa inyong mga katabi mahalaga ka sa mundong ito."

Nilingon ko ang nasa tabi ko na si Ms. Hope. Isang matamis na ngiti ang kaniyang ibinigay sabay akbay sa akin, "Mahalaga ka."

Masakit sa dibdib lahat ng nararamdaman ko ngayon, lalo na sa mismong pamilya ko pa nakukuha lahat ng 'yon. Hindi ko naman na 'yon mababago, pero kahit na ganoon nasa akin pa rin 'yong pag-asang balang araw magiging ayos din kami.

Matapos ang misa ay nagpaiwan muli ako sa likod dahil ang ibang youth na kasamahan naming ay hindi pa rin naman magsisiuwi.

"Kumusta ka pala?" tanong ni Ms. Hope. Hindi ko inaasahang 'yon ang una niyang itatanong gayong parehas naming alam ang sitwasyon ng isa't isa-hindi, alam niya ang sitwasyon ko pero hindi niya alam na may alam ako sa kaniya. I just overheard them.

"Okay naman po, medyo bushy po dahil malapit na ang eksham."

"Goodluck!"

"Sabi ni Ate Jocel gusto raw ni father na magkaroon ulit ng formation, 'yong mas marami na." Rinig ko ang mga usapan nila mula sa gilid namin. Si Ate Izzy na nakatayo mula sa pinto ng simbahan.

"Kaialn daw 'te?" tanong ng iba naming kasama.

"Sa sembreak daw. Hindi ba kasi tuwing October to November nagkakaroon ng sembreak?"

Nasa labas ako ng kumbento at hinihintay ang kasal kung saan kami tutugtog at kakanta. Nagbigay naman ng line-up ng kakantahin ang bride at walang problema roon.

"Lucille, halika na. Mag-ayos na tayo ng sound system."

Sumunod ako sa kaniya papasok muli sa simbahan. I just wonder why does it seems that she trusts me sa ganitong bagay. Ano bang mayroon sa akin na hindi ko siya nakitaan ng pagsusungit kahit minsan nagkakamali ako?

"Mish Ho---"

"Ate Hope. Just call me Ate Hope." Masyado ba akong soft-hearted para kiligin sa ganitong bagay? Baka naman nasasabik lang ako sa presensya ng mas nakatatandang kapatid.

"A-ate Hope, may shshabihin po shana ako." Inaayos niya ang wire ng mic, mic stand, at ang printed sheet ng notes na tutugtugin. "Thank you po sha pagtanggap sha akin bilang pianisht ng choir. Akal kop o kashi noon mawawalan ng shayshay ang hobby ko at mapupunta lang sha wala."

Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kaniya. Habang patuloy siya sa pag-aayos ay nakangiti siya at parang 'yon ang tanging sagot niya sa akin. Nakatataba ng puso na hindi ko naramdamang hindi ako belong. Ganoon pala kapag itinuturing ka nilang pamilya.

"I-play mo na 'yong request," bulong ni Ate Hope. Nariyan na ang bride at anumang oras ay papasok na siya para maglakad sa aisle.

Habang patuloy ako sa pagtugtog at pasulyap-sulyap ay pinakikinggan ko rin ang magandang boses ni Ate Hope. Kapag kumakanta sya ng wedding songs kahit na single ka ay mararamdaman mong inlove ka at may taong sumusugal nang buo para sa'yo. Habang binabaybay ng bride ang pasilyo papunta sa altar ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanila. Ngayon ko lang naranasang makatugtog sa mismong misa sa kasal. Ganoon pala ang pakiramdam, 'yon bang labis ang saya para sa kanila.

Nasa part na kung saan magbibigayan na sila ng singsing kasama ng wedding vows. They look rich, and they even prepared their own vows aside from what they are going to say which came from the small book.

"Julia, you are the most beautiful woman I've ever met. Sa unang kita ko palang sa'yo, alam ko na agad na hindi pangkaraniwan ang nararamdaman ko. I fell really hard, at kung mahuhulog man ako nang pauli-ulit ay hahayaan ko lang." Sa mga unang salita palang ng groom ay ramdam ko na agad ang emosyon sa pagitan nila. Masyadong lumalabas ng soft side ko rito. "I am standing here infront of you, not just to commit my love for you, but to give all my life to you."

And that's what really love is. Not just committing your feelings, but also giving your life for that person. Ganoon nga, ganoon ang pagmamahal na gusto kong maranasan.

"Anthony, thank you for staying with me. Thank you for being my number one supporter. Thank you for giving me the love I wanted to feel. Noong mga panahong hindi ko alam kung ano ang uunahin ko during our last year sa college, you as a blockmate in some subjects became my comfort. Tinulungan mo ako sa mga project, sa pag-aaral ng sandamakmak na lessons sa major subjects, sa paghahanda for OJT. You were my best friend dahil busy kaming lahat noon, while you were still waiting for one year since you were a transferee. Hindi ko alam kung saan nagsimula basta ang alam ko lang ay wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kung hindi dahil sa'yo. I might live luxuriously, but I cannot stand on my own feet for every second of my life. I just knew that you are the one, and you will always be chosen by me, for every day."

Habang pinapanood ko sila at tahimik na pinakikinggan ang palitan nila ng mga pangako, bigla ko nalang naramdaman ang mga luhang tumulo sa aking mga mata. Para bang kusa akong hinipo ng mga salita nila at sa mga sinabi ng babae ay may ipinahihiwatig. Ang gandang isipin na kasama nila ang isa't isa sa hirap at ginhawa mula noon, at nananatili sila sa piling isa't isa.

Kung papipiliin man ako, gusto ko 'yong taong magmamahal sa akin ang buo, 'yong alam kung kalian ako hindi okay, at alam ang solusyon. Gusto ko 'yong taong mananatili sa pinaka-miserableng parte ng buhay ko, kahit mahirap.

Pero ang tanong... mararanasan ko kaya 'yon?

Nasa kumbento ako ulit at kumakain ng tanghalian bago umuwi. Si Ate Hope ay nagliligpit ng kaniyang mga gamit bago siya umuwi dahil kailangan pa niyang tulungan ang kapatid niya sa mga project.

"Lucille, nasa iisang way lang tayo 'di ba? Ihahatid na kita." Tatanggi pa sana ako pero inakbayan na niya agad ako papunta sa gym kung saan naka-park ang single na motor.

Habang nakasakay ako at damang-dama ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko ay nakasabay ang paghalik ng mainit na sinag ng araw sa amin. Tahimik lamang si Ate Hope at para bang malalim ang iniisip, pero nang tanawin ko siya sa side mirror ay nakangiti naman siya.

"Masaya ka naman sa ministry?" tanong niya nang huminto kami dahil nandito kami sa kanto para tumawid.

"Opo, shobrang laking tulong po sha akin. Kampante po ako kapag kashama ko kayo." Hindi siya ulit sumagot pagkatapos kong sabihin 'yon pero lumapad lalo ang ngiti sa kaniyang mukha at mabilis na pinaandar ang motor para makatwid.

Hindi ako nakararamdam ng kahit na anong takot, o pagkalula dahil sa bilis ng pagmamaneho niya. Gusto ko lamang sulitin ang mga segundo na 'to.

"Mahalaga ka sa mundong ito." Muling nag-echo sa isip ko ang sinabi na father na 'yon.

"Mahalaga ka." Pati ang sinabi ni Ate Hope kanina sa mismong harap ko ay narinig kong muli sa aking isip.

Sa puntong 'yon, alam kong iyon na...

...ang pagkakataong alam ko sa sarili kong mahalaga ako. God planned my essence before he let me exist.

The Hidden MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon