CHAPTER 7
Lucille's P.O.V.
Natapos din ang pagsasalita ni father at nagkaroon kami ng munting sharing sa kani-kaniyang grupo. Naka-flash sa projector ang tanong na 'Kung may isang bagay kang bibitawan upang masolusyunan ang iba't ibang problema, ano ito at paano mo maayos ang iba pang problema?'
"Siguro sa akin 'yong masyadong pag-wo-worry sa pag-aaral ko as a college student. Masyado kasing mahirap ang Psychology at nandoon palagi 'yong fear nab aka sa huli ako na 'yong mangailangan ng theraphy." Si Kuya James ang nauna at kahit nakangiti siya ay bakas sa mata niya ang bahagyang pagkalungkot.
Sumunod naman si Ate Trina na kung titignan mo ay parang walang dalang problema, "Being one of the main handlers ng PYM, sobrang hirap sa part ko na mag-alala sa what if one day isa-isang umalis ang members natin? Magkakaroon ng kani-kaniyang trabaho, responsibilities, at susundan ang mga plano sa buhay. Ako naman maaaring maiwan dahil as of now I am choosing myself and God before seeking for a romantic love." Ngumiti siya saglit at bumuntong-hininga. "Siguro ipagpapasa-Diyos ko nalang 'yong problema na 'yon. Kasi ang pinaka-problema na napapansin ko ay marami talagang nanlalamig sa pananampalataya, lalo na sa atin as youth."
Nilingon ko ang katabi ni Ate Trina na lalaking medyo bata pa. Halos ka-edad lang namin kung titignan o mas bata pa. Nakangiti siya sa akin at sa tingin ko ay kanina pa siya nakatingin. "Ako po si Justin, bago lang po ako sa youth pero two years na po ako bilang altar server. Ang pinaka-problema ko po ay 'yong pag-aaya sa akin ni tita sa ibang bansa. Galing po ako sa broken family at ayokong maiwan sina daddy at mga ate ko. Gusto ko po magkakasama kami palagi." Sa murang edad ay nakaka-relate ako sa kaniya. 'Yong kahit saan dala mo 'yong problema sa pamilya mo.
Nakarating na kay Ate Izzy na kasalukuyang nag-nonotes sa kaniyang phone, "Life is hard. Hindi kasi ako 'yong klase ng tao na masyadong planado pagdating sa future. Palagi akong go with the flow. I want to be honest sa ngayon ha? Halos gabi-gabi akong nasa labas at umiinom kasama ang nga kaibigan ko sa highschool. Hindi ko talaga maiwasang hanapin ang lasa at amoy ng alak. Parang nandoon ako sa punto ng buhay ko na kailangan ko munang matauhan bago ko bitawan ang isang bagay."
"Sa akin 'yong hindi ko magawa ang obligasyon ko sa iba't ibang aspect ng buhay ko. Baka magkulang ako bilang anak, bilang estudyante, bilang server, bilang kaibigan. Bilang tao mismo. Hindi naman sa pag-aalala at pagpapakitang tao. Alam niyo 'yon, may regret palagi na bakit hindi nalang ito 'yong ginawa ko?" Napatango-tango kaming lahat. Kahit sino naman ay makararamdam ng regret lalo na kung ganoon ang sitwasyon. 'Yon bang naiisip mong kaya mo naman pero bakit parang nagkulang ka.
"Ikaw, Lucille?"
"A-ahh, marami po. S-shiguro po kung may pinakamatinding pagshubok man akong kaharap ngayon baka po 'yong pagtanggap sha mga nangyari. Naakshidente po kashi kami noon ng papa ko. Nine yearsh old ako at kung makikita niyo po parang may hiwa sha pishngi ko. Shi papa naman hindi na maigalaw ang paa niya at medyo hirap din igalaw ang brasho niya." Nakatingin silang lahat sa akin pero yumuko ako. Mabigat banggitin at buksan ang usapan na 'to, pero kung ito ang paraan para itakas ang sarili papunta sa ibang dimensiyon ng mundo ko, magsasalita ako. "Gushto kong bitawan ang pangamba sha sharili ko. Araw-araw pabigat nang pabigat---"
"Okay, I think tapos na ang sharing bawat grupo?" Napatigil kami at napalingon ang lahat kay father. Tapos na ang timer niya, mabuti naman. Sumisikip ang dibdib ko sa pagkukwento pero kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagkagaan ng loob. Hindi ako nakaramdam ng uncomfortability sa mga usapan namin.
"Sa bawat grupo ay magkakaroon ng isang representative na magshe-share ng kani-kanilang problema pero hindi naman sapilitan, ha? Kung ano lang ang gusto niyong i-share na bukal sa loob at hindi confidential. Sasagutin lamang ang tanong dito."
Nauna kami sa lahat ng grupo. Gusto man nila akong pagsalitain ay tumanggi na ako kaya si Ethan ang tumayo para sa akin.
