Chapter 19

1 0 0
                                        

‎Chapter 19


‎Lucille's P.O.V.


‎Wala na akong magawa kundi ang piliting alisin ang kirot sa puso ko. Tahimik akong nagbo-browse sa social media account ko nang may maligaw na picture sa isang Myday. Picture ni Ate Izzy habang hawak ang isang baby.


‎Napa-chat naman agad ako kay Ethan upang tanungin kung nakita niya 'yon pero hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kaniya makaraan ang isang araw.


‎Naupo akong muli sa harapan ng Piano at hindi ko alam kung bakit ko naisipang i-record ang melody sa application ng cellphone ko. Matapos kong i-record ang buong melody ay sinabayan ko na agad ng lyrics.


‎"At kung droga man ang magmahal sa'yo

‎Handa akong malulong dito

‎Bawal man ang nadarama ko sa'yo

‎Eh sa naadik nga ang puso ko"


‎Napatigil ako sa pagre-record nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa piano.


‎"Hello?"


‎"Ano 'yong myday? Kababasa ko lang ng chat mo."


‎"Si Ate Izzy kasi. 'Di ba hindi na natin siya nakakasama?"


‎"Oo, bakit?"


‎"May nakita kasi akong baby na hawak niya tapos may nakalagay na my little one."


‎Hindi siya kumibo pagkatapos ng sinabi ko at ang tanging narinig ko ay ang "Mamaya na lang" na medyo mahina pa at pinatay na agad niya ang tawag.


‎Bumalik sa application ng recorder ko at doon ko napagtanto na hindi naman pala na-save ang nirerecord ko.


‎Napaisip lang din ako sa lyrics ng kanta. Simula noong nine years old ako, kaibigan ko na siya. Sixteen na ako, seven years na rin kaming magkaibigan...


‎...at hanggang doon lang talaga.


‎Salamat pa rin, Ethan sa pagtrato mo sa akin nang tama bilang ako. Siguro panahon na para tumayo ako sa sarili kong mga paa.

The Hidden MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon