CHAPTER 9
Lucille's P.O.V.
Isang buwan na rin simula noong nag-umpisa akong tumugtog sa simbahan. Marami ng nangyari dahil sa dami naming member hindi lamang sa choir kung hindi pati sa PYM ay halos lahat sila na-encounter ko na. Kahit na naka-isang buwan na ay hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Ms. Hope sa Metanoia noon. Nakakabagabag lang na ang dami palang sugat sa likod ng payapang mukha.
Kumbento ang destinasyon ko dahil wala naman kaming assignment na iniwan at nakapag-review na rin ako para sa quiz at activity. Katatapos lamang ng second mass, at hindi na ako sumasabay kina Ethan pauwi. Kung minsan ay nagpapaiwan siya para makipag-kwentuhan at para sa monthly na kita-kita ng PYM, pero sa ngayon ay nauna siyang umuwi.
"May kasal po ba next week?" tanong ni Ms. Hope na kasalukuyang nagtitimpla ng kape. Nakaupo si father sa dulong upuan ng dining table sa dirty kitchen at hawak ang brochure na ibinigay ng isang seminarian patungkol sa pag-iimbita sa mga lalaki na gusting pumasok sa seminaryo.
"Oo, kayong dalawa ulit ni Lucille ha?" Tumango lamang ako dahil isa ito sa kailangan kong gampanan bilang member ng youth choir. Pumayag naman si Ma'am Sofie sa bagay na 'to at sinabing ayos lang na halfday ako sa pagtuturo kay Ally dahil alam niyang may gampanin ako sa simbahan.
"Pupunta lang po ako sha labash," sambit ko sa kanila. Apat lamang kami sa kumbento, pero may mga naiwan pa rito. May ilang dumarating para sa meeting ng mga organization.
Nakita ko ang ibang LecCom na papasok sa parish hall at may mga nagbubuhat ng isang set ng mineral water na nakalagay sa plastic bottle. May mga ilang pumupunta sa office ng simbahan para magpa-schedule ng kasal, ng libing, binyag, at ang iba ay nakikisangguni sa mga gusting iparating sa pari.
Habang nakatayo ako malapit sa Parish hall kung saan malapit ang kumbento ay narinig ko ang mahinang usapan nina Ms. Hope at father.
"Kumusta ka naman?" tanong ni father na parang alam niya ang mga lihim ni Ms. Hope base sa tono ng boses niya.
"Minsan po okay, minsan hindi."
"Tao ka lang, normal mag-iba ng emosyon. Eh 'yong nabanggit mo noong isang buwan?" tanong ni father muli.
"Noong sinabi ko pong may balak akong masama sa sarili ko?" Napatigil ako sa paghinga nang normal at naramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko. Mas lalong umingay ang paligid habang nadaragdagan ang mga taong parating. "Sorry po, may mga pagkakataon kasing pakiramdam ko hindi ko na kayang suportahan 'yong pag-aaral ni Basty. Ang aga naman kasi naming naulila."
"Ano bang trabaho mo sa ngayon?" tanong muli ni father.
"Raket lang po kung saan-saan, tinatawag sa mga kasal, taga-kanta sa mga gig. Pero hindi rin po sapat. Kaya po kapag napapagod ako paulit-ulit kong naiisip na gawin 'yon."
Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ako nakaririnig ng sagot mula kay father. Maya-maya pa ay naramdaman ko sa tabi ko si Ms. Hope.
"Pinapatawag ka ni father." Agad akong sumunod at pumasok sa kumbento.
"Kailan ang birthday mo?" tanong agad ni father nang matanaw ako sa pinto ng kumbento. Oo nga pala, malapit na malapit na ang birthday ko, pero halos wala namang kaganapan doon.
"Sha ishang lingo po. Friday po."
"Sa school ka maghahanda?" tanong ni father.
"Ay hindi po ako naghahanda, nagshishimba lang po ako taposh naglalagay sha shobre."
Inabot na ako ng pasado tanghalian sa simbahan. Dumating din sundo na tinawagan ni Ethan para safe akong makauwi sa amin.
Habang nasa byahe ay sumagi nanaman sa isip ko ang usapang narinig ko kanina. I can't imagine how painful it is for her sa sitwasyon niya. Kung ako ba 'yong nasa katayuan niya, kakayanin ko kaya, o baka gawin ko 'yong sinasabi niyang masamang balak sa sarili.

BINABASA MO ANG
The Hidden Music
Ficção AdolescenteMaraming kahulugan ang bawat isa sa itinuturing na "tahanan". May ilang magsasabi na komportable sila sa tahanang kinalakihan nila. May ilang nagsasabi na nahahanap nila ang tahanan sa kaibigan o katrabaho. May ilan din na ang pananaw sa tahanan ay...