"So sa amin po in general may iba't iba kaming problema, pero masasabi ko na halos lahat kami ay worried para sa future namin. May ilan na nag-aalala sa kalalagyan nila sa mga parating na araw, may ilan na worried sa pamilya, at may ilan sa amin na talagang gustong ayusin ang kalagayan ng buhay pero nahihirapan. Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos at may pananampalataya, ang unang solusyon na naiisip ko ay isuko sa Diyos ang problema." Nakatingin lamang ako sa kaniya habang nagsasalita. Hindi ko maiwasang ma-attract sa kaniya. Hindi naman siya kasing gwapo kung ikukumpara sa iba pero ang lakas ng dating niya. "Kung kayang paisa-isa ang paghawak sa problema ay gawin sana. Mas mabuting unti-unti nating ginagawan ng paraan kaysa agad nating hahanapan ng solusyon. Tulad nga ng sabi ni father unti-untiin ang pag-inom sa tubig hanggang sa maubos ito."
Nagpalakpakan kaming lahat at natuwa rin si father sa magandang simula ng sharing na ito. Mabuti nalang talaga ay siya ang naging representative namin dahil kung ako lang 'yan ay mahihiya lamang ako at baka nga halos hindi ako makapagsalita.
Natapos na ang iba pang group at si Ms. Hope na ang nakatayo para sa huling group. Isa siya sa pinaka-hinahangaan ko sa members ng PYM, 'yong courage niya to handle ang isa sa pinaka-active na ministry kahit na kung minsan ay napapansin kong iilan lang silang kumakanta every Sunday. She sometimes play the organ kapag wala ang organist, pero mas komportable siya sa pagtugtog ng gitara base sa nasabi ni Ethan.
"Getting forty winks every night is hard, you know? When you want to cut all of your problems but the only solution you can see is not the same way around." Nakatingin ang lahat sa kaniya at base sa reaksiyon nila ay hindi nila 'yon naintindihan, even Ethan. Pero ako, alam ko ang sinasabi niya. We somehow have the same thoughts kaya siguro nagegets ko siya at ramdam ko ang bigat sa kaniya.
"Pero ang iniisip ko palagi at gusto niyong isipin na God is always with you, never niya tayong pinabayaan." Ako ang kauna-unahang naglapat ng dalawang kamay para bigyan siya ng malakas na palakpak. Bakas sa mukha ni father ang saya sa mga binitawang salita ni Ms. Hope.
"God indeed will never leave us," sambit ni father habang naglalakad papunta ulit sa harapan. "Alam niyo ako bilang isang pari may mga pagkakataong nabibigatan ako sa problema. Kahit naman sabihin ninyong pari ako, magand ang relasyon ko sa Panginoon, hindi pa rin maiiwasan na dalawin kami ng problema. Sa kahit saang perspective ko sa buhay, pamilya man, kaibigan, kakilala, at ang buong taong-simbahan masasabi ko na gaano man kabigat ang pasanin natin, nakahawak ang Diyos sa problema at hindi niya hahayaang maibuhos lahat ng bigat sa atin."
Matapos ang buong activity ay napansin kong maaga pa at around 9:30 pa lang kaya nagdesisyon akong puntahan ang lumang piano na nasa sulok ng hall. Nasa labas ng hall ang iba, may ibang nagkukwentuhan sa gilid, at wala pa yata silang balak na matulog.
Pinuntahan ko si Ms. Hope na naroon din sa sulok at hawak ang gitarang naroroon. "Pwede po ba akong mag-practish?" tanong ko. Tumango lamang siya kaya naupo na ako sa harap ng piano. Ibinigay niya sa akin ang line-up ng kanta noong Wednesday or Thursday kung hindi ako nagkakamali kaya isa-isa kong tinugtog ang bawat kantang gagamitin.
Nagsilapit ang iba pang co-member namin pero si Ms. Hope ang nanguna. Halos isang oras lang din kaming nag-practice at natawag pa nga namin ang atensiyon ng iba naming mga kasama kaya naki-kanta rin sila.
"Ayos pala ang timing ng pagpasok mo, Lucille," sambit ni Ate Trina.
Matapos naming mag-practice at pinuntahan ko si Ethan na nakaupo sa isang gilid habang naka-diretso ang paa. Magka-hiwalay ang pwesto ng mga babae at lalaki. Sa kaliwa ang mga lalaki at sa kanan ang mga babae. Si Ms. Hope ay nag-desisyon na magbabantay nalang din sa amin dahil maayos naman daw ang pahinga niya sa buong maghapon.
"Galingan mo bukas." Matapos niyang sabihin 'yon ay isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Anong bakit?"
"Ha? Ibig kong shabihin, bakit ka nakashandal?"
"Wala lang, nag-aalala lang ako na baka hindi ka makatulog nang maayos mamaya dahil sanay kang walang katabi."
Nagbigay ako ng isang ngiti sa kaniya at humarap din siya sa akin, "Bakit?" tanong niya.
"Komportable ako sha shamahan na 'to. 'Yon ang ikinashashabik ko, ang may kashamang matulog."
BINABASA MO ANG
The Hidden Music
Teen FictionMaraming kahulugan ang bawat isa sa itinuturing na "tahanan". May ilang magsasabi na komportable sila sa tahanang kinalakihan nila. May ilang nagsasabi na nahahanap nila ang tahanan sa kaibigan o katrabaho. May ilan din na ang pananaw sa tahanan ay...