Chapter 8

11 0 0
                                        

CHAPTER 8

Lucille's P.O.V.

Sa ngayon ay matiwasay ang nagiging daloy ng misa at walang problema sa pagtugtog at pagsasabay-sabay naming. Salamat din kay Ms. Hope na siyang nag-gu-guide sa amin.

"Ama, anak, at Espiritu Santo."

"Amen."

"Tapos na ang banal na misa. Humayo kayo at isabuhay ang salita ng Diyos."

"Salamat sa Diyos!" Matapos nito'y nagpalakpakan sila at pumwesto ako upang tumugtog ng recessional song. Kasabay nito'y pumwesto si father, ang mga lay minister, mga lectors at commentator, at ang mga KOA sa aisle ng simbahan upang mag-genuflect.

Maya-maya pa ay naglabasan na rin ang mga tao pero naiwan kami. Hindi naman server si Ethan kaya agad niya akong pinuntahan sa tabi ko mismo. Hindi naman ako naiilang na nakatingin siya sa ginagawa ko. Alam kong papalit-palit ang tingin niya sa kamay ko na pumipindot ng keys, at sa guide ng notes.

Naroon lang naman ang mga magulang niya at hinihintay rin kami. Hindi sila umalis sa pwesto at tumayo lamang sila nang matapos ang kanta.

"Sabay ka sa amin, ha?" sambit ni Ethan. Wala namang bago roon dahil sa kanila ako palagi sumasabay. Si Ms. Hope na raw ang bahala sa pagliligpit kaya umalis na rin ako.

"Pupunta tayo sa Quickeat," sambit ni Tita Shiela. Napatingin ako sa cellphone ko at doon ko napagtanto na birthday ni Tito Emil . Hindi sila madalas lumalabas para kumain sa fast food kaya alam kong may ganap.

"Happy Birthday po, tito!" Masigla kong bati sa kaniya.

Tumingin siya sa salamin na nasa upper center sa harap niya. Nagbigay siya ng isang ngiti sa akin, "Salamat!" kahit na ganoon ang isinagot niya ay alam kong sincere siya sa pagpapasalamat na 'yon.

Nakaupo na kami sa four-seater na space. Si Ethan na ang nag-prisinta na umorder para sa aming lahat. May kahabaan ang pila dahil Sunday at may ilan na walang pasok sa office.

"Punta lang ako sa CR," sambit ni tito.

"Lucille, congratulations sa successful na pagtugtog kanina!" Ramdam ko ang saya ni tita para sa akin. Kahit na minsan ay hindi nila pinapayagan si Ethan na samahan ako kapag alanganing oras na ay hindi tumigil ang pagtingin ko sa kanila bilang pangalawang mga magulang ko.

"Sorry kung minsan nasusungitan ka naming, ha? Ayoko kasing mapahamak kayo kapag umaalis kayo ni Ethan kaya gusto ko kung hindi sa bahay naming, doon sa inyo nalang kayo tumambay."

"Shalamat din po sha palaging pag-intindi sha akin." Napayuko nalang ako dahil naiisip kong nakakahiya ang pagharap ko kay tita. Wala akong ibang pwedeng ibalik sa kanila kung hindi ang pagpapasalamat.

"Baka kasi iniisip mo na ayaw ka namin. Hindi ako tutol sa friendship ninyo. Mabait kang bata, Lucille. Sobrang mapagmahal mo lalo na kay Ethan." Ang sarap marinig mula sa kaniya na kahit papaano ay na-appreciate niya ang ginagawa kong kabutihan kay Ethan. "Pero kung binabalak niyong humigit pa roon, nakikiusap akong huwag niyong tangkain."

Napalingon ako sa CR kung saan kapapasok pa lamang ni tito dahil may pila rin doon. Si Ethan ay kasalukuyang pangalawa sa pila. Humahanap ako ng paraan upang takasan ang usapan na 'to.

"Mahirap 'yong sitwasyon mo. May problema kayo sa pamilya, at alam kong araw-araw mong pasan 'yan. Hindi ko kayo pinagbabawalan dahil sa ayoko. Payo lang 'to mula sa isang ina, at tinuturing na rin kitang parang anak, mahirap balansehin ang pagmamahal sa isang tao habang nakikipaglaban ka sa pansariling problema."

Sandali lang kami sa fastfood na 'yon at umuwi na rin. Hindi ako nag-aksaya ng oras at ginawa ko na rin agad ang mga assignment namin. Mabuti na lamang ay kakaunti lang ang iniwan sa amin pero dalawa ang quiz bukas.

The Hidden MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon